CHAPTER 1

4 0 0
                                    

I was leaning on a tree while drawing something. Ewan ko ba, bigla nalang nagpop-out sa utak ko na isang anghel ang iguguhit ko for our drawing contest the next day after tomorrow. So, since free time ko ngayon ay, eh, nagpapractice ako.

Inaalala ko ang pakpak nang isang anghel sa'king panaginip, kulay itim ito. Makintab, matutulis ngunit ang lalambot. Ang kanyang makisig na katawan habang ang kamay ko naman ay nakahawak sa kanyang dibdib. Para siyang isang tunay na lalaki, typical type of guy, ganun. Ang kaso lang talaga anghel siya.

Iginuhit ko ang jaw line niya, every details of him I remembered was really has an effect on me. I enhanced all of it, mostly his eyes. A two-paired silver eyes mixed with blue and his voice was too smooth. I was at the verge of melting because he was too hot to analize.

Dagdag pa ang kanyang maliliit na sungay na bumagay sakanya. Napangiti ako, he's hot. Iginuhit ko muli ang kanyang mukha at ang kanyang katawan. Abs, muscle, everything was still vivid on my mind.

After an hour, natapos rin ako. Shadings, linings, enhancements of my drawing, all done. Iniharap ko naman ito sa harapan ko and, yes. Masasabi ko naman na nagawa ko ito ng maayos.

I put my signature on the lower side of the paper and of course, the date. Wag kayo, feelingera kasi ako.

"Boo!"

"Ay, anghel!"

"Hahahaha! Caine, sorry naman. Masyado ka kasing nainlove sa drawing mo."

Binatukan ko naman si Ashley, bestfriend ko pala siya.

"Nakakainis ka naman kasi eh. Ito nga kasi yung sinasabi ko sayo sa panaginip ko oh." Ipinakita ko naman sakanya ang iginuhit ko.

"Wow, bok! Proud na talaga ako sayo, proud bestfriend here. Ikaw na ang mananalo niyan." Dakdak na naman siya ng dakdal, na ke-panalo na raw ako, na magaling raw ako. Aba'y, gusto lang nito magpalibre eh.

"Sana nga manalo ako, thanks sa support bok!"

"No problem." Sabi naman nito at sumaludo pa, kaloka. Maganda si Ashley guys and katulad ng pangalan niya, ang buhok naman niya ay kulay ash. Abo, oo, as in gray.

"Ay, bok. What's his name pala?" She asked and doon ko naalala ang name niya. Napangiti naman ako nong naalala ko 'yon.

"Lucifer bok, Lucifer."

"So, class. Since 30 minutes lang ang session natin ngayon, di ko na kayo ipapagawa ng paper works for now."

Nagsi-ingayan naman ang lahat.

Yes! Thank you naman.

May himala!

Ang bait niyo ma'am, ngayon lang!

Oh, ghad. Thanks, di na mangangalay ang mga magaganda kong kamay.

"Quiet class. There's a BUT."

Tahimik lamang akong nakikinig habang ang iba naman ay nagbuntong-hininga, nainis, nakabusangot and etc.

"Ano yung condition ma'am?" Tanong ni Theo, ang president ng class namin.

"Can you lend me your ears?" Napatango naman kaming lahat, great. Story telling, ito ang pinakagusto ko kay Ma'am Mio dahil may katotohanan mixed with fantasy ang stories na sinasabi niya.

"Good. The story is all about angels. We all knew that Earth is composed of good and bad people. Right?" Tumango lamang kami sakanya.

"And we do have this belief that there are good and bad angels. Alam rin natin na ang good angels ay may pakpak na puti, while ang bad is black. Tama naman tayo doon eh. Now, alam niyo bang bakit nagkaroon ng Fallen Angel?" Umiling naman ang iba kong kaklase at ang iba naman ay napaisip. Bakit nga ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Angel's RefugeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon