Chapter 19: Muling Paghaharap nila Fredo at Danillo

2.9K 21 0
                                    

Chapter 19

Tito Fredo’s POV

“Kamusta sya?” tanong ko kay Danillo habang nakayuko ako at nag-iisip ng pwedeng gawin.

Nasa labas kami ng hospital kung saan naka-confine si Dyowi. Sila Dam, Graf at Axel ang nagbabantay rito samantalang umuwi muna si Gicelle sa bahay namin.

“Kelangan na nya ng blood donor” sagot nito sakin. Nakatanaw lang ito sa malayo na para bang ang lalim lalim ng iniisip.

Tumingin ako rito. “Just try, Danillo Baka magka-match kayo ng dugo ni Dyowi” suhestyon ko.

Sa wakas ay tumingin din ito, “Alam mong imposible na maging magkadugo kami ni Dyowi” sabi nito. “I’m not her biological father. You and Dam knew it” dagdag pa nito.

Umiwas ako ng tingin, “Alam mong kamumuhian tayo ni Dyowi kapag nalaman nya na ako ang tunay nyang ama at hindi ikaw” sabi ko.

Flashback

Pareho kami ni Danillo na nasa hospital. Kasama nito ang nagiisang anak na lalaki na si Dam.

Hindi kami mapakali dahil parehong nanganganak ang asawa namin.

Lumabas ang doctor ni Wilma, asawa ni Danillo.

Lumapit kami agad ni Danillo sa doctor, “Doc, ano na po lagay ng asawa ko? How’s my little girl?” tanong ni Danillo.

Bumuntong hininga ang doctor, “The baby didn’t survive” sabi ng doctor.

Nanlumo si Danillo at naisuntok ang kamao sa pader sa sobrang galit.

“B-but my wife? How is she?” tanong ulit nito.

“I’m so sorry, Mr. Clavel. I did everything...

Bigla na lang pumasok si Danillo sa delivery room at nag-iiyak dahil sa sinapit ng mag-ina nito.

Sakto namang lumabas ang doctor ni Cecille, ang asawa ko.

Dali dali akong lumapit sa doctor at iniwan pansamantala si Danillo para magkaroon ng oras sa asawa at anak na babae nitong namaalam na.

“They’re both safe” sa sinabi palang ng doctor ay nakahinga na agad ako ng maluwag.

Lalapit sana ako sa pintuan pero hinarangan ako ng doctor.

“But your wife didn’t survive” dagdag ng doctor.

Naguluhan ako, “but you just said that they....”

“They are twin and they are both girls” hindi ko alam kung matutuwa ako dahil buhay ang kambal na anak ko or malulungkot sa sinapit ng asawa ko.

Pumasok ako at nakita ko si Cecille na para bang tulog pero hindi naman humihinga. Nanikip ang dibdib ko.

After 1 week..

Nasa opisina ako ni Danillo.

“Fred, ang hirap tanggapin na wala na ang mga asawa natin” sabi nito. Lalong kumirot ang puso ko dahil ramdam ko ang lungkot at sakit na nararamdaman nito.

“Pero mas masakit na iniwan sakin ni Cecille na may karamdaman ang isa sa kambal ko” dugtong ko.

Inabot nito sakin ang isang baso ng wine.

“Pero mas masakit na mawalan ng asawa at nag-iisang babae na anak” dagdag din nito.

Tumayo ako at lumapit dito. Tinanaw ko kung ano man ang tinatanaw nito sa labas ng glass window ng opisina nito.

Patiently Waiting ♥ [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now