Chapter 2: Nemesis

726 25 3
                                    

Sinubukan kong i-lock ang pinto, kaso may duplicate ang ama ko ng kwarto ko. Wala ang aking ina dahil nakashift siya boung linggo ng panggabi sa hospital. Nagkukunwari akong tulog sa aking kwarto, pero rinig ko ang laklak ng ama ko sa kanyang alak. Nagdadasal na makatulog na siya sa kalasingan.

"Hela, buksan mo ang pinto!, gusto ko na mag-usap tayo!" sigaw niya

Wala pang ilang minuto ay nakapasok na siya sa aking silid, wala siyang damit pang-taas at sout lang niya ang boxer brief niya. Kinalabutan ako sa nakita ko. dahan dahan siyang gumapang sa kama ko.

"napakaganda mo Hela, I want you to wake up..." nag-umpisa na niyang iyugyug ang balikat ko. at hindi ko na mapigilan ang umiyak. Tinakpan niya ang bibig ko at nakapatong na siya sa ibabaw ko, nanginginig ang bou kong katawan.

"subukan mo lang mag-sumbong sa iyung ina ay papatayin ko siya! At kung sino pa man un!!" Natatakot ako, wala pa akong pinagsasabihan sa kahayupan ng stepdad ko, kahit anong gawin kong paglaban sa kanya ay wala akong magawa.mas malakas siya sa akin, sinubukan niyang ibaba ang short ko, at tanggalin ang damit ko

Biglang may doorbell sa labas ng bahay, agad agad na sinaktan ako ng aking ama, at iniwan mag-isa sa kwarto. Narinig ko ang aking ina, na pumasok sa aming bahay at nagkwento na nagkaroon ng electric error kaya pinauwi na ang ibang nurse,kasama siya. I was saved by the bell. Umiiyak ako ng gabing iyun at hindi ako pinuntahan ng aking ina, kinabukasan ay puno ng pasa ang katawan ko at kailangan ko pa magsinguwaling kung saan ito nanggaling.

Pero hindi yun ang huli nasundan pa ito ng mas marami pa...

***

I woke up, madilim pa rin ang paligid, pakiramdam ko ay may tumatabi sa akin matulog, masyado na akong paranoid. Kahit saan ako magpunta ay natatakot ako na may tumabi sa akin, tiningnan ko ang higaan at walang bakas na tao na humiga dito. Pero ang bintana sa terrace ng kwarto ko ay nakabukas pa at hindi ko ito maalala na binuksan.

Pumunta ako kung saan ko huling nakita si Claire, tahimik ang lugar na iyun at walang nakakapasok, kaya ligtas ako dun. Pero ang hindi ko inaasahan ang bato na iniwan ko kahapon ay naging isang Diamond.

Gusto kong sumigaw sa takot, impossible, siguro ay pinalitan ni Connor ito, nang umalis ako kagabi kaya impossible naman

"Do you like my gift?" isang tinig ng lalake ang narinig ko mula sa likuran ko.

Pagkaharap ko ay isang lalake nan aka-itim ang ngayon na nakatayo sa harap ko.Nakakatakot ang kanyang mata, hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay nagkita na kami dati, pakiramdam ko aykilala ko siya.

"Gift?"

Hindi ako makahinga, ang bilis ng tibok ng puso ko. bakit ganito ang nararamdaman ko dahil ba sa takot.

Tinuro niya ang diamond na nasa likod ko. impossible.

"sino ka?"

"Nemesis.." bulong niya, at dahan dahan siyang lumapit sa akin, ramdam ko ang katawan niya, natatakot ako, naninikip ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit. Halos magkalapit na ang aming mukha, at pakiramdam ko ay hahalikan niya ako kaya pinikit ko ang aking mata.

He didn't kiss me. Kinuha lang pala niya ang kwintas na nakasabit sa pader sa likod ko at tiningnan ito. Nakaramdam ako ng konting pagkapahiya. At nilagay niya ito sa palad ko.

"this gift..." dahan dahan niyang hinawakan ang kamay ko at nilagay ang kwintas,  nakaramdam ako ng kuryente sa bou kong katawan, sino ba si Nemesis at bakit ganito ang reaksyon ko sa kanya.

"pasensya na at hindi ko iyan matatanggap." Bulong ko.

Nagbago ang ekpresyon ng mukha niya, mula sa calmado ay mistulang nag-aapoy ang titig niya sa akin, mali ba?, hindi naman iyan sa akin at mas lalong hindi naman yan sa kanya.

"sorry pero, aalis na ako, kailangan ko pang tawagan si Mama kaya-" dahan dahan ko siyang tinulak palayo, at hindi na siya nagsalita pa. umalis ako ng kwarto at hindi na lumingon pa sa kanya. Nang makasalubong ko si Claire na papasok sa kwarto.

"anong ginagawa mo dito?" masungit na sabi ni Claire, ayaw niya siguro na pinapakealaman ko ang gamit sa kwarto na ito. Paano ko naman papaliwanag ang lalake kanina na pinakealaman ang kwintas.

"may nakilala akong lalake at-"

"sino?"

Nang lingunin ko ito ay walang katao tao, Nawala na ang lalake na kausapan ko lang kanina. Isa lang ang pinto dito para makapasok, at napakaliit lang ng mga bintana. Impossible.. hindi kaya ay panaginip lang yun.

Nabigla ako ng narinig kong sumigaw si Claire, at napansin na lang niya angmga Diamond na nakakalat sa sahig.

Hindi ito panaginip, agad agad akong tumakbo palayo sa kwarto na ito.

***

"Hela, bakit hindi ka muna mag-enrol sa school na pinapasukan ni Connor, kinausap ko na ang namamhala sa School nila at puede ka nang magsimula." pagyaya ni Mrs. Robinson

Napangiti naman si Connor dito, hindi lang nila ako a-ampunin ay papaaralin din nila ako. napakabuti ng pamilya ng ama ko, kaya tumango na lamang ako. ang totoo ay ayaw ko pa talagang umuwi at patawarin ako ng aking ina sa aking ideya. Bigla ko na lang naalala ang nangyari kaninang umaga.

"May kamag-anak o nakatira sa bahay na ito na Nemesis ang pangalan?, isang lalake na nakaitim at may ganitong laki" higit na mas matangkad sa akin at hangang balikat lang ako"at may kakaibang-" tanong ko.

Umiling sila. "Wala kaming kilala na sinasabi mo, Hela? Hindi kaya pagod lang yan."pag-aalala ni Mrs. Robinson. Siguro tama nga.

"Mom and Dad, hindi kayo maniniwala pero puno ng diamond ang kwarto kanina" pagmamalaki ni Claire.

"totoo ba yan?, ang ibig sabihin ba niyan ay.." gulat na sabi ni Mrs. Robinson.

Mas lalo akong nawalan ng ganang kumain, parang bumaliktad ang sikmura ko, at walang nakapansin sa akin na umalis na ako sa kainan dahil busy sila sa nalaman. Tungkol sa tradisyon na iyun. Ano ba ang meron kay Nemesis. Sino ba siya?.

"May problema? Ba Hela?" paghabol sa akin ni Connor. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat, na kakaiba ang pamilya niya. Pero naisip ko na hindi talaga siya kasama sa weird na tradition na ito.

Umiling ako, at napansin niya siguro na hindi ako nagsasabi ng totoo.

Hinawakan niya ang parehong pisnge ko, "Pipi ka ba? Bakit hindi ka nagsasalita?" tanong niya

"hindi, masama lang ang pakiramdam ko" pagpalusot ko. ang totoo ay nahihiya ako, sa ginagawa niya. Hindi ako sanay na hawakan dahil sa aking ama.

"oo nga namumula ang pisnge mo.nahihiya ka ba sa akin?" ok. Mas lalo niyang pinamula ang mukha ko. At bigla na lang siyang natawa sa reaksyon ko.alam niya na nag-blush ako dahil sa kanya. Nakakahiya.

"Papayuhan kita, wag kang mag-stay sa bahay na ito at baka mabuwang ka katulad ni Claire..." pagbibiro niya.

Tumango ako, gusto kong umalis at mamasyal muna.

"do you drink?" tanong niya. Drink. Alcohol. Umiling ako. "Pwes, tuturuan kita" he whispered with seductive smile.

Naghalo ang emosyon sa tiyan ko, nilahad niya ang kamay niya, para kunin ang kamay ko. at dahan dahan ko itong hinawakan. Hindi kami talaga magpinsan at hindi kami magkadugo, kaya siguro walang masama kung magkakagusto ako sa kanya. Hinintay ko ang kuryente na nadama ko kanina nang hawakan ni Nemesis ang kamay ko pero wala kay Connor.

Meeting HadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon