SINANAY :)

9 0 0
                                    

Ang hirap pala pag sinanay ka, sa mga bagay na kanyang ginagawa.
Tila sa una'y napakasaya mo dahil sayo ang atensyon.
Ngunit pag kalagitnaan na'y magmumukmok dahil may kahati kana sa atensyon.
Mga mensaheng tila napakahaba pero ngayoy tila'y isang pangungusap nalang ang ihahaba.

Alam kong pagbabago ang permanente sa mundo, alam ko dahil damang dama ko.
Nakakainis bakit kailangan magbago, hindi ko alam kasi di ako matuto-tuto.
Eh kasi napakatanga ko, na umaasa sa salitang binibitiwan mo
Ayan tuloy at heto na naman ako at nasanay sa isang tao, sa isang tao alam kong iiwan din ako.

Patuloy akong nagdradrama dito habang ang dinadramahan ko ay walang kaalam alam dito.
Sa tingin koy mabuti nayun dahil nakakahiya at napakadrama ko.
Pero sa tingin koy may ilalalim pa to ng todo.
Kaya siguro dinadramahan ko kasi sobrang napakahalaga sakin ng tao.

Quotes // PoemWhere stories live. Discover now