Chapter 15: Motto nila Dam at Graf

3.1K 26 0
                                    

Chapter 15

Dyowi’s POV

“Hindi ka nga pwedeng sumama, Graf” sabi ko rito. Nasa bahay kami ni Kuya Dam at kinukuha lahat ng mga gagamitin para sa Mother and Child Orphanage. Nagulat nga ako ng bigla itong nagboluntaryong sumama sa medical mission.

“Eh bakit hindi pwede?” tanong pa nito.

“Dahil busy ka” walang kaganang-ganang sagot ko.

“Kung busy ako eh di sana nasa opisina ako ngayon” sagot pa nito.

Nauubos na ang pasensya ko sakanya, “Gian Rafael, pag sinabing hindi pwede, hindi pwede” yun lang at sinumulan ko ng buhatin ang mga kahong-kahong gamot.

“Siguro may kasama kang ibang lalaki?” tanong nito habang tinutulungan ako sa pagbubuhat.

“Meron. Yung sponsor namin” sabi ko.

“Gwapo? Matangkad? Mabango ba? Matalino? Pero mas macho siguro ko dun” sabi naman nito.

Natawa naman ko, “Hahahaha! Insecurity kills you ha” tukso ko rito. Unang beses kong marinig sa kanya ang mga ganyang bagay na para bang ikinukompara nito ang sarili nito sa ibang tao.

“Of course not!” tanggi-kuno nito. “Alam ko namang mas gwapo ako dun” sabay hawak sa sarili nitong mukha, “mas macho” sabay pakita ng muscles nito sabraso, “at mas mabango ako sa sponsor nyo” sabay lapit nito sakin.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa nito. Halos magdikit na ang mga mukha namin. At totoo nga, napakabango nito.

“Oh di ba? Ang bango bango ko” pagmamayabang nito.

“Hahaha! Oo na! mabango ka na!” sabi ko naman.

Natuwa naman ito, “Yes! So pwede na kong sumama?” pangungulit na naman nito.

Napabuntong hininga ako, “Graf, please, hindi ako handa sa pangungulit mo ng paulit ulit ulit ulit sakin” sabi ko rito.

Nag-pout ito ng lips, “Sige na nga pero next time whether you like it or not, sasama ako” determinado nitong sabi.

Ngumiti lang ako. Hinatid ako ni Graf sa kotse ko at ng magpaalam ay binigyan ako ng flying kiss.

“For what is that?” tanong ko na ang tinutukoy na “that” ay yung flying kiss.

“Binibigyan lang kita ng motivation at inspiration.” Sabi nito. Napailing na lang ako sa ka-cute-an or sabihin na nating kagwapuhan nito.

Pinaharurot ko na ang kotse.

------

Graf’s POV

Umalis na ang kotse ni Dyowi. Dali-dali akong pumunta sa restaurant ng club para puntahan si Dam.

“Dam!” sigaw ko. Hindi ko kasi ito makita.

“Bawal ang sumigaw dito” sabi nito na nasa likod ko lang pala.

“Alam mo kung saang orphanage si Dyowi pupunta?” tanong ko.

“Bawal ang engineer doon” sabi nito habang inaayos ang mga menu.

“Alam ko pero gusto kong tumulong” pagsusumamo ko.

“Iba ang pagtulong sa pagbabantay” sabi ulit nito.

“Anong pagbabantay? Wala akong binabantayan” sagot ko ulit.

“Wala daw. Eh gusto mo lang malaman kung sino mga kasama ni Dyowi eh” sabi nito habang papunta sa kusina.

Sinundan ko ito doon, “Masama ba yun?” tanong ko.

“Para sakin, OO!” at humarap na rin ito sa wakas sakin, “Hindi pa kayo ni Dyowi pero kung bakuran mo na sya eh daig mo pa ginawa ko kay Ash noong hindi pa kami kasal” usal nito.

“Pare” tapik nito sa balikat ko, “Tiwala lang. Baka mamaya mainis sayo si Dyowi nyan” dagdag nito at muling bumalik sa ginagawa nya.

Bumuntong hininga ako hudyat ng pagsuko. Aalis na sana ako ng bigla itong magsalita.

“Pare, ang labo nyo pero mas malabo ka. Ganyan ka ba talaga manligaw?” tanong nito.

Humarap ako sa kanya, “What do you mean?” tanong ko.

“Huwag mong gawin kay Dyowi ang paraan mo ng panliligaw sa mga naging ex mo” paliwanag nito.

“Hindi naman ah” tanggi ko. Ganoon ba yun?

“Graf, hindi kita dapat tinutulungan dahil utol ko ang pinapatos mo. And because I know the deepest Graf inside you” sabay turo nito sa puso ko, “ I know somehow kung gaano mo kamahal ang kapatid ko. Naalala mo ba yung motto nating nung hayskul tayo?” tanong muli nito sakin.

Naguluhan ako, “Ano? Hindi ko matandaan” sabi ko.

“Dahil galing tayo sa mayamang angkan, gusto natin patunayan sa lahat na hindi nabibili ng pera ang scholarship na pinaghirapan natin” sabi nito.

“Nasan ang motto dun?” tanong ko dahil gulong gulo ako sa mga pinagsasasabi nito.

Pabiro nitong sinuntok ang braso ko, “Graf, the more effort you put into something, the more you will get in return” kasabay ng pagsilay ng mga ngiti saming magkaibigan.

Inakbayan ko ito, “The best ka talaga, Damiel Amie Clavel! Nakakabading ka!” tukso ko rito. Tumawa lang ito.

I’m so lucky to have a bestfriend like him.

Umalis na ko sa restaurant ni Dam at nagplano para sa first real date namin ni Dyowi. ♥

*A/N: Alam ko na medyo bitin pero may mga twist na kasing mangyayari. Happy 700+ reads, fellas! ♥

*ciao*

Patiently Waiting ♥ [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now