Chapter 1: Pilot

86K 1.9K 192
                                    

"I knew it Myles, you will always be the winner in that category." masayang pahayag ni Davilyn habang papalabas kami ng Gymnasium.

"Ano pa bang aasahan mo kay Myles. Isang Karate at Ninja Expert kaya yan." wika rin naman ni Ridgette.

"So, treat ko ngayon ang ating lunch. Saan tayo?" tanong ko naman sa kanila.

"Sa Achilles' F Restaurant nalang tayo." sagot ni Ridge sabay hawak ng braso ko.

As always.

"Sige pagbibigyan ko kayo, pero next time gusto kong sa Percy's Seafood Restaurant naman tayo kakain."

Actually, ang weird nga ng mga pangalan dito sa lugar namin eh. Ewan ko kung bakit.

Lumabas na kami ng Academy para kumain sa paborito nilang restaurant. Ewan ko ba kung anong sekreto ng Restaurant na 'yan at parang heaven ang nararamdaman ng mga kaibigan ko kapag diyan sila kumakain.

Pagdating namin sa loob ay pumwesto na kami sa gilid kung saan tanaw ang mga estudyanteng nagdada-anan papuntang Archangels' Academy kung saan kami nag-aaral.

"Waiter!" tawag ni Ridgette sa isang waiter.

"Order Ma'am." binigay naman ng lalaki ang list ng kanilang mga menu.

"Ikaw nalang ang pumili para sa ating tatlo Ridge." sabi naman ni Davilyn habang gumagamit ng phone niya.

"Sige!"

Umalis narin ang Waiter upang kunin ang aming mga order.

"Nga pala Myles kung nakita mo lang ang mukha ni Nathalie kanina nung matalo siya sa laban niyong dalawa." pahayag naman ni Davilyn habang di mapigil ang tawa.

"Nako pabayaan mo na yung babaeng yun, masyadong Fame whore kaya ganun na lamang ang paghahangad na talunin ako, kahit alam niya namang wala pang Estudyante sa Archangels' Academy ang nakakatalo sakin pagdating sa Karate."

Dumating narin ang waiter na dala ang inorder ni Ridgette at nag-umpisa na kaming kumain.

Ngunit sa kalagitnaan ng aming pagkain, nagvibrate ang phone ko at nalaman ko na lamang na tumatawag pala sakin si Mommy.

"Excuse lang guys ah!" paalam ko naman sa kanila at dali-daling lumabas ng Restaurant.

"Hi Mom!" bati ko sa kanya sa kabilang linya.

"Where are you sweetie?"

"We're here in Achilles' F restaurant Mom, I'm with Ridge and Davilyn."

"Pagkatapos niyong kumain, umuwi ka nalang muna dito sa bahay ah? We have something very important to talk about."

"Mag aabsent ako? Hindi pwede Mommy, may practice pa ako mamaya sa Karate." reklamo ko naman.

"Wag mo na muna 'yang isipin sweetie, dahil mas importante ang ating pag-uusapan mamaya. See you later, Bye Sweetie."

Pinatay na ni Mommy sa kabilang linya kaya napa singal na lamang ako at bumalik na sa loob.

"What took you so long Myles? We've been waiting here for ten minutes." pamamaktol naman ni Davilyn.

"Seriously Ridge? Sa tingin ko kasi halos two minutes lang ako sa labas." napa-irap na lamang ako at magpatuloy sa pagkain.

"So, sino yung tumawag sayo?" tanong naman ni Davilyn.

"Ah, si Mommy. Nga pala pinapauwi niya ako ngayon sa bahay. May very important matter lamang siyang sasabihin sakin so, hindi na muna ako makakapasok ngayon sa mga classes natin and pakisabi nalang sa mga Professors natin mamaya na may importante lang akong gagawin." sabi ko naman sa kanila at tinapos na ang aking pagkain.

Arcadia High: The Lost EnchantressWhere stories live. Discover now