KAPITULO VIII

18.3K 199 19
                                    

"curiosity always kills the cat"--xx

ELISE

Nasaan na ba sila? Yun lang ang tumatakbong tanong sa utak ko ngayon. Seriously, sa lahat ba naman kasi nang papagalain nila mag isa, si Queenie pa. Eh shushunga shunga pa naman din yun sa direksyon. Tapos si Cathrine, ay nako ewan ko ba dun.

Naiistress ako. Sumasakit ang ulo ko. Hanggang dito ba naman pasaway yung mga yun?

"Chill lang. " Akala ko lalabas na yung puso ko mula sa katawan ko nang magsalita si Erl. 

"Bwisit ka. Buti na lang wala akong sakit sa puso kundi inatake na ako."

"Sayang wala." Kahit bulong yun, napataas ang kilay ko sa inis. At agad siyang sinamaan ng tingin.

"Lumayas ka dito Erl bago kita ibitin ng nakabaligtad."

Tinawanan lang ako nang bwisit at saka umalis. Buti naman at wala nang nakakabadtrip na presence na lalong nakakasakit sa ulo. Problemado na nga dadagdagan pa yung bad vibes. Sarap isumbong kay donghae eh. Kaso ayun busy kasi sa korea.

Agad akong napatingin sa kalangitan at nakitang kong pagabi na.

"Psst. Elise." Napatingin ako sa gilid at napansin si Andrew na parang aligaga. Ano na naman bang problema nang taong 'to?

"Baka sasabihan ka na maganda ka." Sinamaan ko nang tingin yung bumulong na yun. Akala mo hindi kita narinig ha?

"Wala pa ba si Cathrine?" Halata sa kanya na nag aalala talaga siya. 

"Hindi pa namin siya nakikita eh." Biglang sabat ni Jose. Oo, hindi ko rin alam kung ano naisip ko at sila pa talaga ang nautusan ko. Ah. kaya pala. Sila lang na magjowa ang nagsipag. Milagro. Minsan lang kaya lubos lubusin na. "Hayaan mo na, Baka magkasama lang sila ni Queenie. Tutal best friend naman sila. " Sarcastic na dagdag ni Paula 

Lihim akong napangiti. Parang may lihim lang na hinanakit. Pwe. Tawa ko na lang. 

"Ako na lang maghahanap sa kanila pag sinipag ako bukas. Madilim na. Masasayang yung flashlight eh. Mahirap na pag may emergency." Singit ni Joshua na obvious naman na kanina pa nakikinig.

Nagkibit balikat na lang ang dalawa saka kami nilayasan. Tapos si Andrew naman, napa buntong hininga na lang tapos sumunod na dun sa dalawa.

THIRD PERSON

Hindi mapakali si Andrew kaya nang nakakita sya nang pagkakataon, siya ay pumuslit para lang maghanap kay Cathrine. Kagaya nang ginawa nang dalawang traydor, sinundan nang mga ito si Andrew nang di niya namamalayan.

Hindi man halata, pero kahit ganito ang binata, pinapahalagahan nya pa rin ang kanyang mga kasama. Kahit pa binubully siya nang mga ito.

Killing Camp (EDITING)Where stories live. Discover now