Chapter 1

3K 27 4
                                    

Chapter 1

Nicole POV:

Aish. Umaga na naman, Papasok na naman ako sa school ko >.< Tinatamad pa man din ako dahil kelangan kong pumasok ng maaga para lang makapag-practice. Isa kasi akong HRM student sa IU College. And yeah, may practical test kami ngayon. One week na lang kasi sembreak na. At kelangan kong habulin ang final grades ko, halos one month kasi akong absent dahil nagbakasyon kami sa ibang bansa. Literally--sa Italy, kasama ang Dad ko na matagal ko ng hindi nakita :3

Oo nga pala, I'm Nicole Sandoval. 17 years old.

Naglalakad na ako patungo sa HRM Kitchen laboratory, wala pang masyadong studyante dahil nga maaga pa. Kahit ako? Mag-isa lang ngayon dito. Mamaya pa kasing 7am ang simula ng klase ko, pero. 5am palang, nandito na ako sa school.

Good thing is, maaga binubuksan ang lahat ng rooms sa school.

Pagdating ko sa HRM Kitchen laboratory, ay agad kong ibinaba ang mga gamit ko, inilabas ko na rin sa bag ko ang mga gagamitin kong ingredients. Ano kayang magandang lutuin? The hell. Ang sabi kasi ng professor ko, kelangan daw yung specialty namin. Ano nga bang specialty ko? Eh, lahat naman kinakain ko? Ano ba yan, tapos ano? Pag nakapag-luto na kami, iba naman ang kakain.

Nagsimula na akong magbalat ng sibuyas, ham, hotdog, tsaka cheese. Lulutuin ko ay Baked Macaroni, ayoko na kasi ng masyadong hassle, nakakapagod kaya :3

Tutal, last na lutuan na naman 'to sa pagiging first year ko, kasi for sure. Pagdating ko ng second year, ibang genre naman ng food ang ipapaluto! Ay shocks.

*After 1 hour*

Natapos ko ng lutuin ang Baked Macaroni, 6am pa lang pero madilim pa rin sa labas. Bakit ang bagal ng araw? Na-traffic pa ata eh.

Inilagay ko na ito sa container ko at iniayos ko na rin ang mga gamit ko, niligpit ko na rin yung mga kalat ko sa Kitchen laboratory, pagkatapos kong ayusin ang lahat, sinara ko na ang pinto.

Saan kaya ako tatambay? Kasi, sarado pa ang mga rooms namin, yung susi kasi ay ibinibigay sa first subject namin at sya ang magbubukas ng room.

Pumunta ako sa guardhouse, since. Wala pang masyadong tao, iniwan ko muna doon yung mga gamit ko, dinala ko lang saken yung cellphone ko at ang wallet ko. Yung Baked Macaroni? Iniwan ko din dun. Sinabi ko naman na bibigyan ko yung mga guards pag natapos ko ng ipasa yun.

Naglalakad lang ako dito sa school campus. Napatingin ako sa bulletin board namin. Ugh! Malapit na pala talaga ang sembreak namin. Mabilis lang ang araw. Maglalakad na sana ako ulit ng mapatingin na naman ako sa isa pang bulletin board. Ang dami eh no?

Picture and names ng walong heartthrobs sa school.

May mga talent, gwapo, talino. Ugh! In short. Pinanganak na perfect! XD

Nag-tuloy lang ulit ako sa paglalakad ng maisipan kong mag-CR, pumunta ako sa CR na malapit sa Multimedia Arts building, medyo creepy dito kasi nga, masyadong madilim. Hindi ko alam kung ano meron dito, katabi lang naman 'to ng HRM building, dito rin ako madalas tumambay kasama ang mga kaibigan ko kasi nga madaming pogi dito, yung walong heartthrobs? Eto ang course nila.

Ang landeee, hahaha! Pagdating ko sa CR, ay agad akong nag-ayos ng buhok. Medyo malamig sa CR na 'to? Why? Ang lamig ng ihip ng hangin. Sarado naman ang bintana. See? Ang creepy talaga.

Lalabas na sana ako ng CR ng may biglang pumasok, isang babae. Yung janitress.

"Oh? Iha, bakit dito ka nag-CCR?" tanong nya saken.

Medyo gulat ang facial expression nya, the hell is wrong with her?

"Po? Lilinisin nyo po ba? Ay, sorry. Bawal po ba? Nagsalamin lang naman po ako eh." sabi ko sakanya habang nagpapaliwanag.

Kasi db? Yung ibang janitress, sinasara nila yung CR para hindi magamit ng studyante kasi lilinisin nila.

"Ikaw lang kasi yung nakita kong nag-CR dyan...." sabi niya na medyo hindi ko maipaliwanag ang facial expression nya.

"Ako lang naman po mag-isa nagpunta dito." sagot ko sakanya.

"Ang ibig kong sabihin ay, ikaw lang ang naglakas-loob na mag-CR dyan matapos ang nangyari nung nakaraang taon." sabi niya na may lungkot sa mga mata.

Ano daw? Nakaraang taon? Ano bang meron dun?

"Po?" sagot ko sakanya.

"Hindi mo ba nabalitaan? Yung nangyaring krimen sa isang studyante dito? Si Alyana Manuel." sabi niya habang tuloy-tuloy na nagsasalita.

Pero ako? Ewan ko, para kasi akong na-freeze sa sinabi niya.

Alyana Manuel? Ah. Oo.

**

Mirror [Horror Short Story] COMPLETEWhere stories live. Discover now