Kapitulo IX

15.4K 113 7
                                    

Dapat nagrereview ako dahil hellweek na next week (midterms) pero ewan ko ba kung bakit bigla ako nagkaroon ng mood para magtype. One year ata akong di nagupdate? pfft.



"Two can keep a secret if one of them is dead." --xx

MARION

Nakapangalumbaba lamang ako habang nagsscroll sa facebook. Nakakapagtaka na napakatahimik nang cellphone ko samantalang adik sa gm (groupmessage) ang mga ka klase ko. Ang boring nang sembreak. Parang walang nangyayari. Nakatunganga lang ako. Nasaan na kaya si Bal?(Queenie) Ilang araw nang umaalis yun nang walang pasabi. Tapos uuwi na kadalasan ng hating gabi. 

beep beep

Ugh, biglang nagdead bat yung laptop ko. Nakakainis walang magawa dito sa bahay. Hihiramin ko na lang yung kay Queenie since ilang months na syang nakikituloy sa bahay and okay naman yung hiraman ng stuffs between us.

Dahil nasa first floor pa yung kwarto nya, at pagabi na rin, binuksan ko ang mga ilaw. Grabe, hindi naman sya organized na tao, pero sobra naman ata ngayon. Parang di na sya nagaayos. Siguro dahil lagi na syang pagod? Tsk tsk, Bal talaga.

Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko kaagad yung laptop nya. Hindi na rin ako nag abala pang umakyat muli upang bumalik sa aking sariling kwarto bagkus ay binuksan ko na ang laptop. Dahil napakatagal ng loading screen, nag ayos ayos na muna ako.

Hindi pa naman gaano katagal namamalagi dito si Bal kaya hindi na ako nahirapan pang linisin yung kwarto. May isa lamang akong cabinet na never ginalaw dala na rin sa kanyang pakiusap na huwag iyong papakielaman kahit kelan. Yun lang daw. Syempre naiintindihan ko naman na ang nais nya lamang ay ang salitang 'privacy'.

Binuksan ko ang maliit na tv. Shems. Balita pa yung palabas.Naglog in muli ako sa facebook. at inulit ang posisyon ko kanina sabat scroll pababa. Wala pa ding interesting na bumubungad sa--

Oh my G.

"Nahuli na namin ang lider ng isang napakalaking sindikato. Napag alaman din namin na hindi lang pala illegal na droga ang kanilang binebenta kundi armas din. Nag aangkat sila mula sa ibang bansa at ipinagbibili ito hindi lamang sa makakapangyarihang tao sa bansa kundi sa lahat ng tao na may kakakayahan, ibig sabihin, basta abot mo ang presyo, may mangyayaring transakyon. At hindi lang yun, sa isang site na hindi gaanong katago. Tsk grabe napaka lakas naman ng loob ng kanilang organisasyon. At dito na po nagtatapos ang aking ulat."





Napakibit balikat na lang ako sa lumalalang kalagayan ng bansa. Hmm, magiingat na lang ako simula ngayon. Pinagpatuloy ko pa ang pagbbrowse sa may facebook ng biglang makita ko ang post ni Antoinette

Posted by Antoinette : Excited na koooo. Ngayon lang makakapagsarili with frieends. On the way to far far awaaaaay land. Kidding. Somewhere there lang. With the trees, the butterflies and the bees. 

Shit, hindi kaya? 

Hindi yun maaari. Kaya hindi ako sumama dahil ang alam ko hindi sila pinayagan. Walang silang kasamang matatanda! 

Sinuri ko pa timeline ng ibang kong kaklase at confirmed. Tinuloy nga nila!

Kung hindi ako nagkakamali, pati ang magaling at mabait (note the sarcasm) ay kasama si Bal. 

Hindi na ako nagaksaya ng panahan ay kinalkal ko na ang laptop nya dhail wala naman silang sinabi na lugar sa akin basta inaya lang nila ako nung nakaraan.

Hanggang sa may nadaanan akong folder na nakalagay. Agad ko yung binuksan dahil ang pangalan nung folder ay diary.





Hindi ko na napigilan ang paglaki ng awang nang aking bibig sa bawat araw na nababasa ko. Hiwalay hiwalay kasi e. Isang notepad isang araw.

Hindi ko alam na may ganito siyang pinagdadaanan.

At lalong nanlaki ang aking mga mata sa huli dahil nandun ang pangalan ko at parang para sakin talaga yun dahil hindi yun entry kundi isang yung babala at instruction na dapat kong gawin. Agad kong binuksang ang cabinet.

Holy crap. San nya to nakuha? ...and bakit siya may ganito? At bakit ganun yung sinabi nya?

Pagka secure ko nung case na nasa loob ng cabinet, tumakbo ako patungo sa sarili kong kwarto at agad nag dial ng numero.





----

Oops, hanggang dito na lang muna. Wooh, after isang taon nakapagupdate din. Wala kasing inspiration XDDDDD Sorry people of the world. Mehehe/

Killing Camp (EDITING)Where stories live. Discover now