(Part 2) Hurry's reason

1.4K 50 0
                                    

*FLASHBACK*

Simula nung maging kaibigan ko si Annica lagi na kaming magkasama.
Nalaman ko din na kaibigan pala nya yung paulit ulit nyang tinatawagan nung una kaming nagkita.

Pagkatapos daw kasi ng graduation nila nung elementary hindi nagparamdam yung kaibigan nya.

Kahit balik balikan nya yung bahay ng kaibigan nya pero wala daw tao, At yun ay si Kyler at mabuti na lang dumating daw ako :)

Isang taon kaming naging magkaibigan hanggang isang araw hindi ko na talaga napigilan ang nararamdaman ko kay Annica.
Nung una nahihiya pa akong magtapat sa kanya pero success naman.
Tapos dalawang buwan ko syang niligawan saka yung magulang nya syempre haha :D

At dumating yung araw na naging kami, sobrang saya ko nun halos kulang na lang atah ipaalam ko na sa buong mundo na KAMI NA :D

Umabot kami ng 2 years pero never pang nakita at nakilala ng tropa ko si Annica dahil wala rin silang time.
Pero yung 2 years na yun bigla na lang naglaho.

Nandito kami ng pinsan ko ngayon sa park. Kararating lang nya kasi galing Singapore,
Tapos gusto ko din syang ipakilala kay Annica. Parang kapatid na kasi ang tingin ko sakanya.

"Alam mo kuya Hurry yung boyfriend ko sa Singapore binigyan nya ako ng singsing!" sabi ng pinsan ko sabay pinakita nya yung kamay nya.

Actually mas matanda pa sya sakin pero mas matangkad ako sakanya at since ako daw yung lalaki,
Tinawag na nya akong 'kuya' at para na rin daw may tagapagtanggol sya.

Hinawakan ko yung kamay nya tapos tiningnan ko yung singsing. "Bigyan ko kaya ng ganito si Annica?" masaya kong sabi sakanya.

"Dont tell me kuya Hurry hindi mo pa sya nabibigyan ng regalo sa 2years na mag-on kayo!" sabi nya Kilala na ng pinsan ko si Annica kasi simula nung dumating sya dito sa Pilipinas bukang bibig ko na sya.

"Oy hindi ah! Marami na akong nabigay sakanya! Kaya lang yung iba hindi nya tinatanggap, dahil ayaw nya na gumagastos ako ng malaki dahil sa kanya!" sabi ko pero hawak ko pa din yung kamay nya.

"Wow! Ang ganda naman ng view dito oh!"

Nagulat ako kay Annica kaya binitawan ko kamay ng pinsan ko. "A-Annica!"

"Tsk! Sige ituloy nyo lang yan! Mukang nagkakasiyahan kayo!" sabi ni Annica

Tapos umalis na sya, susundan ko dapat sya kaya lang biglang sumakit ang ulo ko at nagdilim yung paningin ko sabay bumagsak ako sa lupa.

"Kuya Hurry! TULONG!!" tanging salitang narinig ko

Paggising ko nasa hospital na ako. "Kuya Hurry sa wakas nagising ka na din!" sabi ng pinsan ko

"Thanks to god, nagising ka na din anak!" sabi ni mommy

Bigla namang dumating yung doctor at sinabi ang dahilan kung bakit na lang ako biglang nagkaganito.
Nung malaman ni mommy ang sakit ko na namana ko pa daw sa lola ko halos mahimatay sya.
Hindi pa naman daw gaanong kalala yung sakit ko at di pa naman daw masyadong malaki ang bukol ko sa utak.
Inaasahan kong dadalawin ako ni Annica dito pero naintindihan ko din dahil alam kong galit sya sakin.

"Mom alam na po ba ni Annica tungkol sa sakit ko?" tanong ko kay mommy

"H-hindi pa! Siguro anak mas maigi ng hindi nya malaman ang sakit mo!" sabi ni mommy

Magsasalita pa sana ako pero nagpaalam muna si mommy na lalabas lang saglit.

Napaisip ako sa sinabi ni mommy, siguro pagnalaman ni Annica toh mas masasaktan sya! Mas mabuti na sigurong makipaghiwalay na lang ako para kung sakaling mamatay ako move on na sya.

Inabot ako ng isang buwan dito sa hospital dahil madaming ginawang test sakin ang doctor.
Kahit sila Tracy hindi alam ang nangyayari sakin.

Sinabi ko rin kay mommy at sa pinsan ko na ilihim ang tungkol sa sakit ko.
Simula nung lumabas na ako sa hospital lagi na akong kulong sa kwarto ko.

Tapos tumakas ako para pumasok at para na rin daanan ko si Annica sa school nya.

Pag-awas ko sa school ko dumaretso ako sa school ni Annica pero umalis na daw agad si Annica.
Lagi akong tumatakas sa bahay namin para pumasok kahit minsan nasakit ng sobra ang ulo ko.

Hanggang isang araw isinama ko sa kalokohan ko ang pinsan ko. Tumakas kami sa bahay at pumunta sa park kung saan kami nakita ni Annica noon.
Sakto naman andun sya kakausapin ko sana sya pero umiwas sya.

Simula nung araw na yun napaisip ako na ipalabas ko na lang na may iba na talaga akong mahal para makipaghiwalay sya sakin.
Masakit kasi sakin na ako ang makipaghiwalay sakanya at siguradong mas masakit para sakanya na ako ang nakipaghiwalay ng walang dahilan.

At isang araw isinama ko ulit sa pagtakas ko yung pinsan ko para pumunta sa park. At sa di nga naman inaasahan andun din si Annica.

Hinawakan ko yung kamay ng pinsan ko na para bang magshota kaming magkaholding hands. Pilit binabawi ng pinsan ko yung kamay nya pero mahigit ang hawak ko.

Alam kong nakikita na kami ni Annica at nasasaktan na sya.

'SORRY ANNICA PERO KAILANGAN KONG GAWIN TOH' bulong ko pero narinig naman ng pinsan ko

"Kuya Hurry nakatingin satin si Ate Annica baka lalo syang magal-----------------"
Hindi nya natuloy yung sasabihin nya dahil hinalikan ko sya.

Alam kong malaking kasalanan toh pero wala na akong ibang maisip na paraan.
Pagbitaw ng halik ko sa pinsan ko isang malakas na sampal ang natanggap ko sakanya at umalis na sya.
Bigla naman sumakit ang ulo ko.

-0- -0- -0- -0- -0- (Forward)

Tumakas ulit ako sa bahay dahil nagtext sakin si Annica na magkita kami sa park malapit sa bahay namin.

Nang nagkita kami nangyari na ang pangyayaring inaasahan ko, masakit para sakin pero tatanggapin ko yun.

Yung 2 years naming pinagsamahan nagtapos na :(
Nagkausap na din kami ng pinsan ko naintindihan nya naman ako pero mali pa din daw yung ginawa ko.
Alam ko naman yun dahil pinsan ko ang dinamay ko sa mga kasalanan ko :(

Simula nun minsan na lang ako pumasok dahil unti unti na din akong nanghihina.
Pero kahit na minsan na lang ako pumasok may naging isa akong kaibigan yun ay si Kyler ang kaibigan ni Annica.

Nagtransfer kasi sya sa school namin.
Hanggang isang araw pinaoperahan na ako ng mommy ko.

Kahit isa sa tropa ko wala talagang nakakaalam ng tungkol sa sakit ko.
Kahit mga tropa ko nagtataka kung pano ako nakakapasa dahil minsan lang ako pumasok.
Alam naman ng teachers yung tungkol sa sakit ko kaya intindi nila pero pinakausapan ko sila na ilihim yun,
At isa pa may share ang parents ko sa Nerd Academy kaya hindi nila magagawang basta ibagsak ako XD

Nagseself study naman ako minsan sa bahay kahit di ko kinakaya minsan.
Ilang buwan akong hindi nakapasok at yun gumaling na naman ako :)

At dun nag-umpisa na umasa ako na mahal pa din ako ni Annica,
At mas lalo akong nasiyahan nung malaman kong three months sila sa school ko.

*END OF FLASHBACK*

Ngayon malinaw na kay Annica ang lahat. Alam na nya ang totoo na hindi ko sya niloko noon.

Tanging sila Tracy na lang ang naguguluhan sa ngayon.

* . . TOK TOK TOK . . *

Pinapasok ko na yung kumatok. Maluha luhang pumasok sa kwarto ko si mommy.

Pati na rin sila Tracy pumasok na din. Halata sa mukha nila na naguguluhan sa mga nangyayari. At dahil naguguluhan pa sila Tracy si mommy na ang nagsabi ng lahat lahat.

Nagulat din sila nung malaman nilang may nakaraan kami ni Annica.
Kaya daw pala nung una kaming magkita ni Annica nung sports fest ganun na lang daw sya kaweird.
Inabot na sila dito ng madaling araw kaya dito na lang sila kumain at umalis na din agad at aiwan na lang kaming dalawa dito ni mommy.

Three Months In Nerd Academy (Completed)Where stories live. Discover now