Prologue

11.2K 571 107
                                    

"Tandaan mo ito Muning ha? Ito ang magiging palatandaan ko para makilala ka. Para kapag wala ako, ay malalaman nila ang pangalan mo."

Tandang-tanda ko pa ang mga sinabi na iyon sa akin ni Manang, ang aking amo. Sa katunayan, anak siya ng tunay na kumupkop sa 'kin.

Nagkakaproblema ang mag-asawa nitong mga nakaraang araw.
Dahil sa mga pag-aaway nila Inang at Amang, nagpasya si Manang na lisanin sila, sa pag-aakala n'yang magkakaayos pa silang dalawa.

'Yun ang akala niya. Pagkatapos niyang lumayas ay mas lalo silang nagkagulo. Sisihan dito, sisihan doon. Walang katapusang away. Ni hindi nga nila magawang asikasuhin ang bahay nila, maski ako, na alaga nila ay napababayaan na nila.

Kaya nagpasya na ako.

Ako, si Muning, ay nangangakong hahanapin si Manang para i-uwi sa aming tirahan.

Hahanapin at pinapangakong maiuuwi ng ligtas si Manang!

Sa muli, ako si Muning, ang Wonder Kuting, paalam!

**
So, okay. Haha. Kinakabahan ako! Salamat sa magbabasa nito!☺

Ang Paglalakbay ni MuningWhere stories live. Discover now