Chapter 4

24.2K 647 29
                                    

Sorry guys, hindi ako naka-update kahapon. Last update for today po. :) Pag mahaba haba po ang matatype ko bukas e baka 3 chapters ang update ko. Baka lang po ah? 



***

[Amiel]

Nagpagulong-gulong ako sa kama ko. Letcheng lalaki 'yun? Ginugulo ang utak ko. Ni hindi na yata ako nakatulog dahil pagtingin ko sa orasan ko ay 5:30AM na.

Bwisit na lalaking 'yun! Paano pag inantok ako mamaya? Tsaka bakit pa niya kelangang bumalik ngayon?

Sahalip na matulog pa ay bumangon nalang ako at dumeretcho sa banyo dahil baka mamaya dumating na si Sungit. Mahirap na, baka bihisan nga niya ako nuh!

Mabilis lang ang pagliligo ko. Simpleng skinny jeans at crop top lang ang suot ko. Hindi ko naman kasi alam kung saan kami pupunta or kung ano gagawin namin. Hoy! Hindi ako assuming pero for sure we're going on a date.

'Hindi daw assuming pero nag aasume naman. Tsk tsk.'

Manahimik ka utak!

Nakita ko na 6:30 AM na din kaya lumabas na ako ng kwarto ko para makapag breakfast na.

Muntik na kong mapasigaw ng makita ko kung sino ang tao sa kusina namin. Nag hire ba si dad ng bagong cook? At...lalaki pa??

Nakatalikod sa gawi ko 'yung lalaki kaya hindi pa niya ako napapansin. Pero iba din 'tong cook namin e. Top less tapos naka apron. Hindi siya mukhang chef e, mukha siyang lalaking pinagluluto ang kanyang asawa---

"Tatayo kana lang ba dyan?"

T-teka, teka!

"Ikaw?! Anong ginagawa mo dito? Ang aga pa!" Nilapitan ko siya.

Busy pa din siya sa pagluluto. So, marunong pala siya magluto? Akala ko paper work lang ang alam niyang gawin sa tanang buhay niya.

"Because i want to. Ayaw mo ban a pinagluluto ka ng Future husband mo?"

Lumapit siya saakin na may ngisi sa labi niya. A-ano daw?

"H-heh! Future future husband ka dyan!" Inis na tinulak ko siya.

Tumawa siya ng tumawa bago bumalik sa pagluluto. B-bakit ang gwapo niya pag natawa? T-teka, nababaliw kana ba Amiel?

"Totoo naman diba? Sooner or later magpapakasal din tayo."-Charles

May point siya pero wala ba talaga siyang balak na ipatigil ang kasal? Ako kasi kung may magagawa lang ako, hindi ako magpapakasal sa isang 'to. I'll rather stay single forever.

"Umupo ka na lang 'dyan at paluto na 'to."-Charles

Hindi ako sumagot at naupo nalang habang titig na titig ako sa likuran niya. Bakit ang unfair ng life? Siya likod palang busog na busog na ang mata ng titingin. Yun bang kanin nalang ang kulang?

"Stop staring"

Agad na napaiwas ako ng tingin. May mata pa siya sa likod niya?

"H-hindi kita tinitingnan nuh!" Pag-tanggi ko.

Narinig ko na tumikhim siya bago humarap saakin bit-bit ang niluto niya. Bacon, hotdog at itlog. Alam na alam niya ang pagkaing gusting gusto ko every morning ah.

"I know iniisip mo nanaman na favorite food mo 'tong niluto ko. Lilinawin ko lang, favorite ko din 'to kaya wag kang mag assume."-Charles

Sinimangutan ko siya. Nakakabasa ba siya ng isip? Pero h-hindi naman ako nag aassume ah!

I'm Married To A Mafia Boss [EDITING]Where stories live. Discover now