•~Chapter 16: He's Sick!(Part 1)~•

4.6K 105 7
                                    

Chandrea without disguises at the media section

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Chapter 16: He's sick!(Part 1)
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Andrea's POV:

"Hmmmmmm... Hmm hmm hmmmmm... Hm! Hmm hmm hmm hmmmmmmmm! Hmm hmm hmm hmm hmm hmmmmm!" Pag-hahum ko roon sa kantang "Chandelier" ni Sia. Kumbaga eh, yan yung "I'm gonna swing! From the chandeliieeerrr! From the chandeliiieeeerrr!" Dinamiahan ko na yung mga letters para dama. Basta yun. Monday ngayon, just so you know.

Sa ngayon ay nagkakabit na lang ako ng mga ek-ek ko sa mukha at ready na akong pumasok. Pagkatapos ko magkabit ng kung ano-ano sa mukha ko ay lumabas narin ako ng dorm room ko. Dumiretso na ako sa cafeteria para mag-almusal. 

Habang naglalakad ako ay nakikita ko nanaman silang nakatingin sakin ng masama tsaka magbubulungan. Hayy! Buhay nga naman parang life. Tch! Bahala sila jan. Kaya ko namang mabuhay ng wala sila.

Nakarating ako sa cafeteria na walang nangyayari sakin, which is good. Pagkapasok ko sa cafeteria ay biglang nanahimik ang lahat at napatigil sa ginagawa nila at tumingin sa pinto ng cafeteria, wherein in that place you can see me standing. Di ko na lang sila pinansin at dumiretso na sa counter para makapag-almusal na ako. Ramdam ko parin yung mga maiinit na mga tingin nila saken na nagpaparamdam sakin ng pagka-ilang. Pinipilit kong wag na lang silang pansinin at nagtagumpay naman ako. Nung naging turn ko na sa linya ay nag-order na ako ng kakainin ko.

"A-Ahmm... Ate isang breakfast meal po at isang Mountain Dew po in can," sabi ko.

"Okay. Yun lang ba?" Tanong niya sakin.

"Opo," sagot ko naman.

"Sige, wait lang," sabi niya at umalis na para kunin yung pagkain ko. Naka-balik naman siya agad at ibinigay na sakin ang pagkain ko na naka-patong pa sa isang tray. Inabot naman niya ito sakin.

"Thank you po," sabi ko at nginitian siya. Nginitian niya naman ako pabalik at tumango tsaka siya bumalik doon sa mga kasama nya para mag-serve din ng mga kakainin nung mga nakapila pa.

Ang breakfast meal ay yung parang natural na pang-almusal lang. Tulad ng sunny side-up egg, hotdog at bacons. Kung ayaw mo naman niyan, meron pa namang ibang pagkain diyan tulad nung iba kong ino-order. Nang maka-hanap na ako ng pwesto ay pumwesto na ako dun tsaka sinimulang kumain. Tsaka ko lang naramdaman na parang gumaan yung pakiramdam ko dahil sa hindi na ako tinitignan nung mga studyante dito.

Pagkatapos kong kumain ay ibinalik ko na yung pinagkainan ko roon sa counter tsaka ako umalis papuntang classroom. Di pa naman ako malelate kase 30 minutes pa naman bago magsimula ang unang klase ko. Habang naglalakad ako papuntang room ay wala pa namang nangyayare sa akin- ay mali pala, may mangyayari na. Dahil mukhang makakasalubong ko pa sina Kristine. Nakita ko pa ang pag-ngisi nya habang naglalakad na akala mo ay model pero sa totoo lang mukha syang clown dahil sa mukha niyang nagmukhang coloring book.

My Disguised Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon