Chapter 17: Time Travel

54 5 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nanunood ako ng paborito kong series dito sa bahay. Rest day namin ngayon since its Sunday. Tutok na tutok nga ako eh.

"Clovis has new invention."

"Ano?"

"Dunno. He's not telling what is it. Lagi namang surprise."

My eyes went big when I realized I'm talking to someone who wasn't there before.

"What are you doing here?" tanong ko kay Nix. Lumayo ako ng bahagya sa kanya dahil sa gulat. Tumawa siya tapos nilapit na niya yung sarili niya sa akin. He pinched my nose which made me shout.

"Kanina pa ako sa tabi mo, nakikinuod ng Homer. You're too focused on watching, you didn't pay me any attention when I sat beside you."

Nang ibalik ko ang tingin ko sa hologram pinapalabas na nila preview for next week. Tapos na ang Homer. I didn't even get the chance to watch the last part!

"Tignan mo tapos na tuloy! Hindi ko napanood yung last scene!"

Tumawa lang naman siya habang pinanlilisikan ko mata. "Nood ka na lang ng recap sa Wednesday."

Binato ko ng throw pillow si Nix. "May pasok tayo, baliw."

Nasalo niya yung binato kong unan tapos tumawa na naman.

"Ayan, boring na ulit." Reklamo ko kasi wala na naman akong magawa.

"Pwede mo ako hamunin. Hindi naman kita tatanggihan kahit na alam kong matatalo ulit kita."

"Ipapalapa talaga kita kina Shadow at Midnight." Seryosong sabi ko kaya inakbayan niya ako.

"Napaka seryoso naman. Or gusto mo puntahan na lang natin si Clovis?"

"Bakit?"

"Hindi ka ba curious sa invention niya?"

Pinag isipan ko yung alok niya. Tinatamad akong umalis ng bahay pero mas ok naman na ata na guluhin si Clovis. Wala naman akong kasama dito kasi wala naman si Daddy at sina Kuya.

Nginitian ko na din si Nix tapos tumayo na mula sa sofa. "Call the gang. We have a lab to crash."

Tumayo na din siya at nakipag fist bump sa akin. Nilabas na niya phone niya at nagtext kina Zero. Ako naman umakyat at nagbihis. Pagbaba ko, umalis na kami agad.

"Sa plaza ang meeting place." Pag iinform sa akin ni Nix. Tumango ako at mas binilisan ang pag i-skateboard.

"Daan tayo kina Harm."

Napakunot ng noo si Nix sa sinabi ko. "Bakit?"

"I want to see Ry." Pumayag naman si Nix. Wala rin naman siyang magagawa kung hindi sumama. Besides, ayaw ba niya makakita ng cute at bibo na bata?

Deitrem (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon