Chapter 48

81.1K 2.3K 137
                                    

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________




"Im sorry talaga Callum" paulit ulit na sabi ko sa kanya at mukhang di ako mapapagod na humingi ng patawad sa kanya.

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin. "Stop saying that word sofia" sambit niya habang nakatitig ito sa papalubog nang sunset.

Tiningala ko siya at tsaka tinitigang mabuti ang kanyang napakaAmo at gwapong mukha. Magkatabi kaming nakahiga sa isang malaking duyan at nakaunan ako sa kanyang braso.

"Ang sama ko para saktan ka" napahina na ang aking pagkakasambit at tsaka itinuon ko na din ang paningin ko sa kanina pang tinititigan ni callum na medyo kulay orange nang kalangitan.

Mula sa aking peripheral vision ay nakita kong siya naman ngayon ang nakatingin sa akin. "No sofia, your not bad...it's just that we can't teach our heart who to love" pagpapaintindi niya sa akin.

After nang gabing iyon na paguusap namin ni Callum ay parang kaagad na kinalimutan na muna namin ang lahat. We try all the attractions here in Balesin. Kahit nageenjoy ay di pa din kami matigil sa pagContact kina mommy at lola tungkol kay Zeus. Minsan nga ay sinasadya ni mommy na wag nang sagutin ang tawag ko dahil nakukulitan na daw siya.

"Callum sa Veranda lang ako, tatawag ako kina mommy" paalam ko dito.

Naghahanda na siya para maligo dahil may pupuntahan kami. Half naked itong nagpakita sa akin habang nakangisi.

"Makulit ka din talaga noh, sabi nga ni mommy na nakukulitan na siya sayo eh" natatawang pangaasar pa nito sa akin.

Nginusuan ko siya at tsaka tinalikuran pero narinig ko lang ang medyo pahina ng tawa nito dahil nagsimula na akong maglakad patungo sa may veranda.

Napadaing ako nang sa pangalawang ring ay di pa din sinagot ni mommy ang tawag ko kaya naman nag send na lang ako ng text message sa kanya. Pero nagulat ako ng wala pang isang minuto ay nagreply na ito na nasa mall daw sila at ayaw nila ng storbo.

Napasimangot na lamang tuloy ako dahil namimiss ko na si Zeus. Ilang sandali pa akong nanatiling nakatayo duon at pinagmasdan ang buong paligid. Di ko inakala na makakapunta ako sa ganito klaseng mga lugar. Lugar na akala mo ay isang paraiso na sa ganda.

Maya maya ay napakunot ang aking noo dahil sa unknown number na tumatawag sa akin. Dahil sa di ko ito kilalang numero ay ilang sandali pa akong napatitig dito hanggang sa naging missed call na ang tawag.

Akala ko ay titigil nam pero maya maya ay nagring nanaman ang cellphone ko at muling lumabas sa aking screen ang unknown number.

Di ko alam pero kasi parang may kakaiba akong pakiramdam sa tawag na ito kaya naman bago sagutin ang tawag ay napahugot muna ako ng malalim na paghinga.

"Hello?" Tawag ko sa kabilang linya.

Tahimik ito kaya naman napatingin ulit ako sa number pero umaandar pa din ang oras. Kaya naman muli kong inilagay sa aking tenga ang aking cellphone.

"Hello sino to?" Tanong ko na dito.

"Are you enjoying the moment huh?" Medyo paos at magulong sambit ng lalaki sa kabilang linya.

Nanlaki ang aking mata dahil may isang tao na kaagad na pumasok sa aking isipan. Pero gusto ko munang sanang makasiguro kung tama nga ang aking hinala.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora