Chapter 17 - More Enemies

262 6 0
                                    

Chapter 17

FRIDAY ngayon at makakapasok na ako. Kahit two days na akong nandito sa bahay ay ngayon lang ako pinapasok ni Mom kahit sabi naman ng doktor ay pwede na akong pumasok. Makulit lang talaga si Mom. May cast naman ako para hindi ko masyadong maigalaw ang kaliwang braso ko at para mabilis na ding gumaling yung gunshot wound ko. Matatanggal ko na din naman ito after two days.

Isinukbit ko na sa kanang balikat ko ang bag ko at bumaba na. Nadatnan ko naman sa dining area si Mom at si Dad. Hindi ko na lang pinansin si Dad. Not once na dumalaw man lang siya para tingnan kung ano na ang nangyari sa akin. Hindi ko alam sa kanya kung ano ang dahilan niya. Kinalimutan niya na lang talaga siguro ang pagiging ama ko.

"Kumain ka na Avery. Damihan mo para gumaling ka na agad." Sabi ni Mom at kung ano-ano ang inilalagay sa plato ko.

"Mom, magaling na ako. Papahilumin na lang ang sugat ko." Ngumiti ako sa kanya. Namiss ko lang din siguro ang pag-aalaga niya. Kumain na din ako. Hindi kasi masarap ang pagkain sa ospital. Na-miss ko din kumain dito sa bahay.

"Dumaan ka sa kay Principal Torres, Avery." Sabi ni Dad. Nakakapagsalita pa pala siya.

Nag-aantay ako ng paliwanag pero hindi na siya ulit nagsalita. Si Mom naman tahimik na kumakain. Binilisan ko na lang din ang pagkain ko at umalis na. Nagpaalam na ako sa kanila at pumunta kay Tatay Jun. Umalis na din naman agad kami.

Mabilis lang ang naging byahe namin papunta sa HHS. Maaga pa din at wala pa masyadong tao. "Thank you po Tatay Jun." Tumango siya sa akin at ngumiti. Bumaba na ako sa kotse at naglakad papasok sa HHS.

Tinahak ko na ang papunta sa office ni Principal Torres. Kahit hindi ko pinansin si Dad ay narinig ko naman ang sinabi niya at masunurin naman ako. Minsan. Mga ilang minuto ay narating ko na din ang office niya.

Napaangat naman ang mukha niya nang makita akong pumasok. "Oh Avery, andyan ka na pala. Please sit." Sabi niya at itinabi ang notebook niya. May isinusulat kasi siya.

Umupo naman ako sa harap niya. "Ano po ba ang dahilan at nandito ako?" Tanong ko.

Ngumiti naman siya. May kinuha naman siyang folder. "Medyo madami kang naging absences mula nang lumipat ka dito. I'm just going to remind you na humabol ka. Pero as I've heard from the teachers, you are an exceptional student. Naniniwala akong makaka-cope up ka agad."

"Kaya ko naman po." Sagot ko.

Napatitig naman siya sa kaliwang braso ko. "Masakit ba?" Umiling ako. "Of course." Sagot niya at hindi kumbinsido. Ang mukha ko naman puno ng pagtataka at napansin niya yun. Napangiti pa siya. "I'm a former gangster. A gangster leader to be exact."

Nanlaki naman ang mata ko. Pero hindi naman malayong mangyari yun. Hindi naman dahil principal siya dito ay hindi na siya pwedeng magkaroon ng ganong background. Nagulat lang ako dahil sinabi niya pa sa akin kahit hindi naman kailangan.

"I was shot once or twice back then." Kwento niya kahit hindi naman ako nagtatanong. "I did love fighting. Pero I wanted to change. I did. Ginawa ko naman lahat at ito na ako ngayon."

"But why choose this place?"

"Dito ako nag-aral. At gusto kong magaya sa akin ang mga estudyante dito. Hindi naman imposible ang makatapos sila. Pero kailangang maisip din nila yun. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. At hindi ka ba nagtataka kung bakit kahit iba-ibang gang sila ay hindi nagkakaroon ng giyera dito?"

May point siya. Kaya siguro hindi ako makakita masyado ng mga nag-aaway ay dahil takot sila kay Principal Torres. Hindi ko siya naabutan. Kailan kaya siya nag-quit maging leader?

The Gangster QueenWhere stories live. Discover now