Chapter 5: Hints

44.8K 1.4K 90
                                    

"Hindi ka na ligtas sa lugar na ito." wika ng isang nilalang na pamilyar sa babae.

"Bakit mo naman 'yan nasabi?" pagtatakang takong ng babae sa kanya.

"Sapagkat natuntun ka na ng mga black eyed beings. Bawat nilalang kasi na makikita nila sa iba't-ibang mundo ay kinukuha nila upang paslangin para mabawasan ang ating bilang." ani ng nilala na nagliliwanag.

"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo, sa tingin mo ba maliban sa mundo namin ay mayroon pang mundo na maaaring mabuhay ang isang nilalang?"

"Oo! Marami at isa na iyon ang pinanggalingan mong lugar, ang Arcadia." sagot ng babaeng nagliliwanag.

"Tama na! Ayoko nang marinig ang tungkol sa mga bagay na 'yan. Please, mababaliw na ako kapag pinagpatuloy niyo pa ang panggugulo sa akin. Tantanan niyo na ako!"

"Sweetie, gising! Myles, gising!" napamulat naman ang mga maya ng maramdaman kong may yumuyugyog sa akin.

Nadatnan ko sina Mommy ay Daddy na nasa harapan ko ngayon. Nakahiga rin ako sa aking kama na ipinagtaka ko. Agad ko namang naalala ang mga pangyayari kanina. Huling natandaan ko ay bigla na lamang akong bumagsak at sahig at nawalan ng malay kaya hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari.

"Mommy, what happened?" tanong ko at bahagya akong bumangon ngunit namimilipit naman sa sakit ang aking likod kaya minabuti ko na lamang humiga.

"Narinig ka kasi namin ng Dad mo kanina na parang sumisigaw and we thought that may kausap ka lang sa phone pero bigla ka nalang sumigaw kaya dali-dali kaming pumunta didto ng Dad mo and nadatnan ka nalang namin na walang malay." tarantang paliwanag sa akin ni Mommy.

Alam kong nababahala sila sa nangyari sa akin pero hindi ko naman basta-bastang sabihin ang katotohanan dahil baka hindi nila kayanin. Ayoko nang mag-alala pa sila sa akin dahil nagkakaproblema narin ang kompanya. Ayoko nang dumagdag pa.

"Anak, sabihin mo sa amin ng Mommy mo kung ano talaga ang nangyari dito?" tanong din ni Daddy.

Napa-iwas nalang ako ng tingin dahil ayoko namang nagsisinungaling sa parents ko pero kailangan ko 'to ngayong gawin. "Kanina po kasi habang papunta ako ng veranda, hindi ko namalayan na nasa sahig ang mga markers ko kaya nadulas po ako at biglang napasigaw."

I'm sorry Dad.

"Sigurado ka bang 'yan lang ang nangyari?" paninigurado ni Mommy sa akin.

"Opo, wala po kayong dapat ipag-alala. I'm fine, thank you po." ngumiti naman ako ng pilit sa kanila dahil ayokong nakikita ang mga magulat ko na malungkot.

"Masakit oa ba ang ulo mo, Myles? Gusto mo bang tawagan natin si Dr. Alejandrino para matingnan ka?" wika ni Daddy pero hindi na naman kailangan. Gusto ko nalang magpahinga.

"Nako, no need na Dad. Itutulog ko nalang 'to at magiging maayos na 'to bukas."

I just can't afford to see them suffering because of me.

"Basta kapag may kailangan ka tawagan mo lang kami ng Dad mo ha? Sige na, magpahinga ka na diyan at may pasok ka pa bukas." ani ni Mommy sabay halik sa pisngi ko.

Lumabas narin silang dalawa sa kwarto ko. Naalala ko na naman ang panaginip ko kanina. Dalawang beses nang nagpapakita ang babaeng liwanag na 'yon sa panaginip ko, and I don't know what she's trying to say. Anong mundo ng makiha? It that even for real? Hays, naloloka na ako sa mga pangyayari ngayon.

Napakabilis naman talaga ng oras, dahil dalawang araw nalang at 18 na ako. Marami na ang nagbago sa buhay ko simula ng ibinalita ni Mommy sa akin ang tungkol doon sa marriage proposal ko sa anak ng katrabaho niya.

Kasalukuyan ako ngayong nasa kotse papuntang school. Maaga rin naman kasi akong bumangon kanina dahil halos hindi ako nakapagpahinga ng maayos sa mga nangyari sa akin kagabi. Ayoko ring managinip ulit dahil naloloka lang ako sa mga nalalaman ko.

"Nandito na po tayo Ma'am." wika naman ni Manong Fred kaya napabaling na ako sa labas. Inayos ko naman muna ang mga gamit ko at sarili.

"Sige po, Manong." sagot ko at lumabas na.

Tumungo agad ako sa conference hall, bala matagalan pa siguro bago kami makabalik sa building kung nasaan ang classrom bamin. Pagdating ko, nadatnan ko agad sina Davilyn at Ridge na masayang nag-uusap sa likuran.

"Hey Myles, you know what I have chika. Come here, dali," pahayag ni Davilyn kaya napakunot ang noo ko. Abot-tenga kasi ang mga ngiti niya ngayon.

"What's with that Smile, Davilyn?" tanong ko naman sa kanya.

She seemed to be very happy right now. Kailangan ko bang sabihin ang mga nangyari sa akin?

"Nako, Myles. Anniversary nila ng boyfriend niya ngayon kaya good vibes 'yang kaibigan natin. Nakita ko kanina ang bonggang surprise ni Clint sa kanya sa labas ng school. Akala ko nga kung sinong artista ang dumating dahil pinalilibutan sila ng mga estudyante kanina." wika naman ni Ridge.

"Kaya pala. Happy anniversary sa inyo ni Clint." ani ko sabay subsob nga mukha ko sa desk. Hindi ko alam, mukhang pagod-pagod ang katawan ko ngayon. Wala rin akong gana makipag-usap muna sa iba.

"Uy Myles, are you okay? Aren't you happy for me?" tanong naman sa akin ni Davilyn sabay pout.

Magsasalita na sana ako pero inunahan naman ako ni Ridge. "Myles, if there is something bothering nandito naman kami ni Davilyn para makinig at iintindi sa'yo. You doesn't have to deal with it alone, we are here for you, Myles." ani niya pa.

Hindi ko kasi alam kung maniniwala sila sa akin kaya pinipigilan kong magsalit kahit kila Mommy at Daddy. Ayoko nang mag-alala pa sila sa akin o baka naman isipin nila na nababaliw na ako.

Pagkatapos ng klase namin ay napag-isipan naming pumunta sa Café kung saan kami palaging nagrereview.

"Nako, mag-rereview na ako palagi at makikinig sa mga lectures ni Professor Villasis." sabi naman ni Davilyn sabay bukas ng libro niya.

"Tapos na ang quiz girl. Next time ka nalang magbasa niya, it won't work." pang-aasar naman sa kanya ni Ridge.

"Ang sakit ng ulo ko kanina sa quiz. Mabuti pa 'tong si Myles at nakapag-review. Sana all perfect ang score." pahayag naman ni Ridge kaya napatawa naman ako.

"Magreview kasi kayo, hindi 'yong pakikipaglandi sa mga jowa niyo ang inaatupag niyo." biro ko naman sa kanila.

"Okay Myles, tell us what's bothering you? May problema ka ba sa bahay niyo?" tanong ni Davilyn kaya biglang napayuko na lamang ako.

"Sige na, sabihin mo na makikinig kami." dagdag din ni Ridge.

Itinago ko naman muna ang phone ko napatingin sa kanila. Hindi ko alam pero sa mga oras na 'to parang iiyak na lamang ako.

"Myles, alam kong hindi ka talaga okay these days. What is it? Spill it now."

Napabuntong hininga muna ako sabay hawak sa kamay nilang dalawa, "I know this might confuse you both pero the things that I will say are true. Okay first, I've been dreaming about this person na nagsasabing hindi raw ako taga dito and I came from a world, they call it Arcadia something." wika ko naman. Hinihintay ko kung ano 'yong maging reaksyon nila.

Hindi ko alam pero sobra akong kinakabahan ngayon. Kapag nakikinig din siguro ako sa kanila at ganito ang sinabi malamang ay napatawa na ako pero nakikita ko naman sa mga mata nilang dalawa na seryoso lang silang nakikinig sa akin.

"Tell us more." ani ni Ridge.

"Then, minsan may nakikita akong mga anino dito sa school na puro naka-itim. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba pero nakakatakot sila. Pagkatapos, mas nagimbal ako kagabi kasi habang gumagawa ako ng assignment ko ay bigla na lamang ako nakaramdam ng kakaibang lam ig sa loob ng room ko and mayroon na lamang sumulpot na itim na anino sa harapan ko dahil para mawalan ako ng malay." paliwanag ko naman sa kanila.

Napatakip naman ng bibig si Davilyn na halatanag nagulat sa mga sinabi ko.

"Hindi namin alam na ganyan na pala ang nangyayari sa'yo, Myles." malungkot na sabi ni Davilyn.

"We believe you. Mabuti nalang at nasabi mo na 'to lahat sa amin ngayon. It's a little bit weird kasi parang out of this world na 'yong mga nangyayari sa'yo, pero nothing is impossible nga naman diba ikaw nila?" wika rin naman ni Ridge kaya doon na tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Hinaplos naman nilang dalawa ang likod ko para mapagaan ang loob ko. Parang nabunutan ng tinik ngayon ang puso ko dahil may nasabihan narin ako ng mga problema ko. Siguro kung wala silang dalawa ay mababaliw na lang ako sa kakaisip nitong lahat.

"Minumulto ka kaya Myles? Why don't we call a priest para maipaliwanag ang mga nangyayari sayo?" mungkahi ni Ridge sabay kuha ng phone niya. Akma na sana siyang tatawag sa uncle niyang pari pero pinigilan ko agad siya.

Takot talaga ako sa mga multo ever since, one time nga nahimatay ako dahil sa prank ni Clyde sa classroom noon kaya halos one week din siyang hindi nakapasok sa klase. Mahina talaga ang puso ko pagdating sa mga ganyang bagay.

"Please stop. Hindi ko alam pero parang hindi naman ito tungkol sa multo. Kakaiba talaga ang pakiramdam ko sa mga pangyayari ngayon."

"Wait! Alam na ba 'to nila Tita and Tito?" tanong ni Davilyn kaya napayuko na lamang ako.

"Hindi. Ayokong sabihin sa kanila kasi ayoko nang mag-alala pa sakin sila Mommy at Daddy. Nakita niyo naman ang nangyari before diba, bigla nalang nawalan ng malay si Mom. Ayoko na silang madamay pa sa problema ko."

"We understand you, Myles. Tutulungan ka namin ni Ridge na maayos 'yang bumabagabag sayo."

Bahagya naman akong napangiti dahil sa mga sinabi nila sa akin. Kahit papaano ay napagaan nilang dalawa ang loob ko.

"You know what girls, sabi ng Lola ko dati, kapag nalalapit na raw ang kaawaran ng isang tao doon siya lapitin ng malas kaya dapat mag-ingat ka raw." nagulat naman kami ni Davilyn sa sinabi ni Ridge.

Hindi na bago sa akin ang ganyang mga pamahiin pero ngayon ko lang ulit ito natandaan. Kailangan mo nga talagang mag-ingat kapag malapit na ang kaarawan mo dahil lapitin ka ng mga masasamang elemento.

Arcadia High: The Lost EnchantressWhere stories live. Discover now