HLAAI: 79

19 0 0
                                    

CHAPTER 79

WARNING: SPG-KARAHASAN

THIRD PERSON POV

"Dalawang pagpipilian Empress Fearrine De Monise"

Napakunot noo si Rin.

"what do you mean" tanong ni Rin.

"sino ang pipiliin mong mabuhay.. Si Alecer o si Alexus"

Nanlaki ang mata ni Rin.

"HAHAHA...kung hindi ka magmamadali...buong pamilya mo ang malalagyan ng microchip..HAHAHA"

Napatiim bagang si Rin. Sinuntok niya ang hologram pero tumagos lamang siya dito

"papatayin na kita..hintayin mo ko" malamig na saad ni Rin bago mawala ang hologram.

"ano bang ginawa niya sa kambal" tanong ni Mikaela.

"WAGGGG...ALEXUS"

Nakarinig ng isang sigaw si Rin.

"WAGGG"

sinundan nila ang sigaw na narinig nila. Kinabahan si Rin.

Huminto sila sa harap ng pinto. Tumingin siya sa taas

"Death Room" bigkas ni Mikaela.

Dahan dahang binuksan ni Rin ang pintuan. Muntikan ng mapaduwal si Mikaela dahil sa mabaho at malansang amoy.

Napatakbo si Rin sa may salamin na dingding. Sa baba nito ay halos gusto ng patayin ni Alecer si Alexus. Nasa baba din si Jemecah at tanging sigaw lang ang nagagawa nito.

"what we will do..sigurado akong inutusan ni Headmaster si Alecer para patayin ang kakambal niya." Mikaela.

Napaatras si Rin. Agad siyang napalingon ng may maapakan siya. Biglang bumukas ang ilaw at nakita nila ang maraming patay

"kadiri" saad ni Mikaela

"mga tauhan ng Alviola" saad ni Rin

"TAMA NA PLEASE"

Napatingin sina Rin at Mikaela sa baba.

Nakatutok ang baril ni Alecer sa ulo ni Alexus.

Kinatok ni Rin ang salamin.

"ordinaryong salamin lang ito"saad Ni Rin.

"basagin mo" dugtong pa niya.

"pagkatapos ay bumaba ka at pigilan mo si Alecer"

Napanguso si Mikaela sa inutos sa kanya pero sinunod niya.

Naghanap ng gagamitin si Mikaela. Kinuha niya ang isang upuang kahoy at yun ang ginamit niya pambasag sa bintana.

Nakatingin lang si Rin sa ginagawa ni Mikaela.

Nalaglag ang mga salamin. Binato ni Mikaela sa gilid ang upuan tsaka tumalon pababa. Pinanuod ni Rin ang nangyayari sa baba. Kumuha rin siya ng isang palaso tsaka linagay sa pana. Hinihintay lang niyang mapigilan ni Mikaela na makagalaw si Alecer..

Sinuntok ni Mikaela si Alecer dahilan para malayo ito kay Alexus

"kailangan natin siyang mapahinto" saad ni Mikaela kay Alexus.

"huh, pagkatapos" saad ni Alexus

"si Rin na ang bahala"

Tumango naman si Alexus. Humanda na ang dalawa para lumban kay Alecer. Tumakbo si Mikaela papunta sa likod ni Alecer. Sisipain niya sana ang binata pero nasalag lang ito. Kahit ang atake ni Alexus ay nasalag din.

He's Loving An Angel InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon