CHAPTER 54: Vacation

1.3K 38 12
                                    


Taeyeon's POV

*Few months later*

Biruin mo yon, graduate na kami ng highschool. Oo, graduate na! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Matutuwa kasi tapos na ang highschool life at mag-ccollege na kami. O kaya ay malulungkot kasi tapos na nga ang highschool life at mag-ccollege na kami. Gets?

Sabi nila, highschool daw ang pinaka masayang part sa buong pag-aaral mo. Noong elementary ka pa, bata pa ang isip mo at jejemon ka pa. Yung tipong wala ka pang kamuwang-muwang sa mundo pero may boyriend/girlfriend ka na.

Elementary kids be like:

Girl: akala ko ba magsisimba tayo?

Boy: sorry mahal, tinapos ko pa kasi yung goin' bulilit.

Sa college naman daw, eh ayun puro paghihirap na. Yung tipong kailangan mo na talagang mag-focus sa pag-aaral para makatapos ka at makakuha ng magandang trabaho na aayon sa course mo.

Sa highschool naman, puro saya lang. Syempre may paghihirap din. Hindi naman mawawala yon. Pero I mean, parang eto yung level ng freedom mo eh. Cutting classes. Absent. Late. Jowabells. Crushes. Matulog sa klase. Bumagsak. Mandaya sa exam. Oh pak ganern.

1 week matapos ang graduation ay naisipan namin na mag-bakasyon muna kahit sandali sa Ilocos.

Magkahiwalay ng van ang mga boys at girls. Kumuha kami ng driver dahil hindi na makaka-abot sa Ilocos ang edad namin sa pag-dadrive. Sayang ang hindi pa kami legal. Huhu t.t

"Hoy nandito na tayo!" Sigaw ko sa kanila. Isa-isa naming pinag-gigising ni Seohyun ang mga babaeng tulog.

"ILOOOCCCCOOOS." Sigaw ni Yoona habang nakapikit parin. Tinampal siya ni Sooyoung.

"Gaga nana-naginip to." Aniya. Nagising naman si Yoona sa tampal ni Soo.

"Tara na, tara na!" Sabi ko. Nakita kong naka-baba na sa van ang mga boys at hinihintay nalang kami. Pagka-baba naming lahat ay nag-inat inat kami.

"Sakit ng katawan ko. Huhuhu!" Angal ni Hyoyeon habang nag-iinat. Panong hindi sasakit eh nakaupo lang naman kami sa van na iyon ng ilang oras. Ilang stop-overs lang ang ginawa namin.

"Kumpleto na ba tayo?" Tanong ni Suho, siya ang nagpapaka-leader sa aming lahat. Yung tito niya kasi ang may-ari ng resthouse na pagbabakasyunan namin ngayon kaya medyo alam na rin niya dito.

"Hindi! Nawawala si Kai." Sabi ni Chen. Binatukan naman siya ni Kai.

"Gago nandito ko!" Aniya.

"Ay sorry 'di kita nakita, hahahaha."

"Pero actually yung puso ko talaga nawawala. Kinuha yata ni Sulli, hahahahahahahaha." Parang siraulong tumatawa si Chen, nag-heart sign siya sa kamay niya habang nakatingin kay Sulli na umiiling lang.

"Okay, taralets na!" Ani ni Suho. Nauna sila ni Krystal na naglakad at sumunod naman kami.

"Hoy Chen, umayos-ayos ka ha." Sabi ni Sooyoung. Nakaakbay sa kanya si Tao na naka-shades at walang reaksyon.

"Opo noona-in-law." Humagikgik si Chen.

"Nakatulog ka ba sa van niyo?" Tanong ni Baekhyun.

"Hmm, nakatulog naman. Kaso paputol-putol kasi nahihirapan ako." Sagot ko.

Nakasuot siya ng headband kasi sobrang lakas ng hangin at humaharang sa mata niya ang bangs niya. Ako naman ay hinahayaan ko lang lumipad ang buhok ko kasi hindi ko maitali dahil maiksi.

When They Meet Each Other [ExoShidae]Where stories live. Discover now