Chapter Eighteen

2.3K 43 2
                                    

Naaalala...

My heart is still throbbing in a rapid state.

I turned my head slowly just to met his cold eyes. Ganoon pa rin ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"I think you are looking for a wrong person," sabi ni Harold.

"You're not making sense," gumalaw ang panga ni Ruzzel.

Napalunok ako dahil sa uri ng tingin niya. Tila ako hihimatayin.

May iilang tao na ang nakikiusyuso sa amin. Hindi ako bago sa palabas na ito. Alam kong malalagay ito sa mga newspaper o ulat balita sa tv. Pakiramdam ko'y pinapanood na ako ni Lola sa mga oras na ito dahil naka-live ang party na ito sa isang kilalang network.

Nakita kong papalapit sa gawi namin si Tita Amy. Her defiant stare made me more worried.

"Lumabas na kayo at ako na ang bahala dito..." Narinig ko ang boses ng isang papalapit na lalaki sa gawi namin.

Kinukuha ng ilan sa mga guests ang atensyon ng lalaki ngunit hindi niya man lang ang mga ito nilingon. Deretso lang siya sa gawi namin.

His gray eyes are cold and weighing our situation right now. Isang tapik sa kanang balikat ang pinakawalan niya kay Ruzzel upang kunin ang atensyon, na nakatayo lang sa harapan namin ni Harold at wala pa ring balak na kumurap.

Four years ago, ay nakilala ko rin ito sa isla Laude. But I don't know about him.

"Sia? Harold?" kumunot ang noo ng lalaki sa amin. "Thank you for coming, kamusta?"

Nagulat ako na natatandaan niya ako. Nasa akin ang buo niyang atensyon at nang makabawi ay nilingon si Ruzzel. Wala pa rin itong imik at lalo akong kinakalampag ng kaba sa dibdib dahil hindi ganito ang ugali niya kapag may mga lalaking nakapaligid sa akin.

Kinuha ni Harold ang kamay ng lalaki na nakalahad at nagkamustahan silang dalawa. Naunang bumitaw si Harold. At nilingon ako uli ng lalaking lumapit sa amin.

Harold cursed softly. "We are fine, thank you for inviting us, Rendell."

So, he is Rendell, ang kuwento sa akin ni Harold noon nang magkita kami sa daan ni Sandra. Muntik ko ng makalimutan dahil sa haba ng panahon.

"So she is your date tonight?" sabi ng lalaki sa amin at seryoso ang tingin niya at naninimbang.

Bigla at natunaw ang kaba ko kahit paunti-unti dahil mukhang wala itong alam sa amin ni Harold. Na hindi niya alam na magpinsan kami o ako lang ang walang alam na baka palabas lang ito.

"Yes, she's my date tonight," sagot naman ni Harold.

"Well," Rendell drawled and cleared his throat. Kinuha niya ang pansin ng ilan sa mga tao upang makalapit sa gawi namin at nagbigay ng toast to celebrate the night. And maybe to clear the tension between me and Ruzzel.

Nagsimula ang ingay ng musika at ng mga taong dalo sa gabing ito. Natakpan din kami bigla. May umagaw ng kamay ko kay Harold, napabitaw ako at isang tango ang ginawa ni Harold. Si Tita Amy ang kumuha sa akin doon.

Mabilis ang hakbang ko. At dahil na rin sa natabunan na kami ay mahirap na akong makita pa ni Ruzzel sa dance floor.

Kumurap ako nang hilahin ako ni Tita Amy sa kanang braso. I felt the cold in my palms. Iginiya ako ni Tita sa may entrada at pinakawalan niya ang braso ko. Nagtatanong ang tingin ko sa kanya kung bakit kami nandito.

"Mauna ka na, hija, may huhuliin ako sa loob. Nakakalat sa buong paligid ang mga pulis. Me and Harold will handle this," she showed me her knife. "Take this, hija."

The Contract Lust (CarmellaSeries-1/COMPLETED-Editing) ®🔞+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon