ENK2

2 0 0
                                    

Lumipas ang mahigit isang oras, unti unti nang nawala sa katinuan ang pag iisip namin. 

Karamihan sa amin ay tipsy na lalo na ako. Nagsisimula na akong mabaliw. Unconciously ay nagsasalita ako in english at madaldal na ako.

Itong si Athena, ay nagdrunk call naman. Nagbigay din siya ng number ng isang lalaki kay Keith.

Tinawagan iyon ni Keith, nakaloudspeak iyon habang nag uusap sila. Rinig na rinig namin ang kaharutan ng lalaki. Pagkalipas ng pitong minutong pag uusap ay tinatawag niya nang babe si Keith. Lahat kami ay nagpipigil ng tawa. Matapos ang tawag na iyon ay nagkaroon ng boyfriend si Keith. Bagay na lokohan lang naman din para kay Keith.

Kumanta si Sab ng Pangarap lang kita. Ramdam niya ang bawat line doon ng babae. Mula sa kanina'y makulit, maingay at masayang athmosphere naging seryoso, tahimik at madrama na.

"Hindi ko alam kung torpe lang ba siya, paasa o walang pakialam sa akin" Pagsisimula ni Sab.

Yung 1-year crush niya kasi na noon hindi alam na nag eexist siya ay biglang nagparamdam na sa social media at personally.

Ngayon kasi binabati na siya everytime na magkakasalubong sila. Tagafavorite ng tweets niya. Inistalk pa nga raw siya sa twitter. Naglike ng profile pictures. Finollow siya sa instagram. Viniew yung snaps niya. Sa sobrang pagkagusto niya sa guy nagconfess pa siya anonymously na siyang kinaiinis niya. Pakiramdam daw niya kasi masyado niya nang binababa ang sarili niya thinking na siya palagi ang naicoconfess.

"Pinapangarap ka ng iba tapos binabasura ka lang niya" sabi raw sa kanya ng pinsan niya.

"Alam na naman niyang gusto ko siya bakit wala pa rin siyang ginagawa?" 

Maria Clara kasi ang ugali niya kahit hindi halata sa looks niya at may pagkaliberated. Desperada siyang mahalin pabalik ng crush niya pero pinapanindigan niya pa rin yung "babae kasi ako".

Sinandal ko ang aking ulo sa balikat ni Athena na busy pa rin sa pakikipagtext. Hindi ko alam kung nakikinig pa ba ang babae na 'to.

Iyak na ng iyak si Sab "Bakit ba kasi ganyan kayong mga lalaki? Mga 'Christian' talaga paasa" Pagbubunton niya sa boyfriend ni Cass since magkapangalan sila ng crush niya.

"Sigurado ka bang mahal mo siya o baka naman nachachallenge ka lang kasi hindi mo makuha?"

Umiling siya. "Hindi ko alam. Ang sigurado ko lang, hindi lang ako nachachallenge sa kanya."

Nakigatong na rin sina Pashi at Keith sa drama ni Sab.

"Mahilig talagang magpakita ng motibo 'yang mga lalaki. Tapos kapag nagpauto ka, false alarm lang pala." Sabi ni Pashi.

"Pafall talaga sila" dagdag ni Keith.

"Tapos sasabihin na gustong gusto niya yung banat mong 'You and I' kaninang umaga kahit ngayong gabi mo palang siya nakausap." Natawa ako sa biglang pagsasalita ni Athena, nakikinig pala siya.

"Pagpasensyahan niyo na, based on experience kasi eh". Isa pa itong broken hearted. Hindi pa nakakamove on sa past niya. Akala niya kasi seryoso na si Admu sa kanya yun pala may iba pang nilalandi. Noong turn niya nang kumanta, seryoso niyang kinakanta ang 'Only Reminds me of you'. Hindi 'You and I', baka maibato lang niya ang mic.

"Besh, buti ka pa nga tago siyang nakikipaglandian. Eh ako, harap harapan. Pinagpalit ako sa chaka." Pagdaramdam ni Ja.

Sumabat si Cass, "Besh, wala kasi siyang mapapala sa'yo kasi wala kang ano. Hindi yan forever mananatili sa'yo unless payag kang maging atm niya."

Ito kasing si Ja pinanindigan ang pagiging bakla kung magmahal. Sa pagmamahal niya palaging may materyal na kasama na inaabuso naman ng nilalandi niyang si Mars.

Pinabasa niya yung chat nila sa amin. Halata namin kung gaano kamanggagamit si Mars.

One time nagsabi si Ja na masama ang pakiramdam niya ang sagot ba naman ay "Hala. Paano ko makukuha yung ibibigay mong shirt?".

Nagdrama naman si Ja ng "Mas concerned ka pa sa shirt kaysa sa akin.. Di mo man lang pinansin yung pagkakasakit ko..." sa pag aakalang gagana yun.

"Bakit mo sinasabi sa akin? Doktor ba ako?" sabi ni Mars.

Reading their conversation, hindi ko alam kung saan humuhugot ng ganang makipag usap itong si Ja.

Nagduet sina Cass at Christian sa kantang 'Your Guardian Angel'. Pinagtitripan namin sila dahil ang bitter nga namin.

Ang naging topic namin ay tungkol pa rin kay Sab. "Ititigil ko na ba? Napapagod na kasi ako."

"Huwag, ipagpatuloy mo. Gawin mo lahat. Isagad mo na." Payo ni Pashi. Bagay na sinang ayunan naman naming lahat.

"Mukha namang akong tanga nun." Kontra ni Sab.

"Lahat naman tayo nagiging tanga sa pag ibig." Sabi ni Christian.

"Kahit matalino nagiging tanga rin." Dagdag ni Keith.

Sabi naman ni Athena, "Minsan nga hindi mo pa marerealize na mukha ka nang tanga unless sabihin ng iba."

"Grab the chance na maging tanga, limited edition lang 'yan. Pinapakyaw nga lang ng iba kaya bongga ang kashungahan." Wika ni Pashi.

"Isagad mo na para at least masasabi mo na you did your best." Suggestion ni Cass.

"Kung sa bagay, yun kasi ang masakit sa part ni Pashi." 

Ibinaling niya ang atensyon kay Pashi, "Puro ka regrets. At least ako bago ako sumuko, alam kong ginawa ko ang lahat, hindi ako basta sumuko na lang."

Tumawa si Pashi, tawa na bakas ang tinatagong kalungkutan. "Oo na friend, ako na puro regrets. Natakot kasi ako nung una na maging tanga sa pag ibig. Puro kasi ako reservations. Ayokong ibigay lahat kasi baka kapag iniwan niya ako wala nang matitira sa akin. Kaya lang kakareserve ko natitipid ko na pala siya."

Yung dati kasi niyang manliligaw na si Justine girlfriend na yung schoolmate niya na patay na patay kay Justine. Akala niya kasi hindi madadaan sa aggressiveness nung girl yung manliligaw niya.

"May pagkukulang naman kasi talaga ako. Yung mahaba niyang messages one-liner lang isasagot ko, minsan nga wala pa, kasi baka kung kelan nahuhulog na ako saka niya ako iwan."

"Totoo siguro talaga yung daig ng malandi ang maganda.." sabi ni Sab.

"Justine para sa'yo 'to." Intro ni Pashi ng kantang This Time.

Enamored Naman KupidoWhere stories live. Discover now