One - Zero

2.3K 47 0
                                    

"Good morning chef!" Nginitian nya ang mga empleyado nyang bumati sa kanya

Lalo syang napangiti ng makapasok sya sa kusina. My home. Wala syang hinahire na kusinero dahil mas gusto nyang sya ang magluto ng mga putahing ginawa nya.
Masaya syang nagluluto ng biglang bumukas ang pinto ng kusina nya at pumasok ang isang waitress

"Chef! Chef!" Napatigil sya sa ginagawa at tiningnan ito ng nagtataka

"Bakit may problema ba?" Impossible yun dahil kahit isang beses wala pang nagrereklamo sa mga putaheng gawa nya dahil lahat sila nasasarap at minamahal ito

"Opo chef, malaking problema dahil may isa pong customer natin na hindi nagustuhan ang inorder nya po at gusto nya pong makausap ang manager o kahit owner ng restaurant." napakunot lalo ang noo nya, inalis nya ang apron na suot nya at lumabas sa kusina

"Sino ang customer na yun?" Tinuro nito ang isang babaeng badmood ang aura at nagsasalita ng masama tungkol sa putaheng ginawa nya


Kanina pa badtrip ang mood ni Kath dahil sa tatay nyang ayaw pagbigyan ang pangarap nya at sa nanay nyang sunod sunuran na lang dito. Kaya ang pagkain na inorder nya ang kanyang pinambuntungan ng galit kahit na masarap ang pagkaluto dito

Sa katunayan nga medyo nawala ang pagkabadtrip nya ng matikman ang putahe bumalik lang ng maka-receive sya ng text galing sa ama na pinapabalik sya sa bahay upang makapag usap sila sa gusto nitong mangyari

Napatingin sya sa lalaking naglalakad palapit sa kanya. Katulad sa mga pelikulang napapanood nya tumigil ang pag ikot ng mundo, nagkaroon ng slow motion, bumilis ang tibok ng puso nya, nakaramdam sya ng weird feeling sa tiyan at higit sa lahat na love at first sight sya sa lalaking ito.

Nabalik lang sya sa realidad ng tumikhim ito namumula ang pisngi

"May problema ka daw sa putaheng hinanda namin? Pwede bang malaman kung ano iyon?" Magalang na tanong nito

"Ah... eh.... a-no k-asi y-ung putahe nyo..." gusto nyang batukan ang sarili dahil uutal utal syang sumagot dito

Ano bang nangyari sayo Kath? Lalaki lang yan!

Lalaki nga, sobrang gwapong lalaki!

Kahit kailan ang landi mo isip!

Sus. Ikaw rin naman!

"Miss? Are you alright?" Nabalik lang sya sa realidad ng tanungin sya nito. Gosh! Nakakahiya ka talaga Kath!

"Y-yes I'm ok"

"So I was saying what is your problem with our food?"

"Hindi ko sya gusto, masyado syang matamis" gusto nyang natukan ang sarili dahil ang babaw babaw ng rason nya

"I'm sorry ma'm pero sweet po ang inorder nyo so in that case talagang matamis yan" namula sya sa hiya kahit na ang kalma ng pagsasalita nito para sa kanya isa na yung insulto

"I know sweet yan kaya lang masyadong matamis ang pagkakagawa hindi sakto. Nasan ba ang may ari nito? Chef ka ba? Kung chef ka ito lang masasabi ko ang pangit ng pagkaluto mo baka naman chinachamba mo lang" hindi mapigilang mainis ng binata

Dahil sa sinabi nito at sa pagkaing nirereklamo nito dahil ang pagkaing nirereklamo nito ay ang bihirang lutuin nya dahil especial iyon. Kahit mga kaibigan nya wala pang nakakatikim nun at ang malas dahil ang unang nakatikim nun ay isang babaeng walang kwenta.

"I'm the chef and also the owner of this restaurant. At kung may problema kayo sa pagkain namin I think its better if you will leave this restaurant" naiinis na talaga sya sa ugaling pinapakita ng binata

LLS3: SPIEL {COMPLETED}Where stories live. Discover now