CEO52 - The Surprise Gift

16.9K 356 9
                                    

#51 - The Surprise Gift

.

Andrea's POV

.

Malaki ang limousine na sinasakyan namin kaya nagawa akong ayusan ni Zia. Nakapagbihis na din ako. Tama nga lang ang oras ng byahe para matapos namin lahat ng dapat nyang gawin. All set na nga ako pero hindi ko naman alam kung saan ako dadalo.

Finally, huminto din ang sasakyan. Kasama ko pa din si Zia na nakabihis na katulad ng damit ko. Mas simple nga lang ang details nong sa kanya.

Ang sa akin kasi ay tube dress na hanggang sakong ko na umaabot naman sa hita ko ang slit. Kulay abo ito na may details ng silver sa may waist line at sa may dibdib. May silver linings din na nagmumula sa bewang pababa sa laylayan. I can tell na simple lang ito pero ang mga ginamit na materyales ay halatang mamahalin.

"Ready?" Tanong ni Zia.

Wala sa sarili akong napatango. Bigla akong kinabahan nang bumukas ang pinto sa tapat ko. I looked at Zia. She gave me a go signal para bumaba ng kotse. Tumalima na lang ako.

I blew out an air para mawala ang namumuong kaba sa dibdib ko.

Si manong ang naging escort ko hanggang sa makapasok kami sa isang hotel. May sumalubong naman sa akin na babae. Sa wari ko ay ito naman ang mag-aassist sa akin.

"Miss, ano bang okasyon ang meron sa pupuntahan natin?" Usisa ko sa kasama ko pero ngumiti lang ito saka tinuro ang hallway na may nakalatag na red carpet.

"Diretso lang po kayo mam hanggang sa marating ang silver na pinto sa dulo." Sabi nito saka umalis.

Sinunod ko na lang ang sinabi nya. Panay ang lingon ko habang naglalakad. Napansin ko kasi na wala akong ibang nakikitang tao. Parang ako lang ang nasa building na ito.

Huminga ako ng malalim nang marating ang silver na pinto. I pushed tge door open. Puro silver ang sumalubong na kulay sa akin.

"What's this?" Bulong ko sa sarili ko.

I continued walking down the aisle.

May aisle kasi doon. Yung red carpet lang naman kasi ang sinusundan ko. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng biglang sumulpot si Wendy sa unahan kung nasaan ang isang maliit na stage.

Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Tatakbo sana ako palapit sa kanya pero sinenyasan nya ako na manatili lang ako sa kinatatayuan ko.

"Babae, I know naguguluhan ka ngayon." May mic pala syang hawak. "Well, as you can see today is a very special day for you. I did everything para lang makapunta dito sa event na ito."

She paused.

"Naaalala ko pa nong una tayong magkita, we cannot be called as friends dahil alam mo na. Pareho tayong bitch. But now, you're one of my dearest friend that I would cherish forever. Today, I wish you good luck and I wish you happiness with the man you truly and only loved."

Napatawa ako sa huli nyang sinabi. I know where this is going. Napangiti na lang ako nang lumapit sya sa akin at niyakap ako.

"Babae, wag mo ng pahirapan ha?" Bulong nito sa akin saka kumalas at naglakad papunta sa isang mesa.

I know what she's talking about. Napailing na lang ako. I walked again. Nakakatatlong hakbang pa lang ako nang sumulpot naman si Alrick. I stopped and watched him.

"Hi there! I shouldn't be here but because of that woman I'm here." He's pertaining to Wendy. "Someone asked me to say something to you as you make your way towards the stage. So, I'm doing this for that guy."

Loved by the CEO: Tristan Salviejo StoryWhere stories live. Discover now