Part 24

4.4K 138 15
                                    

"Muhang pagod ka na, ah?" pagpapansin ni Kiara sa batang lalaki na target niyang kapalit ni Kevin na maging misyon niya. Sinamantala niya ang pag-upo nito. Siguro napagod na sa paglalako.

Tumingin sa kanya ang batang kalong ang mga panindang banana cue sa palangganang plastik. Nagtaka ang hitsura nito. Kinikilala siya.

"Ako si Kiara. You can call me Ate Kiara if you want, pero mas mainam kung Kiara na lang," pakilala niya. She gave him a sweet smile and extended her hand as a sign of a handshake.

Kahit nagtataka ay inabot naman iyon ng bata. "Kilala mo po ako?" tapos magalang na tanong nito nang maghiwalay ang mga kamay nila.

"Hindi," sagot niyang hindi nawawala ang kanyang mga ngiti sa labi. Dapat ay magmukha siyang mabait sa bata. Kukunin niya muna ang loob nito bago niya umpisahan ang misyon niya ritong gawing masama.

"Pero gusto kong maging kaibigan ka. Ano'ng pangalan mo?"

"Ako po si Bubong, Ate Kiara."

"Sus, masyado ka namang magalang sa 'kin," nakatawang saway niya sa bata. Unang ituturo niya rito ang hindi pagiging magalang. Lol!

Napakunot ang bata.

"Pagod ka na ba? Gusto mo tulungan kita sa paglalako?"

"Po? 'Wag na po." Nagulat ang bata. Mas nagtaka.

"Hindi, okay lang. Kasi alam mo, kaya ako nandito kasi nabo-boring ako. Naghahanap talaga ako ng puwede kong gawin para malibang-libang naman ako sa buhay."

"Bakit, Ate? Heartbroken ka?"

Toinks! Heartbroken agad? Halata ba siya masyaso? Natameme siya. At aaminin niya, muli niyang naramdaman ang kalungkutan sa pagkaalala niya kay Kevin. Kung heartbroken man ang tawag sa nararamandaman niya ngayon ay oo heartbroken nga siya dahil nami-miss na niya talaga si Kevin.

"Nag-away kayo ng boyfriend mo, ano?" tukso pa ng bata sa kanya.

"Nope, he's not my boyfriend yet. Kaibigan ko lang siya at hindi ko alam kung magkikita pa ba ulit kami o hindi na. Ang hirap kasi ng sitwasyon namin, eh. Patay na kasi ako at kahit gustuhin ko ay hindi na puwede. Malabo nang maging boyfriend ko siya. Pinatay kasi ako, eh, kaya hindi na ako tao kaya hindi na kami puwede," ang hindi niya namalayang pagsasabi niya ng dinadamdam. Saglit siyang natulala sa kawalan. Mangiyak-ngiyak pa siya. Damang-dama niya ang kanyang pagda-drama. And she can't help it; she really misses Kevin.

Buti na lang at naalala niya na bata pala ang kausap niya kaya saglit pa'y naalarma na siya. What the— kung anu-anong pinagsasabi niya sa bata! Shame!

Takhang-takha tuloy ito sa kanya na nakatitig.

"Ah, eh, uhm... Joke! Joke! Joke! Naniniwala ka, ano?" Nag-asta na lamang siyang kengkoy. Nag-peace sign pa siya at humagikgik.

MAKE HIM BADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon