001

48 9 6
                                    

Serenity's POV

* yawn * Psh. Katamad pumasok.

"SERENITY!!! KANINA PA KITA TINATAWAG. BUMANGON KA NA AT MALELATE KA NA NAMAN" Naku po. Si mama talaga oh.

"ISA! 'PAG AKO UMAKYAT DIYAN SA KWARTO MO AT NAKAHILATA KA PA DIYAN ALAM MO NA ANG MANGYAYARI SAYO."

Dali-dali akong tumayo at pumunta ng banyo. Waaahhhh!!! Ayoko ngang maligo sa kama. Si mama kasi lagi akong pinapaliguan sa kama pag hindi ako tumatayo and take note, ISANG PITCHEL NG MALAMIG NA TUBIG ang pinangliligo niya sa akin. How sweet, right?

Pagkalabas ko ng banyo. Ayun na po, nakaabang na naman si Mader Dir sa akin. Akala niya ha?

"Buti naman at tumayo ka kaagad Ms. Yu. Ayaw mo bang maligo sa kama mo? Mas masaya kaya kung ganon."

"Ma naman eh. Ubos na yung mga comforter ko dahil lahat basa. Hindi ko pa kinukuha sa laundry shop yung SAMPUNG COMFORTER dahil nung friday ko lang binigay."

"O sya, magbihis ka na at kumain sa baba."

"Pe--" Psh. Itong nanay ko bastos kitang magsasalita eh.

"Walang pero pero. Kumain ka kaya ka laging inaatake eh. Kahit ngayon lang anak sumunod ka naman sa akin. Kalusugan mo na ang naapektuhan dahil diyan sa katigasan ng ulo mo eh."

Hays. Kahit ganto sa akin si mama mahal na mahal ko yan. Siya na lang ang natitira sa akin eh. Mawala na lahat wag lang si mama.

"Oo na po. Kakain na po ako at iinom ng gamot."  Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Ma. Wag mo akong iiwan ha? Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay kung pati kayo na nagtiis sa akin eh mawawala. Kayo lang po ang umiintindi sa akin eh."

"Bakit ang bait ngayon ng pinaka maganda kong anak? Syempre naman hindi kita iiwan noh. Anak kita at handa akong isakripisyo ang lahat para lang malaman ko kung ayos ka lang."

"Ma, masyado na tayong madrama baba na tayo. Hahahaha''

Bumaba na kami ni mama. And wow! My favorite!!! Ang specialty sa hapag kainan namin ay... TUYO!!! Yum! Mapapasarap kain ko nito. Hahahahaha.

--- After 30 Minutes ---

"Ma! Alis na po ako!"

Readers baka iniisip niyo na hindi ako nag toothbrush ha? Nag toothbrush po ako sa haba ba naman ng oras na nakalipas hindi ko pa ginawa yun. Yuck! Kadiri ko naman.

Umalis na ako. Nilalakad ko lang ang papuntang school para tipid. Malapit lang kasi ilang street lang ang madadaanan ko kaya no problem.

"Seren! Babe!"

Lumingon ako sa paligid and boom! Hahahaha. Si Ate Mitchie Lee. Ang bestfriend ko. Babe ang tawagan namin kaya napagkakamalan kaming lesbian.

"Ate Mitch! I missed you babe! One week kang nawala, where did you go?"

"Aw. Namiss ako ni babe. Nado. I missed you too. Hahahaha. Hmm... Nagpalamig lang ako sa rest house namin sa Tagaytay. Alam mo na yun kung bakit."

Kung hindi niyo natatanong, me and ate Mitch were both rule breakers but mas malala ako kasi siya sa school lang ako naman eh everywhere that you can find me. Doon nagstart ang aming friendship. Palagi ba naman sa detention. Hahahaha.

Oh, I almost forgot to introduce myself. Precious Serenity Yu. 16 years old. Fourth year high school sa Charlatte Academy. Ang weird ng pangalan hahahaha. Ang running valedictorian na palaging nasa detention room. Hahahaha.

Ang kasama ko naman ay si Mitchie Chan Lee. She prefer to be called Mitch. 18 years old. First year college. Course niya ay related sa performing arts. May hidden talent siya na kami lang dalawa ang nakakaalam.

Na-meet ko si ate mitch nung first year high school pa lang ako. Kaya kilalang kilala na namin ang isa't isa.

"Babe! We're here. Mauna na ako. Malayo pa kasi ang building namin. Ciao!"

Wala na si Babe and it's showtime. Hahahaha.

Hmm... Ano ba pwedeng gawin??? Aha! Alam ko na. Papasok muna ako ngayon since wala akong mapapagtripan.

Naglalakad na ako papuntang classroom. Samu't saring bulungan hindi ko alam kung bulong ba talaga o sadyang pinaparinig sa akin. Kesyo baka hindi daw ako pumasok, hula daw nila eh madedetention daw ako, and many more ayoko na silang isa- isahin.

"Oh, look who's here?! I thought wala ka ng balak pumasok Ms. Yu. Anong kinain mo at pumasok ka ngayon?"

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso sa upuan ko. Yung babae kanina eh si Kamille Park. Ang greatest ingittera sa buhay ko. Kesyo daw palagi na lang daw ako.

"Psst."

Napatingin ako sa katabi ko at sabay taas ng kilay.

"What is it, Mr. Campus President?"

"I thought sa labas ng room kita makikita ngayon yung pala dito." Sabi niya sa akin sabay smirk. Aba loko 'tong lalaking ito ahh. Ano ba big deal doon?

Inirapan ko na lang siya at nagbasa ng libro para advance.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

How's the chapter one? Is it good? Vote or comment if it do.

Uhm... Serenity in multimedia.

₪ 이나 양 ₪

The Rule BreakerWhere stories live. Discover now