CEO57 - Change of Hearts

16.5K 317 15
                                    

#58 - Change of Hearts

.

Andrea's POV

.

I was wishing the whole day na sana mali lahat ng iniisip at nararamdaman ko sa biglaang pagbabago ni Tristan. Maaari bang magbago bigla ang nararamdaman nya in just two months?

"Pwede ba yun?" Tanong ko not minding the two people in front of me.

"Ang alin?" Tanong ni Wendy.

Nandito kasi ako sa bahay nila. Malapit na ang due date nya at nandito ako para bumisita at para magtanong na din.

"Pwede ba na bigla na lang magbago ang nararamdaman ng isang tao sa isang iglap??" I asked in a hopeless tone.

Napakunot naman ang noo nya sa tanong ko.

"Where is this coming from, Andrea? Nag-away ba kayo ni Tristan kaya ganyan ang tanong mo?"

I am not yet ready to tell Wendy about my doubts. Napayuko na lang ako at napabuntong hininga.

"Hindi naman kami nag-away. Napansin ko lang kasi ang biglang pag-iiba ni Tristan nitong mga nakaraang araw." Pagsisimula ko.
"Paanong nag-iba? Hindi na ba sya sweet?"

Umiling naman ako.

"He's still sweet pero may pagkakataon na iba ang kinikilos nya sa sinasabi nya. I can sense coldness in his voice every time we talked. Pero sweet pa din naman sya. It all started when this Ciara came." Malungkot kong saad.

Agad akong tinabihan ni Wendy.

"Ciara? As in Ciara Ruiz?"

Kinunutan ko sya ng noo.

"Kilala mo sya?"

"Sobrang kilala! Nagbalik na pala sya ng bansa." Tatango-tangong saad nya. "Pero wala kang dapat alalahanin kay Ciara, babae. Ang dapat mong isipin ay ang fiancé mo na yan." She said followed by a deep sigh.

"Bakit si Tristan ang dapat kong alalahanin?"

She sat properly facing me. Side by side kasi ang upo namin kanina. Ngaun nakaharap na sya sa akin at ako naman nakatagilid sa kanya.

"Ganito kasi yan, babae. Si Ciara ang first love ni Tristan." Pagsisimula nya na agad kong kinontra.

"Wait! Akala ko ba ako ang first love nya?!" Assuming na kung assuming, eh sa yun ang alam ko eh.

"Iba ka naman. You are his first true love. Si Ciara first love lang. Magkakilala na silang dalawa since elementary. Alam ko ang istorya nila dahil saksi ako sa kabaliwan noon ni Tristan para sa Ciara na yun."

Sa mga sinasabi pa lang ni Wendy parang iiyak na ako. May mas minahal pa pala si Tristan kesa sa akin. At maaaring mas higit pa sa pagmamahal nya sa akin ang pagmamahal nya kay Ciara.

"Mabait si Ciara. Maganda, matalino. Almost perfect na sana kaya lang may isa syang flaw na hindi kayang tanggapin ng kahit na sino. Kahit ang sarili nya. Only Tristan accepted her. Akala namin magiging okay ang pagkakaibigan nila pero mali pala kaming lahat. Ciara doesn't want anybody to accept her." Saglit na huminto si Wendy para umayos ng upo.

"Ano yung flaw ni Ciara na sinasabi mo?" Singit ko nang magsasalita na sana sya ulit.

"Ciara was a rape victim. She was rape by her foster father and step brother for almost five years during her elementary days. At naulit pa yun sa panibago nyang pamilya nong high school sya. Ciara is a goddess. We can't deny that. I'm sure nakilala mo na sya."

Loved by the CEO: Tristan Salviejo StoryWhere stories live. Discover now