Chapter 2

1.8K 18 0
                                    

Chapter 2

Nicole POV:

Naglalakad na ako pabalik sa guardhouse, ng makita naman nila ako ay agad kong kinuha yung mga gamit ko. Sa school garden muna ako tatambay.

Hindi pa rin mawala yung sinabi ng janitress saken kanina. Ibig sabihin? Matagal ng walang nag-CCR dun? Wala ng gumagamit ng CR na yun? Pero bakit nakabukas? Db, dapat nakasara? Aish. Kaya pala, hiwalay na ang CR ng boys sa CR ng girls dito sa MA building.

Mas napalayo kasi ang CR ng girls, sa may bandang likod pa 'to ng last five rooms.

Alyana Manuel. Kilala ko yun, isa yun sa mga studyanteng ininterview ko nung 4th year high school ako. 3rd year college na siya, dapat last year, graduate na siya. Pero hindi natuloy. She died.

She raped. Hindi ko alam kung anong klaseng pang-rerape ang ginawa sakanya, All I know is, natagpuan na lamang ang katawan nya sa CR ng girls, which is yung pinasukan kong CR.

Sino ba naman kasi ang aayaw sa isang Alyana Manuel db? She's like a goddess of beauty. Maski nga ako, hinahangaan ang gandang taglay niya. Sobrang puti niya, sobrang kinis ng balat niya, matangos na ilong, mapupungay na mata, kissable lips, bukod pa dun. Ang talented niya. Ang course nya kasi sa MA ay, fashion designing. Ang talino nya pa.

Once ko lang sya naka-usap. Yun yung, kelangan ko ng isang college student na iinterviewhin. About sa college life nila, syempre. Graduating ako nun sa high school so ganun ang pina-project samen.

Sobrang sikat niya, sa pre-school o elementary building pa yan, ay kilala talaga siya. Kaya nga, laking gulat na lang namin ng mabalitaan na patay na pala siya. At oo, hanggang ngayon. Wala pang nakaka-alam kung sino ang nang baboy sakanya.

I looked at my wrist watch. Quarter to 7 na pala, malapit ng magsimula ang klase ko. Pumunta na ako sa hallway pero bago yun ay may narinig akong mga sigawan ng studyante. Paglingon ko sa quadrangle. There they are. The eight famous heartthrobs.

Ang popogi nila, they are beyond perfect.

Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad, kelangan kong mapasa 'tong specialty ko dahil eto na lang yung tanging paraan para makabawi ako sa one month kong absent.

"Goodmorning Nicole." bati saken ng mga kaklase ko, I greeted them back.

Wala akong bestfriend dito sa IU College, puro mga kaklase ko lang ang tinuturing kong kaibigan. Wala naman kasi akong mahanap.

Habang nakikipag-kwentuhan ako sa mga kaklase ko ay pumasok na ang professor.

Kinakabahan ako! :3 Ohemgee, tanggapin kaya yung specialty ko? Alam kong sobrang common na nun, pero kasi favorite kong pagkain ang Baked Macaroni, mas gusto ko pa nga 'to kesa sa Spaghetti o Carbonara.

Isa-isa syang lumapit samen and as all you know, katabi ko na sya ngayon. Hindi naman nya kasi tinitikman, tinitingnan nya lang. Yung totoo? Sinasayang lang namin ang effort namin dito eh :3

Pagkatapat nya saken ay agad naman akong napa-freeze, mygod! Kinakabahan ako, ano kaya ang nasa isip ng matandang 'to?

Mga ilang minuto pa ang itinagal nya sa tapat ko and umalis rin sya bigla. Yun lang yun? Sayang naman 'tong niluto ko. Ah! Oo nga pala, bibigyan ko pa pala yung mga guards. Hihihi ~ May pakinabang din pala 'to. Hohoho!

Lumabas na ng room yung professor namin pero bago sya tuluyang maka-alis ay bigla nya akong tinawag.

"Ms. Sandoval, may mga kulang ka pang requirements. Please proceed to my office now." sabi niya saken sabay alis.

Hala? Meron pa rin akong kulang? The hell.

"Nicole, mukhang hindi mo matatapos yan agad-agad. Andami rin kasi naming ginawa last month." sabi ni Rica saken, yung isa kong kaklaseng dean lister.

Wala eh. Matalino eh?!

"Ganun ba, mukha ngang mahihirapan akong habulin yun eh." sagot ko sakanya habang nag-aayos ng mga gamit ko.

"Kayanin mo, may one week pa naman tayo eh. Goo!" pag-checheer nya saken. Agad naman akong nag-smile sakanya para sumang-ayon sa sinabi niya.

"Ge, alis muna ako." sabi ko sakanya sabay labas na ng room.

Ugh. Ano naman kaya ang mga kulang kong requirements? Badtrip!

**

Mirror [Horror Short Story] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon