Chapter 6.1

13.5K 174 11
                                    

NAPAGPASYAHAN ni Paul na maligo kinagabihan.

Papalabas na siya sa banyo nang makita niya ang kanyang sarili sa salamin. Tila isa siyang cave man na hindi uso ang pagpapagupit at mag-ayos ng sarili.

Itinukod niya ang kanyang kamay sa salamin at tinitigan ang kanyang kabuoan.

Wala siya balak lumabas sa siyudad para ayusin ang kanyang kaanyuan. Ang importante sa kanya ngayon ay nabubuhay na siya ng payapa.

Walang kasamang mga inmates na nagsisiksikan sa loob ng kulungan. Tahimik ang paligid at walang maririnig na kung anumang ingay.

Nagawi ang kanyang tingin sa braso, nanumbalik ang senaryong iyon.

Ang hubad na babaeng mala-eba sa kagandahan at perpekto ang kurba ng katawan... siya, siya lang ang nakapagpa-init sa kanya ng ganito.

Napadako ang mata niya sa kanyang ibabang bahagi ng katawan na natatakpan lang ng tuwalya na nakapalupot sa kanyang balakang.

Ngayon ay naiisip niya lang ang dalaga ay nakatayo na naman ang kanyang ari.

Mariin niyang pinagdikit ang kanyang labi at napailing.

Kailangan na naman niyang maligo para maibsan ang alaga niyang handang suungin ang masikip na lagusan ng babae.

Walang salitang pumasok siya sa loob at 'ni hindi man lang sinarado ang pinto. Wala namang ibang tao dito maliban lang sa kanya... at sa babaeng iyon.

Ipinikit niya ang kanyang mata at sinuway ang sarili. Hindi pwedeng isang babae lang ang kailangan niya.

Siguradong siya'y tigang lang kaya ganito ang reaksiyon ng kanyang katawan.

Tumingala siya at itinapat ang mukha sa tubig na umaagos mula sa shower. Ramdam niyang nawawala na ang pag-iinit ng kanyang katawan at unti unti ng lumalambot ang kanyang alaga.

Mga ilang minuto pang nagdaan. Napadilat siya nang may nag-doorbell, dali-dali siyang lumabas sa banyo at tinakpan ang kanyang ibabang bahagi ng katawan gamit ang tuwalya.

'Ano na naman bang kailangan ni Rico? Kakaalis lang ng bugok na iyon.' Isip niya at tinungo ang pinto.

Akmang sisikmuraan na niya ang kaharap nang mapagtanto niyang babae ito huminto siya at kinompostura ang sarili, "A-Anong kailangan mo?"

Maaliwalas na nakangiti sa kanya ang eba na nakita niyang naliligo sa ilog ng hubad at walang saplot.

"Magandang gabi," pagbabati niya kay Paul na napatulala lang at walang masabi. Tumikhim siya at sumandal sa pinto—hindi alintana na tuwalya lang ang nakatapi sa kanyang pag-ibaba.

"Anong kailangan mo, binibini?" Mahinahon niyang wika.

Ngunit sa kabila ng kanyang utak ay iniisip niyang nagsasarili ang mga senior citizen at grupo grupo silang nagtatalik upang mawala ang nabubuhay na naman niyang pagkalalaki.

Naghahalikan ng walang ngipin o pustiso man lang. Sinapo ng matandang lalaki ang lawlaw na dibdib ng uugod ugod ng matanda—Bigla siyang napahinto sa pag-iisip nang lumapat ang palad ng babae sa kanyang braso na may sugat.

Bumigat ang kanyang paghinga at bumigay ang kanyang paglalaban sa pagnanasa at utak.

Nang tumingin siya sa babae ay mapungay ang mata nito at bahagyang nakanguso, "Pasensiya na sa ginawa ko. Pakiramdam ko kasi ay nabastos ako, ang naiisip ko kasi ay sinisilipan mo ako ng mga oras na iyon. May dahilan ka naman kaya mo ginawa iyon 'di ba?" Tumingala ang babae at kinagat ang kanyang namumulang labi.

Pilit siyang ngumiti rito at tumagilid, "Wala lang iyon. Sige, pwede ka ng umalis."

Isinarado niya ang pinto ng biglang iniharang ng dalaga ang kanyang kamay.

"A-Aray!" Sa gulat ay mabilis na binuksan ni Paul ang pinto at muli niyang nakita ang mukha ng babae.

Ngayon ay may luhang tumutulo sa mata nito.

"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong niya, itinaas naman ni Demi ang kanyang kamay at pinakita na namumula ito.

"Pumasok ka muna, gagamutin ko."

Sinturon ni HudasWhere stories live. Discover now