Chapter 35 - Dolores

15.2K 186 12
                                    

Chapter 35 - Dolores

Alas tres ng madaling araw, dilat na dilat pa rin ang mga mata ni Ekang.

Tila nakaglue na rin ang kanyang mga pisngi dahil sa permanente nitong pagkakabanat.

          "You're so sweet my Ace. " kinikilig na sabi nya sa sarili.

Hinaplos ni Ekang ang suot na necklace, inangat nya ito sa ere at pinagmasdan ang makinang na bato.

          "You're so galante pa. Ayeeee, love mo talaga ako . " muli nyang sabi.

Ilang saglit lang ay tumunog ang kanyang cellphone.

Pagtingin nya ay lalo syang napangiti ng makita ang pamilyar na numero.

Saglit na kinalma ni Ekang ang sarili bago sinagot ang tawag.

          "Uhm, h-hello ?. " kunwari ay paos ang kanyang tinig.

          "Hello my queen. " baritonong boses ni Tabar.

Pinigilan ni Ekang na tumili.

          "Uhm, h-hello, bakit gising ka pa ?. " tanong nya.

          "May iniisip lang kasi ako ." sagot ng binata.

          "A-ano ?. " tanong ni Ekang.

          "Kung anong kulay ng brief ang susuotin ko sa date natin mamaya. " sagot ni Tabar.

Napanganga si Ekang sa kabiglaan.

Di nya akalain na seryoso pala ang binata ng ayain sya nito kanina.

Napakagat labi sya.

          "D-date? . As in tayong dalawa lang ?. " tanong nya.

Natawa si Tabar.

          "Ahaha, gusto mo sama natin si Rom " sabi nya.

Nagkandailing iling si Ekang.

          "Big NO !, manggugulo lang yun eh. " sagot nya.

          "Yan din ang iniisip ko, kaya tayong dalawa lang. " sabi ni Tabar.

Kinilig si Ekang.

Mabilis na gumapang ang kanyang imahinasyon sa maaaring maganap mamaya.

Kwadro Alas - Ace of DiamondsWhere stories live. Discover now