•~Chapter 5: My First Day in R.E.A. (Part 2)~•

7.9K 233 18
                                    

[Edited]

Dedication and credits po for MsKylee

For the wonderful new book cover. Thank you po!

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Chapter 5: My First Day in R.E.A.

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Andrea's POV:

Habang kumakain ako, napansin kong laging tumitingin sa akin si Andrei. At sa tuwing napapatingin ako sa kanya, minsan nagkakasalubong ang tingin namin, minsan naman ay umiiwas lang siya ng tingin. Pero hindi ko na lang pinansin yun at tinapos na yung kinakain ko. Like, mabubusog ba ako sa iwasan namin ng tingin? If you think the answer is yes, then may sakit ka sa utak.

Since I've got nothing to do here anymore, I've decided to head on to the library for peace. PEACE! Kakaloka ang ingay ng mga estudyante rito.

Naalala ko na naman yung nangyari kanina.

IT WAS SO AWKWARD! LIKE, VERY VERY!

Di ko naman sadya na maging seryoso yung atmosphere. Tama naman yung sinabi ko na CJ never knows. Malay niya bigla nalang dumating yung babaeng yun tapos maririnig niya na kung sino-sino lang yung tinatawag na babe ni CJ, diba?

Kaya heto ako ngayon, naglalakad papuntang library.

Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko sina Kristine, Jen, Clarelle, at Jasmin, ang mga pangalang nangingibabaw sa negative comments sa page ng school. Ang balak ko sana ay lalagpasan ko na lang sila, pero ang ginawa nila ay binangga pa ako kaya napa-upo ako sa sahig. Ang sakit! Promise!

"Hoy, ikaw, nerd!" Sigaw ni Kristine kaya naka-agaw kami ng atensyon mula sa ibang students

Ay? Attention-seeker?

"B-Bakit p-po?" Nauutal kong tanong. Syempre joki-joki lang yung utal-utal na yan.

"Anong bakit bakit may kasalanan ka pa sa amin!" Gigil na sabi naman ni Jen.

Huh? Anong kasalanan tinutukoy nito? Inaano ko siya? Kakaloka. Ang huling interaction namin ay kanina sa Genmath pa.

"W-Wala naman po a-akong ginagawa sa i-inyo," nauutal ko paring sagot dahil naiiyak na ako, ramdam ko nga na naiipon na yung mga luha ko sa mata eh. Ngayon lang nag-register sa sistema ko yung sakit ng pagkakabangga at pagbagsak ko dahil sa kanila.

"Anong wala?! Inaagaw mo samin yung M5! Tapos ngayon sasabihin mong wala?!" Sigaw naman ni Jasmin tsaka ako sinabunutan at kinalmot na sinaluhan pa nila Kristine. Kaya tuluyan nang tumulo yung mga luha ko. Ang sakit!

"Tama na po," sabi ko habang naiyak. Shemay. Mataas naman pain tolerance ko pero kung sabay-sabay silang apat na sasaktan ako, iba na yun.

"Subukan mo pang lapitan ang mga M5, hindi lang 'yan ang matatanggap mo!" Sigaw nanaman ni Jasmin. Bakit ba siya sigaw ng sigaw? "The show's over guys! Go back to your businesses!" Sigaw niya sa mga students na nanunuod samin kaya umalis na sila para balikan yung mga gagawin nila pero pasulyap-sulyap pa rin sila sa akin na may mapangutyang tingin.

My Disguised Heir [Completed]Where stories live. Discover now