Part 46"Don Dante Del Puerto FINALLY!!!!"

2.6K 34 2
                                    

Kinaumagahan ay araw na nga ng kasal ni JM at Trisha. Hindi sila mag kasama dahil yun ang bilin ng matatanda kaya nagstay si Trisha sa hotel at si JM sa safe house kasama ng ama.

Maya maya papunta na si JM sa kwarto ng ama at bibihisan niya na sana ito ng nagulat siya na ang ama ay nakahiga na sa Kama.

JM: dad???? Papano???

Hindi pa rin ito nag sasalita pero ngagalaw niya na ang kanyang paa.

JM; Daddy good sign yan! Masayang masaya ako daddy. Dahil nagiging okey ka na lalu na't kasal ko ngayon.

Binihisan niya n ang ama at papunta na sila sa simbahan hindi matigil ang pag iyak ng ama at para talagang my gusto itong sabihin sa anak.

JM: daddy naman wag niyo akong paiyakin kanina pa kayo sa bahay ehh. Ohh andito na tayo sa simbahan.

Pag baba nila sa simbahan ay agad ni JM inalalayan ang ama at pinaupo aa wheel chair..

Hanggang sa mag uumpisa na nga ang kasal, habang nag lalakad si Trisha papalapit sakanya ay bigla niyang nakikita ang mukha ni Nancy. Hindi niya alam kung bakit pero parang bigla nalang ito sumasagi sa isip niya.

Nang makarating na ang dalawa sa harap ng altar ay para bang hindi mapalagay si JM at naririnig niya ang iyak ng ama. Ilang sandali ay bago palang mag salita ang pari ng "Meron bang Tumututol ba sa kasalan na ito?" ay narinig ng isa sa mga kaibigan ni JM na si Ted na nag sasalita ang ama ni Jm ng napakahina na "Aaaaakkkoooo"

Ted: JM!!!JM!!! Nag sasalita na ang Daddy mo!

Napalingon agad si JM at iniwan si trisha sa harap para mapuntahan lang ang ama.

JM: Dad??? DAD??!!! Anu ba yun??

Nang linapit ni JM ang tengnga niya sa bibig ng ama ay laking gulat biya sa sinabi ng Ama.

Don: "Hinnnndiiiiii Kaaaaayyyyyoooo mmmaaggkkkkaaappppaattttttiiiiid nnnnniiiii Nnnannnncyyyy"

Natulala si JM at para bang umiikot ang kanyang paningngin hanggang sa parang wala na siyang naririnig kundi ang sinabi lang ng kanyang ama, hindi niya na napansin na tinatawag na siya ni trish, ng bigla nalang si JM tumakbo palabas ng simbahan.

JM: tadhana!!! bakit niyo po ba ako pinaglalaruan? Anu po ba ang naging kasalana ko sayo?! Hindi ko alam kung bakit ako tumatakbo pero yun lang ang naisip kong gawin hindi ko alam kung saan ang dadalhin ng paa ko (habang umiiyak ang binata at tumatakbo ng mabilis papalayo ng simbahan)

~~~~~~~~

Nico; kanina kapa malayo ang iniisip ha??

Nancy; siguro ang saya saya na nila ngayon noh? Nasa reception na sila. O di naman kaya nasa honeymoon na.

Nico; hindi ko alam kung anu sasabihin ko sayo Nancy ang mabuti pa isipin mo nalang ang ipapangalan natin sa baby natin.

Nancy; mabuti pa nga.

Naupo si Nico sa sahig at linapit ang tengnga niya sa tiyan ni Nancy habang nakaupo naman si Nancy sa bamboo chair.

Nancy; anung ginagawa mo??

Nico; pag my sinabi akong pangngalan at sumipa si Baby meaning gusto niya.

Nancy; sige nga..

Nico; Norlando?

Nancy; anu ba yan! Ang baho naman! (sabay pinitik ang tengnga)

Nico; aray naman! Pasalamat ka buntis ka!

Nancy; sus kahit hindi ako buntis hindi mo naman ako kayang saktan eh.

Nico; nye nye nye. (sabay belat)

Nancy; bilis na try mo pa.

Nico; potacio?

Nancy; anu ba yan! Nico!! Ha?!

Nico; joke lang .. seryoso na hehe, hmmm Nicolo!????

Nang sumipa nga talaga ang paa ng bata habang nakadikit ang mukha ni Nico sa tiyan ni Nancy.

Nico; Nancy!!! Sumipa!!!

Nancy; Oo nga!!!

Tuwang tuwa ang dalawa kaya naman yinakap nalang ni Nancy si Nico habang naka upo ito sa sahig.

Nancy; talagang sinunod mo sa pangalan mo ha!

Nico; ako ang tatay eh,

Nancy; oo na. Sige na! Hehe

"The BILLIONAIRES DAUGHTER had ONE NIGHT STAND"(COMPLETE)Where stories live. Discover now