Chapter 79

18 2 0
                                    

Althea Point of View

Pinagmamasdan ko lang siya habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Siya yung tao na kahit masaktan siya basta't maprotektahan niya ako. Siya yung tao na kayang kunin lahat ng sakit para lang guminhawa ako.

"Ang hirap kasi Jayc, minahal kita ng sobra sobra tapos sa isang pagkakamali lang ay mawawala lahat, iiwan mo na lang ako ng basta basta. Mahirap at masakit maiwan sa ere. Sobra. Pero alam mo kung ano yung masakit?" Pinunasan ko ang pisngi kong basang basa na.

"Yung sinabi mong sinayang mo ang isang taong buhay mo sa isang spoiled brat na kagaya ko, na pinagsisihan mong nakilala mo ako. Sobrang sakit, Jaycee. Kasi ako, When the day that I saw you it feels like heaven. " napapikit siya ng mariin sa sinabi ko.

"I'm sorry, hindi ko naman sinasadya na sabihin iyon sayo. Ginawa ko lang iyon para hindi mo na ako habulin kahit na masakit." Umiling ako sa sinabi niya.

"Pero hindi ko sasabihin na pinagsisihan kong nakilala kita. Hindi ko sasabihin iyon, Jaycee. Hindi ko sasabihin na hindi pa sapat ang pagmamahal ko sayo samantalang ubos na ubos na ako. Nasayo na lahat. Sising sisi ako sa sarili ko noon, pilit kong hinahanap kung ano bang nagawa kong matinong pagkakamali para saktan mo ako ng ganito, para iwan mo ako."

"Sobrang patapon na ang buhay ko noon. Sobrang minahal kita eh, Sobra sobra." Umiyak ako ng umiyak sa harapan niya. Lumapit siya sakin tsaka niyakap ako. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Sobra ang pagmamahal ko pero sobra rin pala ang sakit na mararanasan ko.." hinagod niya ang likod ko tsaka hinalikan niya ang noo ko.

"I'm sorry, Sorry dahil naranasan mo ang sakit na ito. Mahal na mahal kita, Maniwala ka, Mahal na mahal kita." Napapikit ako tsaka dinama ang yakap niya.

Kinusot ko ang mga mata ko dahil sa hapdi nito. Napamulat ako at umaga na pala. Napakurap ako ng makatulog pala ko sa sofa habang nakasandal kay JAYCEE?! Oh my gosh. Nakayakap pa ako sakanya. Dahan dahan kong inalis ang dalawa kong kamay pero bigla niyang hinila ito kaya napasubsob ako sa dibdib niya.

"Good morning." Oh my freaking god, Why he is so hot? Umagang umaga ay magkakasala yata ako nito.

"G-good morning." Nag-iwas ako ng tingin sakanya ng makita ko ang ngisi niya.

"Namumula ka, babe." Nanlaki ang mga mata ko sa tinawag niya sakin at agad na napatakip ng pisngi. Narinig ko pa ang marahang paghalakhak niya.

"Ouch!" Napatingin ako sakaya habang hawak hawak niya ang batok niya. Mali siguro ang pwesto ng pagkakahiga niya.

"Okay ka lang? Bakit ba kasi dito ka natulog?" Tanong ko sakanya habang tinitignan ang batok niya paunta sa gilid ng leeg niya.

"Kiss mo na lang ako para mawala ang sakit." Humarap ako sakanya tsaka sinapak siya.

"Mukha mo! Baka nakakalimutan mo, wala pang tayo." Napasimangot siya sa sinabi ko.

"Ano? Hinalikan mo nga—" tinakpan ko ang bibig niya dahil sa kadaldalan. Narinig ko pa ang paghalakhak niya. Nakakahiya, pulang pula na siguro ang mukha ko. Ewan ko ba kung anong ginawa ko bakit hinalika  ko siya kagabi. Hinalikan lang!

"Manahimik ka nga! Sipain kita pabalik ng states eh." Tumawa lang siya sa sinabi ko.

Matapos naming makapag-almusal. Oo kami! Sa sobrang kapal ng pagmumukha niya ay nakikain na siya. Bawal daw magutom ang isang gwapong katulad niya. Sarap ipatapon sa States. Naligo muna ako pagkatapos niyaya ko siyang pumunta sakanila.

Nandoon daw kasi ang mga boys, naglalaro ng basketball. Kailangan ko ring magsorry sa sinabi ko kagabi sa kanila.

"Papakinggan kaya nila ako?" Tanong ko sakanya habang naglalakad kami papunta sa kanila.

One Of The Boys Where stories live. Discover now