Chapter 6

20.8K 599 14
                                    

Sorry po sa matagal na update! Naging busy lang po si Author last week. By the way, 1 chapter po muna ngayon, bukas po ang next. Salamat :*



***


[Amiel]


Nakatingin lang ako sa malayo. Nandito ako sa terrace ng kwarto ko. 2 araw na ang nakakaraan matapos ang nangyari na barilan.


Hanggang ngayon hindi ko pa ulit nakikita si Charles—hindi sa namimiss ko siya ahh? Wag kayong malisyoso! Madami lang akong gustong itanong, bakit may humahabol saamin 'nun? Bakit parang gustong gusto nila kaming patayin?


Aware naman ako na bullet proof ang kotse ni Sungit, pero hindi ko mapigilang makaramdam ng takot nung oras na 'yun.


"Anak, what are you doing here alone?"


Nilingon ko ang tinig na nagmula sa aking likuran—si Daddy.


"Dad." Mahinang sabi ko.


Bahagyang lumapit siya sakin at huminga ng malalim.


"Narinig ko kay Charles ang nangyari sa inyo, 2 day's ago."-Daddy


Napatingin ako kay Daddy. A-alam na niya? Ang daldal naman ng Sungit na 'yun. Nag iisip pa nga lang ako kung paano ko sasabihin kay Daddy na muntik ng mamatay ang maganda niyang anak eh.


"A-ah dad—"


Hinawakan ni Dad ang balikat ko.


"Anak, alam kong naguguluhan ka pa ngayon. Madaming bagay ang mas mabuti nang hindi mo muna alam sa ngayon."-Daddy


Nakatingin lang ako kay Daddy. Bakit kailangang hindi ko muna malaman? Hindi ba pwedeng malaman ko na ngayon?


"Hindi ba pwedeng ngayon ko na malaman Daddy?"


Bumuntong hininga si Dad bago niya ako hinarap sa kanya.


"Listen anak, madaming bagay na hindi mo ba maiintindihan sa ngayon. Pag dumating ang oras na alam kong maiintindihan mo na anak, sasabihin ko 'to sa'yo lahat. Intindihin mo muna sa ngayon anak."-Daddy


I sigh. Munkang wala na akong magagawa pa. Buo ang desisyon ni Daddy at kilala ko siya—hindi niya pa iyon sasabihin saakin. Ang bagay na iyon.


Nitong mga nakaraang araw, madalas kong mapanaginipan si Mommy. Her smile, her face—her angelic face. Sobrang namimiss ko na siya. Sabi ni Dad bata pa ako nung namatay si Mom sa sakit. Pero kutob ko na hindi sa sakit namatay si Mommy. Iyon ang kailangan kong alamin, kung paano namatay si Mommy. Kung ayaw nila sabihin saakin, ako ang gagawa ng paraan para malaman ko 'to.

I'm Married To A Mafia Boss [EDITING]Where stories live. Discover now