Chapter 54 Jealous Pierce

11.3K 276 16
                                    

Pierce POV -

Sa buong time ng concert ay sobrang saya ni Leaf, enjoy na enjoy siya sa pagkanta at panonood doon sa banda habang si Kuya ay todo support naman sa kanya. How? Whenever she stands up to cheer for them ay tatayo rin si Kuya to cheer at kapag vinivideo-han ni Leaf yung nangyayari at ganun din si Kuya kay Leaf. He's making sure na mayroong mababaong memories si Leaf on that concert.

Matapos ang concert ay magkakasama kaming apat.

"Where do you want to go next?" Tanong ni Hayley kila Kuya.

Tumingin muna siya kay Leaf pero hindi ito nasagot. Iniiwasan nga rin ako ng tingin.

"I think she's hungry." Palagi naman siyang gutom.

Kaya naman pumunta muna kami sa pinaka malapit na restaurant mula rito ang while we're waiting for the food. Sinenyasan ko si Kuya na lumabas na muna at naiwan yung dalawa sa loob.

"Bakit Pierce? May problema ba?"

"Bakit magkasama kayo ni Leaf?"

"Aksidente lang din kung bakit kami magkasama kanina. Kahapon pa dapat kami pupunta ng concert but because of what happened, hindi natuloy. Sakto namang tinawagan niya ako because of an emergency kaya inaya ko na rin siya manood."

Okay, that makes sense pero--- "naging close kayo kaagad?"

"Siguro nga. Teka-- pinag iisipan mo ba kami ni Leaf na may something?"

Not entirely sure about that. It's just that, ang bilis lang lalo na pag dating kay Kuya who's known for being an introvert. Si Leaf, hindi na ako magtataka pa at maligalig 'yun.

"She called me a while ago asking for help dahil naiwan daw niya yung wallet niya sa hotel at wala siyang pang bayad sa taxi. Siguro, contact number ko yung nakita niya sa phone kaya ako yung tinawagan niya and in Leaf's case alam mong hindi siya pupwedeng iwanan na lang mag-isa in a country that she's not familiar with kaya sinamahan ko muna siya. Ayaw naman niya na bumalik sa hotel dahil nga sa baka daw bumalik si Hayley, umiiwas lang din siya sa gulo. Kilala mo naman si Hayley di 'ba? Ano na lang iisipin niya kapag nalaman na nag sstay kayo ni Leaf sa iisang hotel room."

Alam ko naman 'yun. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ganito ako mag react sa kanilang dalawa.

"Okay, thank you for helping me on this."

"Mapagbibigyan kita ngayon pero once na bumalik na kayo, ayusin niyo yung problema niyo."

Bakit ko ba kasi nasabi na fiancé niya si Leaf? Parang mas lalo lang gumulo ang lahat dahil doon pero bahala na, malapit lapit na rin naman kaming umuwi.

Pahakbang na si Kuya pabalik sa restaurant pero pinigilan ko.

"Kuya, pwede ba na ituloy niyo na lang muna ni Leaf yung pagpapanggap hanggang hindi pa kami nakaka uwi?"

Napa buntong hininga na lamang siya.

"Okay, but make it sure na aayusin mo 'to kapag nakabalik na kayo. Huwag mo ng palakihin pa ang problema, tapatin mo na si Hayley kung ano ba ang nangyayari. Kahit pa sabihin nating fixed marriage lang ang nangyare sa inyo ni Leaf, still she's legally your wife at isa pa, may pakiramdam din si Leaf, hindi sa lahat ng pagkakataon ay palalagpasin niya yung ganito."

"Oo kuya, salamat."

Walang kasiguraduhan kung kailan ulit kami magkakasama ni Hayley kaya kahit ngayon lang, mapag bigyan niyo kami.

Pagkatapos namin kumain ay nag aya sila Kuya na bumalik doon sa pinuntahan nila ni Leaf kahapon dahil hindi raw nasulit ni Leaf yung view dahil nga sa nawalan siya ng malay dito.

Wanted Babymaker (Editing)Where stories live. Discover now