Chapter 32

7.2K 133 8
                                    

MALUTONG na napamura si Paul nang madatnan ang kaibigan niyang duguan.

Imbes ata na maawa ay nanaisin pa niyang puruhan pa ito ng malala. Pagsusuntukin ang mukha at baliin ang mga buto sa katawan.

He wanted to hurt Rico brutally.

Paul without showing mercy is a freaking bliss.

But things changed now...

"Anong nangyari sa'yong gago ka?" tanong niya nang makapasok na si Rico at prenteng umupo sa sofa.

Sa sofa kung saan sila nagtalik ni Demi. Sa sofa na- he groaned like a wounded animal.

Before he start having filthy thoughts, he need to face with this d--ickhead friend of his first.

Masyado na ata siyang nalulong sa dalaga, kagaya nalang ng sitwasyon ni Rico na lulong sa droga.

Kung si Demi ba naman ang droga, talagang mag-aadik ito. Hayop 'yan, walang sinumang makakapigil sa kanya.

"Nahuli ako ni Papa na napasailalim ako sa kapangyarihan ng mga babies ko, ayun pinagbubugbog ako habang may tama. Sarap tumira 'pre!" humalakhak ito at agad napangiwi nang kumirot ang sugat niya.

Nilibot nalang ng mata ang paligid at umayos ng upo, "Oo nga pala, nasaan ang babae mo? Tinakasan ka na naman ba? Mukhang mahilig sa tagu-taguan 'yon," umiling nalang si Paul at saglit na kinuha ang first aid kit sa kanyang silid.

Kung hindi pa naman kasi gago, nagpahuli pa ang kaibigan niya sa ama nito.

Talagang lupapay 'tong si bugok.

"Gamutin mo," pinatong niya ang dalang kit sa lamesa na binalewala ni Rico.

Ano pa bang aasahan niya sa isang 'to?

Napailing na lamang si Paul at bumuntong hininga. Umupo siya sa tabi ng matalik na kaibigan at nagbabalak na gamutin ito.

Inumang niya ang bulak sa mukha nito nang hawakan ni Rico ang kamay niya.

Nandidiring tumingin sa kanya ang hinayupak.

"Tol, bading ka ba?"

Ngumisi si Paul at mariing idiniin sa mukha ng bugok ang bulak na ikina-daing nito sa sakit.

"A-Aray masakit!"

"Gago ka ba? May tama ka pa ata. Kung ako sa'yo, bitiwan mo na ang bisyo mo. Nakakasama sa'yo, Ric. Di na maganda ang epekto sa sistema mo."

Puno ng kaseryosohan niyang sambit.

Napapilig sa ulo si Rico at tila wala sa sariling tumawa. Sa likod ng tawang 'yon, may nakakubling lungkot at poot siyang nararamdaman.

And Paul knows that too well.

"Fix your life first before you intervene with mine, okay? Huwag mo na akong alalahanin pa 'tol," tinapik ni Rico ang braso niya at pasaldak na humiga sa sofa.

"Ayaw na kitang hilahin pa pababa. You already had enough, I can suffer on my own but not you." Bulong nito na hindi nakaligtas sa pandinig niya.

"Para na kita kapatid Rico, sana wag mong kalimutan na lagi akong narito para sa'yo."

Nanatili itong nakapikit at mukhang walang balak intindihin ang sasabihin niya.

"Just stop taking drugs please... baka masira ang buhay mo. Pwede kang kumana ng mga babae, pwede kang magpakalango sa alak pero bitiwan mo na ang mga babies mo. It's turning you into something that we don't know anymore." 

Marahas siyang napabuntong hininga nang 'di na ito kumibo pa.

Kahit kailan talaga, napakatigas ng ulo.

Tumayo na siya at bibigyan niya nalang ng oras ang kaibigan para makapagpahinga. For sure, Rico's tired from everything. Mapa-emosyonal, pisikal o mental man.

Bago pa siya makalayo roon ay may bumato sa kanya ng unan, "Salamat, hudas..."

His heart started to beat erratically.

Ngayon niya lang muli narinig ang palayaw na iyon ni Rico para sa kanya.

After all these years that had passed, maybe truth was ready to be unraveled...

Ngunit, handa na ba siyang harapin ang katotohanan?

WALA sa oras na napabalik si Demi sa istasyon kung saan siya nakadestino.

"Anong ginagawa mo rito, Pantorillo?" Pa-asik na tanong ni Klitt sa kanya. Nilinga ang buong paningin sa paligid hinahanap ng tanging makakatulong sa kanya sa binabalak.

Wala siyang pakialam sa malaking kuntil na babae 'to.

"Kinakausap kita!"

She clumped her lips tight and gave her a lopsided smile, "Shut it, wala akong oras para sa'yo." Puno ng lamig niyang wika at tinungo ang silid kung saan nakapwesto si Inspector Yllak.

Ang hudyo, promoted na.

Walang pasabing pumasok siya sa opisina ng lalaki, "D-Dem- Inspektor Pantorillo! Babalik ka na ba rito? I'm glad you're finally back on track! Ang dami mong nakaligtaang mga kaso at pangyayari. Sayang at wala ka..."

Bago siya magsalita ay kinandado niya muna ang pinto at hinawi ang kurtina upang walang makakita sa kanila.

"B-Bakit?"

Huminga siya ng malalim at hinarap ang dati niyang partner. Hindi na niya kailangan magpatumpik pa.

She fell inlove with someone whom she doesn't know really well.

May karapatan siyang malaman ang lahat.

"Have you ever heard about Jude Alcantara?" tila gulilat naman ang Inspektor sa sinabi niya.

"I have some exclusive documents here about unsolved cases years ago na pinapahandle sa akin ni Chief." Demi was deep-rooted when she heard those words from Inpektor Yllak.

"And he's one of them. Why? Do you know him?" Mariin siyang napalunok at pinakatitigan ang binata.

"Can I take a look at it?"

He pursed his lips contemplating what to decide but he just sighed and shook his head, "I'm sorry but no, Inspektor Pantorillo."

"Captain, my Senior Inspector, I respect your decision..." kagat labing sinalubong niya ang tingin ng binata, "But please, just this once... Help me..."

Matagal na tumitig si Yllak sa kanya. Napayuko na lamang ito at nag-iwas ng tingin.

"Jayden, please?"

Napahilamos na lamang ang binata sa mukha at nagpunta sa vault kung saan naglalaman ng mga pribado at mahahalagang dokumento.

"Whatever reason you have right now, I hope this case won't be publicised because this is very important."

Tahimik itong tumango.

All Demi wanna do is to know who's Jude Alcantara.

"Here it is," inabot niya sa dalaga ang evelope na makapal. Mukhang naglalaman ito ng maraming impormasyon tungkol sa kanya.

Demi gulped twice before she open it.

Naghuhuramentado ang dibdib nito sa kaba at antisipasyon.

When she finally opened it, her hands trembled.

Demetria was blinded at his picture that was taken at exactly five years ago. The fact that her boyfriend was imprisoned when he was nineteen years old!

Gaano ba katindi ang krimen na ginawa niya?

Curiosity piled up, fear began to unveil and this is just the start of something she wasn't expecting...

*

Lay: votes? Comments? Thank you!

Sinturon ni HudasWhere stories live. Discover now