Chapter 33 Great pretenders

9.8K 240 7
                                    

Pierce POV

"Ano na? Huy! Ang lamig lamig dito sa kotse." Kanina pa sya ganyan, pagkahatid namin dun sa mag-asawa umalis na kami at naghanap ng matutuluyan pero wala talaga eh. Kaya naman todo angal sya. "Hello? May bagyo po oh! Ang lakas ng ulan!"

"Okay, okay! Basta--"

"Oo na! Basta pag tumila na ang ulan, aalis na agad tayo para hindi maka abala sa ibang tao." Pagpapatuloy nya habang pangiti ngiti pa ng nakakaloko. Pasaway!

Nagmaneho na ako pabalik dun sa bahay nung mag-asawang tinulungan namin, "Tao po!" Habang kakatok katok pa sya sa pintuan.

"Oh ijo, ija kayo pala!"

"Opo Tita ahh. Pasensya na po sa abala pero pwede po bang dumito po muna kami pansamantala hanggang sa humina hina ang ulan?" Mukhang sanay na sanay na talaga syang makitulog sa ibang bahay.

"Oo naman! Halika, pasok kayo malamig na sa labas." Pumasok na kami. Maliit lang yung bahay, pero okay na rin 'to atleast hindi masyadong malamig hindi tulad sa kotse. "Pag pasensyahan nyo na ang bahay namin kung maliit."

"Okay lang po yun atleast may natitirhan." Pagbibiro nya.

"Nga pala saan nyo ba balak pumunta?"

"Dito rin po kaso sa bayan." Sagot ko, pamali mali kasi kausap si Leaf.

"Nako ijo! Dalawang oras pa ang biyahe para makapunta dun, liblib na kasi itong sa amin. Kaya dapat lang na bumalik kayo dito para makasilong."
Mukhang namang mabait silang mag-asawa, "Eto, kayo ba ay mag-asawa o ano?"

Nagkatinginan naman kami ni Leaf. Dapat ba naming sabihin na, wala naman kaming relasyon?

"Ang totoo po nyan ay, kahapon lang po kami naging mag-asawa. Naparito nga po kami para sa honeymoon namin eh kaso inabot na po kami ng malakas na ulab, diba baby?" Pa kindat kindat pa.

(。・ω・。) Anong mag-asawa!? Anong honeymoon!? Nahihibang na ba sya!?

"Aba ay congrats ijo, ayos yan!" Bati naman sa akin nung lalaki habang pigil na pigil naman ako sa pag ngiti.

Lagot talaga sya sa akin mimiya. Urgh!

"Tutal mag-asawa na naman pala kayo, pag pasensyahan nyo na itong maliit na kwarto ng anak ko. Dalawa lang kasi ang kwarto namin dito."

"Okay lang po yun Tita! Nakakahiya na nga po eh, pero talagang kinapalan na po namin yung pagmumukha namin he-he-he-he."

"Oh sya maiwan ko na kayo! Magluluto pa ako ng hapunan, magpahinga muna kayo." Umalis na yung mag-asawa kaya hinigit ko agad papasok ng kwarto si Leaf at sinaraduhan yung pintuan.

"Mabilis si ijo ano?" -Lalake.

"Hayaan mo na! Maghahoneymoon nga eh, eto naman." Sagot naman nung babae sa asawa mya.

"Tingnan mo nga oh! Pinag-iisipan na nila tayo, tsk! Ano bang pumasok sa utak mo at sinabe mong mag-asawa tayo?" Ibinaba nya yung kamay ko na nakasandal sa pintuan.

"Sige nga, kung hindi ko sinabe yun sa tingin mo ba patutulugin nila tayo dito? Narinig mo ba dalawa lang ang kwarto nila! Wala na akong choice kaya ko yun sinabe, at tsaka natutulog naman tayo sa iisang kwarto sa bahay nila Tita diba? So ano pang big deal sa pag tulog natin ngayon sa iisang kwarto?" Tinalikuran na nya ako, "Nga pala labas ka muna magpapalit lang ako." Kaya lumabas na ako ng kwarto.

Hinubad ko muna yung damit ko basa kasi, ang lakas kasi ng ulan sa labas.

Nakita ko naman yung mag-asawa abala sa pagluluto.

".. Hmmm, masarap!"

"Shempre ako pa? Tikman mo naman itong isa." Nagsusubuan sila ng pagkain, nakakatuwang tingnan pero nakakalungkot din. Kaylan ko kaya mararanasan yung tatanda kami ng magkasama yung tipong kahit gaano katagal, walang magbabago.

Wanted Babymaker (Editing)Where stories live. Discover now