ENK3

0 0 0
                                    

Ipinatong ni Sab ang ulo niya sa balikat ko, "Sa tingin mo ba may dapat pa akong asahan sa kanya?" Tanong niya sa akin.

Napabuntong hininga ako. "Hindi ko alam." Pagtatapat ko.

Ipinasa sa akin ni Pashi ang microphone. 'Anything but Ordinary' kantang perpektong repleksyon ng nararamdaman ko.

Sinuyod ko ng tingin ang room. Ang sweetness nina Cass at Christian ay nangingibabaw sa malulungkot na mukha ng nag iinuman kong mga kaibigan.

Malungkot ngunit nakangiti akong kumakanta. Sana nararamdaman ko yung nararamdaman nila. Gusto kong malaman kung paano magmahal.

Okay lang kahit masaktan ako, part naman yun ng love. At least alam ko na nakakaramdam pa ako.. na buhay pa ako.

Hindi yung ganito, para akong manhid, walang buhay. Hindi nga malungkot, hindi naman masaya.

Gusto ko namang magkaroon ng taong makakantahan ko ng More Than Words. Gusto ko ring ibahagi yung experience ko sa kanila pero anong ibabahagi ko kung hindi ko naman naranasang magmahal.

May nagmamahal naman sa akin pero hindi ko naman kayang mahalin. Sa buong buhay ko hindi pa tumibok ang puso ko para sa isang tao.

Ang happiest moment ko na yung narinig ko sa radyo yung kanta ng favorite boyband ko.

Saddest moment na yung episode 15 ng DOTS.

Most amazing moment sa akin yung plot twist ng Mirai Nikki.

Most kilig moment ko galing lang sa sweet scenes sa Wattpad.

Minsan natatanong ko na lang, "May mali ba sa akin?" Maganda naman daw ako, matalino at mabait.

"Hindi ba ako nakikita ni kupido?" baka malabo mata niya, hindi ako napansin. Bigyan ko kaya ng salamin?

"Naubusan na ba siya ng pana?" Kasi kung oo susupplyan ko talaga siya.

Naiiyak ako hindi dahil sawi ako sa pag ibig kundi dahil ang ordinaryo ng takbo ng buhay ko.

Walang ups and downs. Nakapaconstant. Straight. Stagnant. Walang thrill. Walang ganap. Walang. Kulay. Boring.

Minsan sa paghihintay kong mainlove yung salitang enamored nagiging mura na. Something like "Enamored naman kupido oh"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 24, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Enamored Naman KupidoWhere stories live. Discover now