Chapter 1

22.9K 371 7
                                    


Chapter 1: Come back

Umihip ang hangin kasabay nang pagsayaw ng suot kong bistida.

This place reminds me of how I let go of the chances I once wished. Kung saan ko tinapos lahat. Kung saan ko pinakawalan ang isang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko. At sa ngayon, lahat 'yon ay parte na lang ng memorya ko.

Busy ang mga tao sa kani-kanilang ginagawa. The music held us tight. Sa harap ko ay iyong pool na may nakasinding kandila na nakapatong sa tila asul na papel para hindi tuluyang mahulog sa tubig.

Sa pagpikit ng mata ko'y bumalik ang mga alaalang gusto kong ibaon. Sa pool. Sa pool kami unang nagkita at sa parehong lugar nagtapos ang lahat.

His smirk. His wiggling brows. Those lips. Deep eyes. Those little pieces of him. I miss of all of those. Two years and I never heard anything about him. Maliban sa nanirahan ito sa ibang bansa ay wala na akong nalaman ukol sa kanya.

I've moved on. 'Yon ang alam ko. Iyon ang pilit kong ipinaglalaban. Naramdaman ko na lang ang pagdausdos ng kamay ng lalake sa dibdib ko. He was trying to look for a route for better access kaya napatiyad ako.

Binuksan ko iyong mata ko at nasilayan ang ibang lalake at hindi ang lalakeng minahal ko.

December, same month when I first saw him beside the pool. Nakauniporme pa siya noon. We're still high school that time. Third year siya at second year ako.

Nagprapractice ako para sa swimming competition and he's just there at the corner, watching himself on the water. Ang sarap itulak. Ang laki ata kasi ng problema niya.

Tahimik ang buong paligid. Walang masyadong nadaraan dito dahil nasa pinakadulo ito ng school. Sa kabila na ay ang matatayog na puno ng Mangga at Narra. Everyone's afraid to come closer to the pool, ang alam kasi nila palagian ito ng multo. I've been practicing since I became part of the swimming team. Wala naman akong nararamdaman.

Pinanood ko lang siya roon sa gilid habang nag-iistretching ako. Gwapo. Matangkad. Maputi at may kasingkitan din.

"Gusto mong maligo?" I asked. Ako na ang bumasag ng katahimikan kasi parang wala ata siyang balak. Hindi siya nagsalita at nagsimula nang maglakad nang hindi man lang ako sinasagot. Ang sungit! Pinagkibit ko na lang iyong ng balikat.

Naging ganun ang kinagawian ko pag napapadpad siya rito. Tatanungin siya at maghihintay ng katahimikan at paglaho niya hanggang sa isang araw nagbago 'yon. Akalain mo kinausap na niya ako?

And that moment it boomed.

Third year na ako nang maging kami. A year after  we first saw each other. I don't know why I chose  December for us, siguro dahil importante sa 'kin 'yon dahil sa month na 'yon una ko siyang nakita. I was the happiest girl that moment. But December was also the worst.

Girlfriend ako ng taong pinapangarap ng marami kong kaklase. All of them envied me. Of course, who wouldn't? It's Perl Pruss S. Ezmonde.

Until we reached college when everything came to a point where all you ever think is how you can live the judgements against you everyday. 'Yong kailangan mong harapin ang panghuhusga ng mga tao sa'yo. I'm fine with it. Kaya ko. Kaya kong labanan iyon but he left me. He believed them rather than me. At hindi ko 'yon inaasahan. Na akala ko ako ang paniniwalaan niya but he didn't. He didn't believe me. He believed them. At ang sakit. Kasi akala mo siya na talaga iyon pala hindi.

Pinunasan ko ang luha ko nang bumalik ang mga alaalang iyon kasama ang sakit. Even if the memories that cling to my mind happened for so long ay buhay na buhay pa rin iyon sa utak ko. Iyong sakit mula roon.

Tease Me (SSB#1)Where stories live. Discover now