Chapter 87: Truth

1.3K 43 0
                                    

Annica's POV

Maaga akong pumasok ngayon este kami ni Yass.
Yeah right sabay na ulit kaming pumapasok :) Okay na kami haha maganda na ulit syang makitungo sakin.

Habang naglalakad kami may lumapit saming isang guy. "Ikaw ba si Yass?" tanong sakin nung guy

"Ahh hindi etong kasama ko bakit?"
Sumimangot ng bahagya yung guy tapos ngumiti ng pilit.

"Hello! Tingin ka sa taas!" sabi nya kay Yass

Sabay naman kaming tumingin sa taas ng building. O_O

Si Kyler nakatayo sa corridor tapos may hawak syang bulaklak at banner na may
'Have a nice day Mhine, happy first day :)'

"Kyaaaa! Annica look may surprise sakin si Kyler!" kinikilig na sabi sakin ni Yass

"Ahehe o-oo nga! Ang s-sweet!" sabi ng nauutal

Tumakbo na si Yass at naiwan ako ditong nakatayo.

Mhine? Happy first day? Anung meaning nun? Sila na ba? Kahapon lang? Hindi ko namalayang natulo na yung luha ko.

Ansakit :/ Bakit ganun? Akala ko masaya na ako kay Rixx.
"Annica?" dali dali kong pinunasan yung luha ko

"B-bakit?"

"Naiyak ka ba?"

"Ha? Ako? Ahh hindi ahh! Kapapasok mo lang?"

"Oo ehh! Tara na sa room!" pag-aakit nya
Naglakad na sya at hindi naman ako sumunod

"Rixx!" natigilan sya sa paglalakad

"Bakit hindi ka pa nasunod? Tara na!"

"Rixx pwede bang magtanong?"

"C'mon Annica bakit ka ba ganyan?"

"Rixx paano kung niloloko lang kita?"

"Annica ano bang nangyayare sayo?"

"RIXX SAGUTIN MO AKO!" hindi ko na napigilang sigawan sya

Sandali syang natigilan. "Bakit ngayon pa lang ba niloloko mo na ako?" seryoso nyang tanong

Magsasalita na sana ako kaya lang biglang may dumating. "Uy! Annica, Rixx tara na sa room!" pag-aakit ni Yasha

Sumunod na kami at habang naglalakad hindi kami nag-iimikan.
Pagdating namin sa room hindi pa nagkaklase, lahat sila may kanya kanyang ginagawa.

Pero isa lang ang nakaagaw ng pansin ko yun ay sila Yass at Kyler.
Parang gusto kong mabulag na lang para hindi ko na sila nakikita at hindi na ako nasasaktan.

Umupo na lang ako ng tahimik sa upuuan ko tapos tinanggal ko yung salamin at umub-ob sa desk ko.
Shit! Bakit ba napakaiyakin ko?
Natulo na naman yung luha ko kaasar. Kagustuhan ko naman toh diba? So ano pa bang kailangan kong iiyak?

Naramdaman ko namang may yumakap sakin mula sa likod, tumingala ako sa para tingnan kung sino yung yumakap sakin.
Bumitaw na sya sa pagkakayakap sakin.

"Yasha!" tapos ako na yung yumakap sa kanya at humagulgol na ako.
Yung ibang classmates ko napapatingin na samin ni Yasha.

Lalapit sana samin si Rixx pero sinenyasan ni Yasha na wag munang lumapit. "Okay ka lang ba? Kung gusto lumabas muna tayo?" bulong sakin ni Yasha

Pinunasan ko na yung luha ko tapos sinuot na ulit yung salamin ko at umalis na kami sa room.
"Annica tell me, ano ba talagang nangyari sa inyo ni Yass nung school fair?" tanong ni Yasha ng makalabas na kami.

Three Months In Nerd Academy (Completed)Where stories live. Discover now