music 1^^ heart strikers

169 9 5
                                    

music 1

Shaika's POV

Welcome back to my beloved country! Haaaay. (i sigh) namiss ko dito! Ang tagal rin pala namin sa France. 2 years narin yun ahh.

Nandito kami ngayon sa airport. Kabababa lang namin sa eroplano. Hindi ko kasama ang parents ko umuwi dito dahil may mga inaasikaso pa sila dun.

" Bes san na nga pala yung bahay ng cousin mo? Nakalimutan ko na eh "

That's Karylle or Rylle, my bestfriend. Karylle May Angayon ang full name niya, 22 years old. Happy with her "boyfriend" Jaydee Santos na ngayon ay nasa France pa, dun niya nakilala si Jaydee eh., Matagal na kaming magkakilala ni bes since college pa kami. Their family owned 5 5 star restaurant here on the Philippines and 2 sa France kaya nandun din ang family niya. Meron din silang maliliit na restaurant pero hindi ko alam kung ilan.

Nakalimutan ko narin kung san eh, hehhe " sagot ko sakanya

" Eh paano tayo? San tayo tutuloy ngayon? "

And this girl na kasasalita lang ay si Alexandra Rhiane Angayon a.k.a. Raine. 20 years old. Halata naman siguro sa last name niya noh. Siya ang bunsong anak ng mga Angayon, ang little sister ni bes Rylle. May pagkaemo yan. Emotera! hahha. Pero maganda yan, syempre mana sa ate niya.

" Eh sabi ni L-- " naputol ang sasabihin ko nung may sumigaw

" Ate Shaika! "

" Eto na pala sundo natin eh "

Ito namang susundo samin is my pretty cousin Lei Camille San Diego, 19 years old. She's my one and only cousin na babae. Sila ang business partner ng company namin na cd producers.

Oooopss! Naipakilala ko na yung mga kasama ko pero ako hindi pa nagpapakilala.

Ako nga pala si Patricia Abigail Shaika Marie Valentine, 22 years existing here on Earth. Hindi naman masyadong adik pangalan ko noh? Ako lang naman ang unika iha ng may-ari ng 3 hotel at 5 music school at isang cd producer company dito sa Philippines. Hindi naman kami ganun kayaman eh, onti lang. Yung isang music school namin ay ipinangalan sakin dahil narin daw sa hilig kong kumanta dati pa. Musika ang buhay ko. Buong barkada namin ay mga musician. Si Rylle ay pianist, her sister raine naman ay magaling na drummer, ewan ko ba dun kung bakit drum ang napagdeskitahan. My cousin Lei is a crazy guitarist, nabaliw sa paggigitara.

Ako? I can play instrument naman tulad ng gitara, piano, flute, harmonica and violin pero hindi ko gaano type. Singing is my fashion, singer is what i want to be pero ayoko pa magtrabaho ang gusto ko kakanta ko dahil gusto ko lang. Sabi nila bata palang daw ako mahilig na akong kumanta, na kahit daw bulol ako at wala sa tono go lang! Wala naman magagawa eh, hhaha!!

--

" We're here! " sabi ni Lei with hand movements pa, yung nakastretch yung dalawang kamay niya na parang mangyayakap.

Dito muna kami tutuloy sa bahay ni Lei kasi mag-isa lang siya. Nasa Manila ang parents niya at syempre for business nanaman. Nag-aaral pa si Lei, Graduating na siya ngayong pasukan but since  bakasyon pa naman tambay siya ngayon, haha!

Kaming tatlo graduate na. Naiwan nga namin si Lei dahil nga hindi pa siya pwede pumunta sa France at nag-aaral pa pero pumupunta siya dun pag christmas vacation and ngayon kami naman ang umuwi sa Pinas.

Pumasok na kami sa loob ng bahay, alangan namang sa labas. tsk kayo talaga ooh.

Umupo kami sa sofa dito sa living room nila at si Cous naman pumuntang kusina.

" Lei! What's this? "

Napatingin ako sa nagsalita, si Bes na may hawak na papel,

Lumapit ako kay Bes at tinignan kung ano yun

" Poster. " sagot naman ng magaling kong pinsan na kadarating lang at may hawak na tray ng pagkain, cookies and softdrinks.

" Hoy maldita ka! Wag mo nga akong pinipilosopo. At ibaba mo na yan! nagugutom na ko. "

" Feel at home na feel at home kayo ahh. Tama lang yan dahil dito kayo titira. " Sabi ni Lei samin

" Cous hindi mo pa sinasagot yung tanong ni Bes. Ano na? " sabi ko naman

" Oo nga! Ano ba yun " Pagsang-ayun naman sakin ni Raine sabay turo dun sa poster

" Ahh yung poster., every year kasi nagkakaroon ng contest, labanan ng mga banda, Ang mga taga province ng Nueva Ecija ay pwede sumali... blablabla "

Pinaliwanag naman niya samin ng malinaw ang tungkol dun sa contest. At dahil dun may naalala ako at may naisip ako.

" Girls! I have an excellent idea. "

" Ano nanaman yan bes? "

" Eh kung buoin kaya natin ulit ang banda natin? "

May Band kasi kami noon. Heart Strikers ang name ng band namin, ako nagpangalan.

 ( picture po ng heart strikers sa gilid -->>> )

Bumuo kami dahil naisipan kong lumaban sa " Battle of the Bands " sa school namin. Dalawang taon din buo yung banda namin at sumasali rin kami sa mga ganito dati pero hindi madalas dahil nag-aaral pa nga kami. Nananalo naman kami kaya walang masama kung subukan ulit namin.

" Huh? Bakit naman? " takang-takang tanong ni Lei

Ito talagang pinsan ko oh, ang slow.

" Para makasali siguro Lei " Sabi ni Raine sarcastically 

" Eh nakakhiya naman kung matalo tayo "  sabi naman ni Bes

" Ang nega niyo noh?Kaya natin yan! Para namang walang experience."

" Ang tanong. San tayo kukuha ng instruments? " - Lei

" Ang hina mo talaga Lei! Ano ginagawa ng music schools namin kung walang mga instrument? " - ako yan

" Sige na nga. " - silang tatlo

" Yes! talaga? " Tanong ko na parang hindi makapaniwala.

 Ang galing talaga! Magiging Lead Vocalist nanaman ako. Pangarap ko talaga yun na nakamtam ko na minsan. At nananatiling pangarap hanggat hindi official ang banda.

" Oo nga! Ayaw mo? Ede wag. Out na ko. '' - Rylle

" Gusto ko noh! Kaya magtigil ka jan! "

" It's the Heart Strikers' comeback!! ! " sigaw ko sabay tawa, then nagtawanan na kami.

~~~~~

A/N: Wala pang kanta sa umpisa pero sa susunod meron na. Sana po magustuhan niyo.

COMMENT, LIKE, VOTE, AND SPREAD, pretty please *u*. hehhe

have a nice new year ^__^ oh no! I mean, Have a great new year 

music, the masK of LOVE (hiatus)Место, где живут истории. Откройте их для себя