~Coco~

0 0 0
                                    

Coco

This is the day na pinakahihintay ko.

Kakarating lang namin dito sa beach resort na sinabi ni Ate Mimi. Maganda siya at halatang isang mamahaling hotel.

Sa lobby palang alam mo na ang ranggo ng hotel. Ang mga furniture hindi kasing class pero sakto sa ambiance na pang bakasyon. Feeling ko tuloy summer na kahit mag-chri-christmas vacation pa lang naman.

"Okay room keys."

Ipinakita sa amin ni Bal ang mga susi.

"Okay, ladies ang gentlemen. Ako at si Coco." Inabot niya sa akin ang susi namin. "Syempre ang mag best friend." Inabot naman niya kay Fire ang susi nila ni Steel. "At last but not the least. Zinc."

Hinarap niya si Zinc. "Is it okay with you na same room kayo ni Beki Juls?"

"Ay nako! Dyosang bakla di ko naman pagsasamantalahan ang papey mo. Papapakin lang!" Nanlaki naman ang mata ni Bal kaya binawi na agad ni Beki Juls ang sinabi. "Ang HB naman. Nag-jojoki joki lang naman!" Bulong niya sa isang tabi.

"Ako na lang."

Napatingin kami kay Steel na nagvolunteer.

"Ako na lang ang sasama kay Julius sa room. Hindi naman ako maarte." Sabi ni Steel sabay kuha sa mismong kamay ni Bal ng susi.

"Ay taray ni Papey Steel bet aketch makatabi. Bonga!"

Sabay sunod niya kay Steel na nauna na sa room nila.

"So kasama ko siya?" Turo ni Fire kay Zinc.

"Is it okay with you?" Tanong naman ni Bal.

"It's fine with me. Let's go?"

Tapos sila naman ang naglakad na papuntang room nila kaya naiwan kami ni Bal dito.

"Look at those boys, di man lang tayo tinulungan sa mga dala natin."

"Ikaw lang." Napatingin naman ako kay Bal. At wala ngang dala nang gamit ang bruha.

"Nasan na ang gamit mo?" Nginuso niya si Zinc na madaming dalang bag.

Now I get it.

"Tss. Edi wow! Ikaw na may boyfriend." Sabay kiuna paglalakad.

"Sira! Hindi kami!"

"Ah talaga?" Pilosopong tanong ko. "Hindi halata."

Si Bal na ang nagbukas ng room namin na napaggigitnaan ng room ng mga boys.

"Tss. Whatever Mafwend. Basta, hindi nga kami. We're just friends."

Hindi na lang ako sumagot dahil ang showbiz niya kausap. Hinayaan ko na lang siya. Nagpalit na lang ako ng damit
Summer short at isang medyo manipis na t-shirt saka sando sa loob.

"Saan ka?"

"I'll go hunting." Maiksing sagot ko.

"Wow! Serious ka talaga ah! Tingin mo ba nandito ang crush mo?"

Nagkibit balikat ako. "Malay ko. Who knows! Kaya nga ako lalabas eh paano ko malalaman di ba?" Tumango tango naman siya kaya lumabas na ako.

Paglabas ko ang daming tao sa beach. Sa pool side naman may mga tao din kaya lang mga nakabikini. Mukhang mga college students.

Kaya sa beach na lang ako dumiretso.

Dito may mga naglalaro. May beach volleyball, habulan, may nagbabaon ng buhangin at iba pa.

Sa di kalayuan nakita ko si Steel sa may cottage naka upo mag-isa.

"Alone?" Tumingin siya sa paligid niya.

DE: Book 2 Dear CrushTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang