Bahay ni Lolo't Lola

5.7K 117 1
                                    

Kasalukuyan kaming nasa byahe ngayon papunta kina Lola. Si Mama ang nagd-drive habang nasa backseat kami parehas ni Patrick.

"Uy Harley, pahiram ng phone." sabi ni Patrick habang hinihila-hila ang braso ko.

"Bakit ba? Aanhin mo? Kita mo namang in game ako oh!" malakas kong sabi habang pilit kong inilalayo sa kanya yung phone. ML pa naman tong nilalaro ko.

"Eh yun nga. Maglalaro nga sana ako. Dali na! Weak ka naman e!" Sinigawan ba naman ako sa tenga ng luko. Nadidistract tuloy paglalaro ko. "Please?" He folded his hands and pouted.

"Sus! Akala mo ba madadaan mo ko sa pagpapa-cute mo?" Inirapan ko siya.

"Bakit? Totoo naman diba?"

"Huh? San banda?" Pag-tanggi ko habang nakafocus parin ang mga mata ko sa laro.

"Lahat Harley, lahat! Kaya lahat ng chix nalapit sakin." Ay iba din ang kahanginan ng lalaking 'to e.

"Wooooh! Grabe! Napalakas ata ang aircon ng sasakyan namin. Bigla kasi humangin." Malakas kong pagkakasabi.

"Ah ganun ha?" Bigla na lamang akong kiniliti ni Patrick. Gagi! Porket alam na malakas kiliti ko. Nabitawan ko tuloy phone ko. Bwiset talaga, clash pa naman.

"Uy wag! Tama na! Sakit na ng tiyan ko!" Di ko alam kung matatawa ba ako, maiiyak o magagalit sa sobrang pangigiliti niya.

"Uy tama na yan ha. Malapit na tayo, maghanda na kayo baka may maiwanan kayo dito sa sasakyan." Biglang singit ni Mama. "Para kayong mga bata."

"Ma! Si Patrick oh!" Sumbong ko kay Mama tapos binelatan si Patrrick.

"Ha? Tita hindi. Wag po kayo maniwala kay Harley. Ang lakas nga po manghampas ng anak niyo e." Bumelat din siya sa'kin pagkasabi niya.

"Pssst. Sabi nang tama na." Pagsasaway samin ni Mama na para ba naman kaming mga bata. Tumigil naman kami ni Patrick.

Bigla kong binalik ang tingin ko sa phone ko. Nakalimutan ko nang ingame ako shet. Wala na defeat na. Trinash talk pa ako ng mga kakampi ko. Paniguradong bawas na naman credit score ko mamaya hayy.

"Yan, talo tuloy. Ikaw kasi, ang papansin." Mahina at mataray kong pagkakasabi kay Patrick. Pero medyo paiyak na ako, buti napigilan ko.

"Anong ako? Ang damot mo lang kasi." Mahina ring sagot ni Patrick.

-----5 minutes later-----

Nakarating na kami sa bahay ni lolo't lola. Medyo late kami.

Malaki at malawak ang bahay nila kaya parehas kaming namangha ni Patrick kahit nakapunta na ako rito dati. May mga kaunting binago din kasi.

"Wow ha. Maganda din pala ang bahay ng lolo't lola mo." sabi ni Patrick.

"Shhh. Tumahimik ka nga diyan. Pababa na yung lolo't lola ko. " Saway ko sa kanya.

Natanaw na namin sina lola sa hagdan habang sila ay pababa ni lolo upang salubungin kami. Grabe, parang hindi man lang natanda si lola saka ang ganda parin. Sana ganyan din ako pagtanda.

"Oh apo. Nandyan na pala kayo." Sabi ni lola habang suot-suot ang maganda niyang ngiti. Lumapit ako at inabot ang kamay nila.

"Mano po 'la, mano po 'lo." Pag-galang ko.

"Oh apo sino nga pala yang kasama mong tisoy? Kasintahan mo?" Sabi ni lolo. Luh si lolo talaga. Kasintahan agad? Sana nga kasintahan na lang e. Mukhang imposible nga lang yun mangyari. Hays.

"Ho? Ay hindi ho. Ako nga po pala si Patrick. Bestfriend po ni Harley," paglilinaw niya.

"Ay opo 'lo, bestfriend ko po." Tugon ko.

"Ah ganun ba?" Sabi ni Lolo.

"Eh apo, diyan naman din kami nagsimula ng lolo mo. Matalik kaming magkaibigan noon at di nagtagal at nagtapat na siya ng nararamdaman niya para sakin.Eh parehas lang naman kami ng nararamdaman noon para sa isa't-isa kaya sinagot ko siya at naging kami. " Kwento ni lola sa amin. Ang saya naman ng love story nila. Bestfriends din sila dati.

"At nang tumagal ay nagpakasal na kami ng lola mo." Dugtong naman ni lolo sa sinabi ni lola.

"Eh lola, lolo, hindi nga po kami! Kaibigan ko lang po siya." Pagpapaliwanag ko.

"At saka po mag-bestfriend nga lang po talaga kami. At ang bestfriend hindi syino-syota. Hanggang bestfriend lang po talaga. 'Diba Harley?" Sabi ni Patrick. Oo na. Pinapamukha mo pa e.

"Huh?" Pagaalinlangan ko pa.

"Diba??" Sabi niya.

"Ah opo. Tama po siya hanggang magbestfriend lang po talaga." Sabi ko. Tanggapin ko na lang hehe.

"Buweno, sige tara na habang wala pa masyadong bisita. Baka maubusan kayo ng upuan." Sabi sa amin ni lola. Marami siguro talagang inaasahang bisita sina lolo't lola. Ang daming table at upuan e. Ngayon ko lang din talaga narealize na malaki pala talaga bahay nila, kahit ilang beses na ako nakapunta dito.

"Ah sige Ma, sunod na kami." sabi ni Mama kina Lola. "Kayong dalawa, behave kayo ha? Maraming bisita na dadating. Utang na loob Harley at Patrick, wag muna kayong masyadong magkulitan dito, okay?" Pagsesermon sa amin ni Mama. Ano ba yan Ma, para naman kaming mga bata kung pag-sabihan e. Napatawa na lang kami parehas ni Patrick.

"Ano ka ba Ma? Hindi naman kami ganun no. Saka Ma, hindi na kami bata." Natatawa kong sabi kay Mama.

"Sus. Kapag kayo ba namang mag-bestfriend ang laging magkasama ay laging kagulo. Huwag na kayong kumontra." Napatawa na lang ulit kami sa sinabi ni Mama dahil totoo naman.

"Haha 'wag po kayong mag-alala tita. Behave lang po kami hanggang mamaya sa party." Sabi ni Patrick.

"Sabi niyo yan ha. Sige tara na." sabi ni Mama.

I'm InLove With My Bestfriend (REVISING)Onde histórias criam vida. Descubra agora