HLAAI: 25

26 3 2
                                    

CHAPTER 25:

RIN P.O.V

Inihinto ko ang sasakyan sa labas ng gubat.

FOREST OF HIME, yan daw ang tawag sabi ni Hime.

"anong ginagawa natin sa pugad nung babaeng Exotic na yun" saad ni Glai

"tumahimik ka nga. Mamaya may magpakitang Iguana diyan. Bahala ka" i said.

"WHAT MAY IGUANA DITO. WUAHHH RIN. AYOKO NA UWI NA TAYO" naghehesterical na saad niya.

Nakakapit siya sa bisig ko. She's being a childish again. teary eyed na siya.

"manahimik ka na kasi" asar kong saad.

Pumasok na kami sa loob ng forest. Marami kaming nakikitang mga hayop at insekto. Ano pa nga bang aasahan mo. Masyadong Obssess si Hime sa mga hayop.

Natatanaw na namin ang 'KASTILYO' daw ni Hime. Pinapasok kami ng mga tauhan niya. Maraming mababangis na hayop ang nandito.Pumasok kami sa kwarto niya. wala siya dun.

Pauwi pa lang daw kasi si Hime sabi ng Butler niya. Nahiga si Glai sa Kama. Ako naman ay linibot ang kwarto.

May nakita akong isang malaking Aquarium pag kabukas ko ng isang pinto. Napailing na lang ako sa nakita ko. Exotic nga talaga si Hime. akalain mong mag alaga ba naman ng PATING take note hindi lang isa kundi TATLO.

"anong ginagawa niyo dito"

Sinarado ko na yung pintuan at pumunta kung nasan si Glai. Nakita kong parang may kuryente sa pagitan ni Hime at Glai. Dont tell me hindi panila nakakalimutan yun.

Tsk. Nainlove kasi silang dalawa sa isang lalaki . Pero si Glai ang pinili kaya gumawa ng trap si Hime. Gumawa siyang paraan para mapapasok si Glai sa room na walang tao at nagtagumpay naman siya. Pinakawalan ni Hime yung Iguana. Yun kasi ang kinatatakutang hayop ni Glai. Simula nun. Mortal na mag kaaway na ung dalawa.

"tama na yan" i said.

"Mission Accomplish" saad ni Hime at sumaludo pa sakin.

"thanks"

"may video ka ba nung nangyari kanina"

"yah i have, ipapadala ko na lang sayo"

"okay"

"may mga alaga mo pa lang nasaktan" i said

"okay lang. Nag enjoy naman sila"

"TARA NA RIN UWI NA TAYO" madiing saad ni Glai at nauna ng lumabas ng kwarto.

"sige na mauuna na kami thank you ulit"

Inihatid kami nung butler niya hanggang makalabas ng Forest. Sumakay agad si Glai sa kotse.

Sumakay na din ako at pinaandar na niya ang sasakyan. Pagkarating namin sa bahay ang daming sasakyang nakaparada sa labas ng bahay.

"Anong Meron" tanong ko.

"naghahanda para sa engagement party na mangyayari bukas" walang ganang saad ni Glai tsaka bumaba ng kotse.

Bumaba na rin ako at pumasok sa loob. Di ko pinansin yung mga taong napapatingin sakin. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagpahinga



Hindi ako pumasok sa school ngayon...bakit?? Well natutuwa pa kasi ako sa pinapanuod ko. Natatawa ako sa nangyari sa kanila kahapon. Actually 5 times ko na itong pinapanuod. Nandito pala ako sa sala.

Si Glai hindi rin pumasok at nagmumukmok sa kwarto niya. Ano naman kayang problema niya. Inilapag ko muna ang Mini tablet ko sa lamesa tsaka pumunta sa kusina para kumuha ng tubig.

He's Loving An Angel InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon