...

3 0 0
                                    

Pano ba ulit magsimula sa umpisa?
Turuan mo naman ako kasi nasanay akong andyan ka
Sayong presensya noon ay nakapagpapasaya
Ngayon ay halos ayoko ng maalala kasi nakakasakit na

Mga ating alaala na magkasama
Masakit isipin na ito'y alaala nalang talaga
Kung nakaraan ay maibabalik pa,
Mga pagkukulang ay pupunan na.

Ngunit ikaw nga'y naglaho na
hindi na natin ito mapipilit pa,
Alam ko naman na hahantong sa ganito
Pero hindi pa ko handa. Bakit ganito?

Akala nila ganun lang kadali lumimot
Pero hindi kasi nila nararamdaman tong kirot
Kirot hapdi sakit na iniwan mo
hindi ko alam kung kailan mapapawi ito.

Quotes // PoemWhere stories live. Discover now