Harley's Realization

722 10 1
                                    

Harley's POV

Psh. EZ win Haha!

Akala siguro ni Jaime porket babae ako di ako marunong dito. Sa bagay di pa naman niya 'ko talagang kilala. Pero itong si Patrick, kita ko sa mukha niya na kinabahan siya nung kami na ang maglalaban Haha! Alam niya kasi na talo siya palagi pag sa akin HAHA.

"Grabe. Ang galing mo." Yiiee enebe Jaime<3 Wahaha. Di ko alam ha pero I think nagblush ulit ako dun sa sinabi niya. Nag-init yung pisngi ko eh.

"Psh. Pinagbigyan ko lang naman yan eh." Tsk. Yabang talaga ng mokong na 'to. Hindi pa naman yan nananalo sakin eh.

"Hoy ang kapal mo ha! Ang sabihin mo, bulok ka lang talaga. Weak! Haha." Well...

"Huh? Ako? Weak? Tss. Nananaginip ka ata ng gising." Psh baka siya Haha!

"Psh. Edi shing!"

"Ehem!" Sabay pa si Jaime at Margaux. Nga pala kasama namin sila. Kasi naman eh! Bakit may double date pang nalalaman 'tong si Jaime eh. Sabi niya labas daw kami. Yung KAMI lang sana tapos magaaya siya ng double date? Trip neto? Tsaka 'tong si Margaux, akala ko ba gusto niyang sila lang dalawa ni Patrick lagi tapos pumayag siya tss. Kita ko rin naman sa mukha ni Patrick na parang ayaw din niya at parang napilitan lang din siya. Parang ako.

Pero ba't ganun? Di na 'ko nakakaramdam ng ka-akward-an kapag kasama o kausap ko si Patrick. Di na katulad ng dati. Kanina nga tinawag ko pa siyang bestfriend. Eh yun yung dating tawagan namin eh. Ibig kaya sabihin nito wala na 'kong feelings sa kanya? Na nakamove-on na yung feelings ko sa kanya? Isa pa, kinikilig na 'ko kay Jaime eh. Shocks! Confirmed! Gusto ko si Jaime.

Tsaka nag-iba ata ang ihip ng hangin ngayon. Ang bait ata sakin ni Margaux.

"Nice game pero I think we should move on to the next game. So, what's next?-Margaux

"I agree to that. Tara mag car race!" Uy gusto ko yun! Parehas talaga kami ni Patrick Haha!

**

"Saan niyo gustong kumain?" Naku buti naman at naitanong yun ni Jaime. Kinain na ata nung malaki kong bituka yung maliit kong bituka eh. Ang tagal kasi namin dito sa timezone.

"Mas mabuti siguro na sila yung magdesisyon diyan." Kami ata Ni Margaux yung tinutukoy ni Patrick.

Walang nasagot samin ni Margaux. Ako naman kasi, basta may fries sa kakainan namin, ayos na 'ko dun nuh. Eh ayaw ko namang sabihin kasi iba naman yung gusto ni Margaux, pizza.

"Pizza Hut? Shakeys? Greenwich?" sabi ni Jaime. Basta kung saan may fries magkakaayos tayo! Haha!

"Sa shakeys na lang bro." Sabi ni Patrick. Siya na yung nagdesisyon, wala kasing sumasagot saming dalawa eh>.< Mmm pede na. Choosy pa ba?

**

"Sorry our dear customers. We our closed. "

Pak! Sarado pa! Ang layo pa naman ng milakad namin. Wala kasing shakeys sa loob ng mall eh kaya lumabas pa kami. Nagiisa pa naman ang restaurant dito, shakeys lang.

"Sarado. Paano yan?" -Patrick

"Babalik na lang ba ulit tayo sa mall?"-Jaime

"What? Ang haba ng nilakad natin oh. Ba't kasi di na lang tayo nag-car." Mahina na yung boses niya dun sa panghuli niyang  sinabi.

Teka ba't amoy usok dito? Amoy...inihaw! Pagkalingon ko, may barbecue-han. Wow heaven! Lumapit ako. May isaw, dugo, paa ng manok, ulo ng manok, hotdog at barbecue. Ugh now this is heaven.  Sumunod sila sa akin.

I'm InLove With My Bestfriend (REVISING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora