[Hers]

192 10 0
                                    

First Love.

Nakilala kita nung nagkaroon ng try-outs para sa basketball team. Isa ka sa mga sumubok para makapasok. Pinaglaro kayo. Tinignan ang skills niyo. And luckily, nakapasok ka. Ang saya mo ng araw na yun.


Natuwa din ako ng nakapasok ka. Hindi ko alam kung bakit. First time ko lang magkaganito.


Mula nung araw na yun ay hindi na matanggal ang tingin ko sayo. Lagi akong nasa sulok, nagmamasid sayo kahit sa malayo.


Isang araw, nasa library tayo, nahuli mo akong nakatingin sayo. Agad kong kinuha ang librong nasa lamesa at kunwari ay binabasa ko ito. Pero pantakip lang talaga ito ng mukha.


Binaba ko ang librong hawak ko para makatingin sayo. Nakita kong tumatawa ka. Tinignan ko ang librong kaninang hawak ko. Baliktad pala. Ugh. Stupid me.


Nagkaroon kayo ng laro laban sa ibang school. Ang saya ko nun kasi mapapanood na uli kitang maglaro.


Nagsimula na ang game. Unang naka-score ang kabilang team. Nakakalungkot. Balak na sana kitang i-cheer ang kaso lang naunahan ako ni Ann. Napalingon ka sa kanya.


Kaklase at kaibigan ko si Ann. Maganda siya. Maraming nagkakagusto. Hindi na ako magtataka kung isa ka man sa kanila. Sapat na sa akin ang tumingin sa'yo kahit malayo man. Hindi ko na hihilinging mapansin mo ako.


Nanalo ang team niyo sa laro.


Practice game niyo. Nakaupo ka sa may benches kasama ang ibang team-mates mo. Umupo kami ng mga kaibigan ko malapit sa inyo para manood. Ulit. Tinitignan kita mula sa malayo. Saya diba?


"Uy Daryl, gusto ka daw makatabi ni Misha." Nagulat ako ng sumigaw si Ann.


"Crush ka kasi niya." Ani Francheska.



Tinulak ka nila papunta sa kinauupuan namin. Nakatabi nga kita. Siniksik tayo ng mga team-mates mo at ng mga kaibigan ko. Mga ilang minuto rin ang itinagal nun. Ang sayang nararamdaman ako ay napalitan ng pagka-dismaya dahil tumayo ka at umalis. Napa-"Aww" naman sila.


Umuwi na ako. Masaya na medyo naiinis. I feel rejected. Hindi naman rejected in a way na nanligaw ako. Ibig sabihin lang ay ayaw talaga niya sa akin.


Nagbabasa ako ng stories sa wattpad ng biglang may nag-pop na chat head. Nung una hindi ko alam kung sino ito dahil puti lang ang nakalagay. Dali-dali ko itong in-open. Nagulat ako ng ikaw ito. Matagal na kitang in-add pero kaka-accept mo pa lang pala.


Daryl:

                Hey ?

Daryl:

                 Anong full name ni Anne?

Ako:

                 Bakit?


Hindi ka na nag-reply ni seen nga wala e. Kung hindi nga lang siguro ako busy agad akong nag-reply nung Hey mo pa lang. "Uhm. Hi?" yan sana e. Kaso wala na. Tapos na.


Nananadya ka ba? Sa dinami-dami ng kaklase ko ako pa na nagkakagusto sayo ang pagtatanungan mo? Balak mo ba akong patayin? Kasi parang pinapatay mo na ako e.


Agad akong natulog pagkatapos kumain at magpalit ng pantulog.


Nagising akong nakangiti. Napanaginipan ko lang naman na pareho tayo ng nararamdaman. Napawi ito ng naalala kong kabaligtaran pala ng panaginip ang realidad.


Bumangon na ako at nagligpit. Naligo. Kumain at dumiretso sa school. Naglalakad ako sa corridor ng makita kita. Agad akong tumungo. Hindi mo naman ako mapapansin e. Nalagpasan na kita.


"Misha!" Napalingon ako ng tinawag mo ang pangalan ko. Luminga linga pa ako para kumpirmahin kung ako ng ba ang tinatawag mo. Wala namang tao so ako nga. Wala rin naman atang ibang Misha dito.


"Huh? Bakit?"


Triny kong maging normal dahil deep inside kinikilig na ako at kinakabahan sa kung ano man ang sasabihin mo.


"Anong full name ni Anne?"


Nagloading ang utak ko sa tanong mo. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong mo o hindi.


"Ann. Ann Margarette Garcia ang buo niyang pangalan. Sige. Paano ba yan? Mauna na ako ha." 


Nanghihina akong tumalikod. Naiiyak. Pero pinilit kong hindi umiyak dahil hindi pa ako nakakalayo. Ang sakit! Kaibigan ko pa. Balak ba niyang gawin akong tulay? Dahil kung oo, hindi ako martir na basta na lamang papayag.


Ikaw ang first love ko, ang nagparanas sa akin kung paano maging masaya kahit tinitignan lang kita sa malayo at ikaw rin ang dahilan kung bakit biyak ngayon ang puso ko.


"Misha!" Sigaw nito habang dinig ko ang yapak niyang papalapit sa akin. Binilisan ko ang lakad ko.


Hinawakan niya ang braso ko at iniharap niya ako sa kanya. Nakita ko kung paano siya nagulat nang makita ang mukha ko.


Unti unti ay pinunasan niya ang pisngi ko. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.


"Pinapatanong kasi ng kaibigan ko."


Loading...

First Love. [Hers | His]Where stories live. Discover now