Chapter 51

19 2 0
                                    

Althea Point of View

Late na ako! Ngayon na ang fieldtrip namin at ang usapan before 3 am dapat nandun na. Kasalanan ng lalaking yun eh! Kainis hindi man lang pumunta sa bahay ko para magsorry okaya magtext. Masyado akong nag-assume. a school. Nandoon na ang mga bus. At halos lahat ng mga studyante ay nakasakay na. Hinanap ko pa yung bus namin. Number 6 ang number nito. Ayun! Mukhang puno na yata. Ako na lang yata ang late.

"Sorry Ma'am. I'm late. " sabi ko kay Ma'am Analyn.

"It's okay Thea. Maghanap ka na ng mauupuan mo aalis na yung bus natin."

Tumango na lang ako kay Ma'am bilang sagot. Halos puno na ang mga upuan. Sila Cassy nakaupo na rin. Nag 'hi' lang ako sakanila ganun din sila. Napansin ko naman sa may Left side, panglimang upuan. Nandoon sya. Ng magtama ang mga mata namin. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.Doon na lang ang vacant seat. Anong gagawin ko?

"Thea? May problema ba? Umupo ka na doon sa vacant seat. Aalis na tayo." Sabi ni Ma'am.

No choice ako. Lumapit na ako sakanya. Mali. Lumapit na ako sa upuan ko. Umusog naman sya kaya umupo na ako sa may bintana. Ng magtama na naman yung tingin ng mga mata namin. Inirapan ko lang sya. Bwisit! Wala ba talagang balak mag-sorry to. Naiinis na ako. Kainis sya.

Umalis na kami sa school, ngayon pupunta na kami n tagaytay. Akala ko magiging masaya pero hindi pala. Kinuha ko na lang yung headset ko sa bag at inilagay na sa tenga ko. Mas gusto ko pang makinig ng music kesa sa makinig ang boses nya. Mabwibwisit lang ako.

Habang nakikinig ako ng music biglang tumigil yung bus kaya inalis ko muna yung headset ko para makinig kung ano ang nangyayari.

"Okay class. Magsstop muna tayo dito sa seven eleven. Yung gustong bumili ng ma snacks bumili na. Tuloy tuloy na ang byahe natin." Sabi ni Ma'am .

"Thea! Tara bili tayo." Pagyayaya sakin nila Cassy, Coleen, Rose, Jen at Pia.

"Ayoko. Kayo na lang" sabi ko sakanila. Ayokong lumabas. Tinatamad ako.

Napansin ko naman na biglang tumayo tong katabi ko. Kainis. Di man lang nagsabi na aalis sya. Kainis! Kainissss!

After 15 minutes. Bumalik na sya-- I mean sila. Nagulat naman ako ng biglang may nag abot sakin ng isang cup ng coffee. Ng iangat ko ang ulo ko. Sya. Sya ang nag aabot sa akin ng coffee. Akala ba nya madadaan nya ako sa pa coffee , coffee nya. Inirapan ko na lang sya at tumingin ulit sa may bintana. Tss. Manigas ka dyan. Nagulat naman ako ng kinuha nya ang kamay ko. Pagkatapos nilagay nya doon yung isang cup ng coffe at umupo na. Anong gagawin ko dito?

"Sorry."

Nagulat naman ako ng mag-salita sya. Tama ba ang dinig ko? Nagsorry sya?Isang word palang ang nasasabi nya parang tinutunaw na nya yung matigas kong puso.

"Sorry sa mga nasabi ko kahapon. Wag mo namang isipin na bata ang tingin ko sayo. I just want to protect you."

Para na akong maiiyak dito dahil sa mga nasabi nya. Gusto nya akong protektahan kasi mahal nya ako. Napayuko na lang ako at napagiti. Ang sweet nya talaga.

"Magsalita ka naman oh. Kahapon mo pa ako hindi kinakausap." Huminga ako ng maluwang.

"Apology accepted." Sabi ko. Bigla naman niya akong niyakap. Ang bango niya talaga.

Kumalas na ako sa pagkakayakap sakanya dahil pinagtitiginan na kami ng mga kasama namin sa bus. Yung mga kaibigan kong sila Cassy. Ayun. Nagtititili.

"Sabi na eh. Di mo ako matitiis." Sabi nya.

"Manahimik ka nga dyan. Nakakainis ka! Di ka man lang pumunta sa bahay ko okaya nagtext." Nag pout pa ako pagkatapos kong sabihin yon.

"You're so cute.Sorry talaga. Kanina sana magsosorry ako kaso ikaw irap ka ng irap eh kaya hindi ko makakuha ng tiyempo kaya sakto nung nagstop tayo sa seven eleven naisipan ko na bilhan ka ng coffee at makapag sorry na rin.."

"Ahh.. ganun ba.. ang sweet mo naman."

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Grabe! Namiss ko sya! Parang isang taon kaming hindi nagkausap.

Ng medyo tahimik na ang mga estudyante nakinig na lang ako ng music. Tulog na siguro sila. It's already 4am. Mahaba haba pa ang biyahe.

Nagulat naman ako ng may naramdaman ako ng may nag-alis ng isang headset ko sa may tenga. Pag tingin ko si Jaycee pala.

"Anong pinapakinggan mo?" Tanog nya sakin.

"Music malamang." Simpleng sagot ko sakanya na nakapagpatawa naman sakanya ng bahagya.

"Pilosopo ka ah. Anong music ang pinapakinggan mo?"

"Linawin mo kasi. Mine by Taylor Swift."

"Ahh.."

Naisip ko naman na ilagay sa isang tenga nya yung isang headset. Para naman makapagrelax din sya ng dahil sa music. Kinikilig tuloy ako.

Habang nakikinig kami ng music. Nakakaramdam na ako ng antok. Di ko na mapigilan yung antok ko kaya bumagsak na yung ulo ko sa balikat nya. Bago pa ako tuluyang makatulog naramdaman ko yung pag-akbay nya sa akin. I feel so comfortable hanggang sa makatulog na ako.

One Of The Boys Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon