Chapter 2 - Joweebee

19.5K 205 8
                                    

Chapter 2 - Joweebee

Sabado..


Maraming tao sa bakuran ng mga Villarama..

Kaarawan ng nakababatang kapatid ni Aldrin na si Alyssa..

Abalang abala ang mga nanay ng apat na alas sa pag aasikaso ng mga bisita..

Habang ang apat na mokong ay missing in action mula pa kaninang umaga..


Nasa basement sila ng bahay nina Rhoi..

Tatlo silang nakapangalumbaba sa harap ng pabilog na mesa..


Nagpupulong..

Ilang minuto na lang at pormal ng sisimulan ang party ng bata..

Pero problemado pa rin ang tatlo dahil wala pa silang susuotin na costume..

Marahas na napabuntong hininga si Aldrin..

          "Ano ba yan.. Ilang oras na lang malapit na yung start ng party.. Wala pa rin tayong costume.. Ano to nganga ?.. " tanong nya..


Nagkibit balikat si Darius..

Napailing si Rhoi.

          "Nasan na ba kasi si Romeo ?.. Akala ko ba sya na ang bahala ?.. " tanong nya..

Speaking of the handsome devil.

Pabalagbag na nagbukas ang pinto at niluwa ang gwapong binatilyo..

Nakangisi at may bitbit na malaking plastic..

Nabuhayan ang loob ng tatlo pagkakita sa kaibigan..



Agad pumasok si Romeo at sinara ang pinto.

Nakatingin sa kanya ang tatlo..



Ilang saglit pa ay nilapag nya ang dala..


Nilahad nya ang kamay.

          "Tulad ng sinabi ko sa inyo.. Darating ako ontime.. Nagkaroon lang ng aberya sa costume ni Darius.. " nakangising sabi ni Romeo.

Kumunot ang noo ni Taba..

          "Bakit saken ?.. Anong problema ?.. " tanong nya..

Nginuso ni Romeo ang dalang mga costumes..

          "Tulad pa rin ng dati yung problema tol.. Walang kasukat mo.. Pasadya yan.. Gago ka kase.. Kung tinitigalan mo na ang paglamon mo ng sangkaterba.. Eh di sana di na tayo namomoroblema.. Ay pota ako lang pala.. Hayahay lang kayong tatlo eh.. " reklamo nya..

Kwadro Alas - Ace of DiamondsWhere stories live. Discover now