Chapter 3: Connor

489 19 1
                                    

Pumunta kami sa isang bar, kasama ang ilang mga kaibigan ni Connor. Bumili siya ng napakadaming drinks, may mga kulay pa ata, Pinayagan naman siya ng Waiter dahil sa Fake id niya.

"Ikaw ba si Helena?, at cousin mo si Connor?" tanong ng isang lalake, at kung hindi ako nagkamali siya si Kiko. Inirapan naman ako ng syota niya na si Berna na parang aagawin ko ang boyfriend niya.

Sa kaliwa ko naman ang isang name na Harry ang pangalan. "How long will you stay?" Usisa niya.

"Hindi ko alam" bulong ko, at lumingon ako kay Connor na may kausap sa Cellphone. Naririnig ko ang pangalan ni Claire pero hindi malinaw tungkol saan. Maraming kaibigan si Connor at puro lalake, kami lang ni Brenda ang babae. Pinapainom naman ako ni Harry ng Alcohol, and the taste was terrible, hindi ko alam kung bakit marami ang gustong uminum

"Stop hitting my cousin, Harry!!, inosente pa siya" pagbibiro ni Connor at narinig kong nagtawanan ang iba. Parang pakiramdam ko naman ay namula ang pisnge ko sa narinig. Pero may 'cousin' siyang binanggit kaya medyo nakakalungkot.

Maya maya ay dumating ang isang babae, not a girl but a living doll. May brown siyang hair, at green eyes, tumingin siya sa table namin at halata na halos lahat nang nasa bar, ay napatingin sa kanya. Pero ang hindi ko inaasahan ay pinulupot niya ang braso niya sa leeg ni Cannor at hinalikan niya ito.

Ok. Isa namang bago sa paningin ko, parang unti unting nahihilo na ako, medyo nasaktan din ako sa nakita ko. Umaasa ako na may gusto sa akin si Connor. Ako na ang feeler, mabait lang talaga siya kahit kanino, at binigyan ko ata iyong ng kahulugan.

"hey are you okey?" tanong sa akin ni Harry. Tumango lang ako, habang tumatagal ay nagustuhan ko na ang lasa ng alak, nakakalimutan ko ang sakit sa nararamdaman ko at sa ginawa ng aking ama. Lie - hindi nakaalis o nakakalimot ang pag-inum, just a simply distraction. 

Nahihilo na ako, at nakikita ko sa harapan ko na nakikipaglandian si Connor sa Barbie na yun.

"grabe ka pala uminum, sigurado ka ba na hindi ka mahilig uminum" tanong ni Harry. Hindi ko siya pinansin, at patuloy pa rin ako sa pag-inum. Meydo umiikot na ang paningin ko.

"hey, im Laihla ikaw ba ang cousin ni Connor?" pagpapakilala ng barbie.

Tumango ako.

"really, you look plain. Hindi kayo magkahawig ni babe are you sure,?" she sarcastic said. "Oo nga pala hindi kayo magkadugo, wag mong sabihin na may gusto ka sa cousin mo?"

Napatingin naman si Connor sa akin, kanina pa ba nahahalata ni Laila na nakatingin ako kay Connor ganun ba ako ka obvious?.

"mind your own business" I snap. Nagulat si Barbie sa reaksyon ko, pero siguro dala lang ito ng Alcohol.

Hindi ko na kaya, tatayo na sana ako nang muntikan na akong bumagsak. Sinalo naman ako ni Harry, pero ang hindi ko inaasahan ang masukahan ko si Harry sa damit.

"f*ck!!!" sigaw niya at tinulak niya ako palayo. Buti nakahawak ako sa upuan, kundi ay baka bumagsak ako sa sahig.

"I'm sorry... " pilit kong pinupunasan ang damit niya, kaso naulit pa at nasukahan ko ang sapatos niya, At hindi na siya tumigil sa pagmura sa akin.

"die you b^tch, sinira mo- .. fuck"

Narinig ko na pinagtawanan ako nila Laila at ibang lalake sa nangyari, nakakahiya ako sobra. Parang gusto ko nang umiyak. ano ba ang pumasok sa isip ko at sumama ako dito, uminom at magsuka, hindi ko nga alam kung anong oras na, hindi ko nga alam kung ilang baso na ba ang nainum ko, ang gusto ko lang ay makaalis, makaalis dito.

Meeting HadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon