1

11.8K 268 11
                                    

#ThatGuy

EPISODE 1

"Ma... alis na ho ako..." pagpapaalam ko kay Mama sabay halik sa kanyang cheeks. Hindi ko maitatanggi na may pagka-mama's boy ako at hindi ko rin naman iyon ikinakahiya.

Napatingin sa akin si Mama habang nakaupo ito sa sofa dito sa living room ng may kalakihan naming bahay na hanggang ikalawang palapag at kumpleto sa gamit. Napangiti ito.

"Ingat ka anak... Oo nga pala, pinapasabi ng papa mo na bukas na raw niya ibibigay ang allowance for next week..."

Napatango na lamang ako sabay tipid na ngiti. Si Papa talaga, hanggang Sabado ba naman, nagtatrabaho pa rin? Mabuti pa si Mama, weekends ay nandito na siya sa bahay at nagpapahinga hindi kagaya noon na katulad ni Papa, at siyempre, masaya ako dahil nakakasama ko siya pero si papa, tuwing linggo na nga lang nandito sa bahay at nakakasama dahil sa busy rin sa trabaho, minsan pa ay pumapasok pa rin ito kapag linggo. Ganun kasipag si Papa kahit na may mga tao naman kami para magbantay at humalili sa mga trabaho nila Mama at papa ay hindi pa rin nila pinapabayaan ang negosyo.

Pagkalabas ko ng bahay, sandaling huminto muna ako at tumayo ng tuwid sabay langhap ng sariwang hangin. Sariwa ang hangin rito sa amin dahil na rin sa napapalibutan kami ng mga puno't-halaman na itinanim mismo ni Mama nung mga panahong nagpahinga siya ng matagal sa trabaho. Sa ngayon, may hardinero kami na nagngangalang Fred na siyang nag-aalaga sa mga halaman ni Mama.

Pagkatapos kong lumanghap ng sariwang hangin, nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa garage ng bahay namin, kaagad kong pinuntahan si Baby M. Pangalan 'yan ng motor ko. Siyempre, kailangan na may pangalan ito dahil bukod kay Hellsea, si Baby M ang isa sa baby na inaalagaan ko. May katagalan na rin ang motor kong ito kaya marami na rin kaming pinagsamahan kaya naman may sentimental value na rin sa akin ito. Ito kaya ang kauna-unahan kong nabili mula sa ipon ko habang nag-aaral ako.

Kaagad kong sinakyan si Baby M at pinaandar ang makina. Sinuot ko ang helmet ko, Inayos ko rin muna ang pagkakasukbit ng maliit kong bagpack sa aking balikat at ang uniform ko bago pinatakbo ang motor ko papuntang eskwelahan na medyo malayo-layo rin dito.

- - - - - - - -- - - - - - -

Kaagad ko nang inihinto ang takbo ni Baby M ng makarating ako rito sa parking lot ng school ng biglang makarinig naman ako ng tila umuubo sa bandang likruran ko kaya napatingin naman ako. Nakita ko lang naman sa hindi kalayuan nang hinintuan ko ang lalaking kinaiinisan ko na mukhang naubo yata dahil sa usok na nanggagaling kay Baby M. Bahagya akong natawa dahil sa nakita kong itsura niya. Pinatay ko muna ang makina ng motor saka bumaba mula roon. Tinanggal ang helmet na suot ko at inilagay sa compartment ng motor ko bago ako muli tumingin kay Timothy na medyo hindi na umuubo.

"Ano? Masarap bang makalanghap ng usok?" maangas kong tanong kay Timothy.

Tumingin sa akin si Timothy. Inayos nito ang salamin sa suot. Alam ko naman na kilala niya ako.

Hindi ito nagsalita. Nakatingin lang sa akin na tila parang may kinakabisadong kung ano sa mukha ko.

Patuloy lamang itong nakatingin... mali... titig sa akin. Nakipagtitigan na rin ako sa kanya. Nanghahamon ang tingin ko pero iyong tingin niya, hindi ko maintidihan. Basta, iyong tingin niya kasi, parang wala kang emosyon na makikita. Pero aminado ako na nagandahan ako sa mga mata niya. Black na black kasi at parang palaging naluluha dahil ang shiny. Basta ganun.

Gwapo nga ang mokong pero mas gwapo pa rin ako. Maikli ang gupit ng buhok na undercut at itim na itim ang kulay na bumagay sa pagiging mestiso nito. Chinito ang mga mata, may katangusan ang ilong, at may kanipisan ang mamula-mulang labi. Kung titingnan mo ito, para itong isang koreano pero sa tingin ko, wala naman itong lahing koreano.

At ewan ko sa sarili ko kung bakit... ako ang unang umiwas ng tingin sa kanya. Ewan ko kung bakit parang mayroon akong naramdamang kakaiba sa pakikipagtitigan sa kanya. Ewan ko talaga, hindi ko maintindihan dahil alam ko naman sa sarili ko na kaya ko siya pero... ah basta!

"Sa susunod pare... palinisan mo naman ang tambusto ng motor mo... Mabuti na lang at wala akong hika dahil kung meron man... baka naging mamamatay tao ka na..." narinig kong sabi niya kaya muli akong napatingin sa kanya. Nakita ko siyang naglalakad na palapit... ay hindi pala, naglalakad siya patungo sa direksyon ko ng hindi man lang tumingin sa akin at nilagpasan lang ako. Wow! May pagkamaangas pala ang nerd na iyon?

Pero bakit ba siya ganun magsalita? Laging ang hinahon, iyong tipong kahit galit na yata ito eh napakahinahon magsalita. Hay! Bakit pati ba iyon eh iniisip ko pa? Nakakainis talaga ang gagong iyon!

- - - - - - - -- - - - -

Hay! Ang boring talagang magturo ng professor na ito... Tsk! Tsk! Tsk!

Kasalukuyan akong nakaupo ng nakadekwatro sa loob ng classroom habang matiyaga kong pinapakinggan ang pinagsasabi ng boring kong professor sa Finance. Wala eh, kailangan makinig kahit na ayaw ko.

Hindi ko naman maiwasang hindi mapatingin kay Nerdy Timothy na seatmate ko. Tingnan mo itong taong ito, talagang kinig na kinig sa pinagsasabi ng prof. Hay! Mabuti pa siya at kahit papaano'y mukhang natututo siya.

Napatingin rin ako kay Hellsea na nasa ikatlong row ang upuan, sa bandang dulo. At nakaramdam ako ng inis. Imbes kasi na kay Prof na lang nakatingin si Beloved Hellsea, o di kaya ay sa akin... kay Timothy ito nakatingin at parang nagtwitwinkle pa ang mga mata. Napapailing na lang ako. Pucha talaga, inlove na inlove talaga ang taong mahal ko kay Timothy nerdy!

Muli akong napatingin kay Timothy the nerdy slash genius looking slash... ah tama na. Isang tanong ngayon ang naglalaro sa isipan ko na ewan ko kung gusto kong mabigyan ng kasagutan lalo na't may kinalaman ang tanong kong ito sa bwisit na lalaking ito.

'Ano bang meron kang gago ka at napahulog mo sayo ang babaeng mahal ko?'

-END OF EPISODE 1-

THAT GUY [BL] BOOK 1/2/3 - COMPLETE EPISODES AVAILABLE ON DREAME APPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon